Eleven

3.2K 86 3
                                    

Kinabukasan ay nanghiram ako ng jeans at t-shirt kay Bia. Medyo masikip ang jeans niya at hubog na hubog ang aking pang-upo. Nahihiya pa akong manghiram ng underwear, but do I have a choice?

Dumaan din ako sa isang bakeshop upang bulihan ng cupcake si Ziki. Gusto ko lang bumawi. Alam ko kahit di niya sinabi, naka istorbo ako.

Pagdating ko sa building ay pasimple akong tinitignan ng mga empleyado ko. I can't blame them, minsan lang ako mag jeans sa work.

"Maam! Good morning! 'Yung daddy nyu po nasa office ny--" nanlaki ang mga mata ko sa bungad ni Alyssa at mabilis na tinakbo ang aking opisina. Ni hindi na ako nakapag-good morning sa kanya.

Pagbukas ko ng pinto ay agad na bumaling sa akin ang nagtatawanang si daddy at Samuel. Natulala ako sa pinto. Nawala ang ngisi sa mukha ni daddy ng makita ako at sumeryoso ang kanyang ekspresyon. Naglakad ako papunta sa desk ko.

"Good Morning," bati ko. Hindi ko hinalikan si daddy sa pisngi. Hindi ko din tinignan si Samuel. Inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos sa desk ko.

"Hi..." Napapaos na boses ni Samuel. Tinignan ko siya at ng nagtama ang aming mga mata ay para akong nadaanan ng malamig na hangin. I could see the longing in his eyes. Longing for what, Sam?

Hindi ako naka-sagot dahil inunahan na ako ng mariing boses ni daddy, "Where have you been?"

Nagulat ako dahil sa tanong niya. Nagulat ako dahil alam niyang hindi ako umuwi kagabi. Nagulat ako dahil nagtanong pa siya. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga ni daddy sa ekspresyong aking pinakita. He can't blame me. I never expected him to ask such question.

Tumikhim ako at umupo sa aking swivel chair. I leaned back and tried to answer his question calmly, "kina Bia lang."

Nakita ko ang pag-iling ni Sam habang nakakunot ang noo, tila ba ay nakulangan din siya sa sagot ko. Tumikhim ako at nagpatuloy, "We thought we needed to catch up... I decided to stay at her house for the night."

"Bakit di mo kami tinawagan o ni-text ng mommy mo?" I really don't understand. What's with the act, dad?

"I got hooked with our conversation, dad. You don't have to... to worry. I got here safe naman diba? Let's get over it." Umiling-iling si daddy and I wanna return the gesture. You ask your wife why I couldn't bear to go home, dad. Tumunog ang cellphone ko hudyat na may mensahe. Nakita kong tinignan ni Sam ang aking cellphone na nasa table ko lang. I fought the urge to read the message.

"Next time magpaalam ka. Anyway, Sam's here para sa partnership ng kompanya mo at ng kanya." Sabi ni daddy.

"Let's just wait for my lawyer, he'll be here shortly." Tumango ako kay Sam. Tumunog ulit ang aking cellphone sa mensahe.

"How was the website?" Tanong ni daddy.

"We got more clients from the website than we got here. Hindi nga lang ako ang makapagpagawa ng mga ni-disenyo namin dahil may mga kliyenteng nagmumula pa sa ibang bansa. It's doing great. Malaki ang naitulong sa kompanya." 'Yun naman talaga ang gusto ko. Sa website lang itong negosyo. Ngunit gusto ni Denisse na magpatayo ng building kaya walang nagawa ang parents ko. I prefer website kasi less hassle.

"That's good--" natigil si daddy dahil sa malakas na ingay na nagmumula sa aking cellphone. Nanlaki ang mga mata ko ng tumambad sa'kin ang pangalan ni Ziki. Agad kong kinuha ang cellphone ko, nininerbyos na makita nila daddy kung sino ang tumatawag. Ni-end ko ang call at ni-silent ang phone ko. Tinago ko iyon sa aking bag.

"Bakit di mo sinagot?" Tanong ni daddy. Umiling ako.

"Hindi importante..." Nilingon ko si Sam at nakitang nakatitig lang siya sa akin, walang ekspresyon.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon