Napaawang ang bibig ko ng bumukas ang pinto ng sky restaurant. Ang mga mesa at upuan ay gawa sa glass. Ang mga chandeliers na ang desinyo ay mga paru-paru na gawa sa salamin ay nag sisikislapan sa kisame. Gawa sa glass ang mga walls at ang tanging semento lamang ay sa kitchen.
Nasa pinaka ibabaw kami ng building kaya kitang-kita ko ang kabuoan ng resort at ang ganda ng langit. Kitang-kita ko ang malaking pool at ang kulay-kulay na dots na sa tingin ko ay ang mga bulaklak sa garden. Ngayon ko lang narealize na bumuo ito ng malaking heart.
Tumili sila Jaz at umupo sa table na malapit sa glass wall. Kinuhaan ko iyon ng picture para sa aking snapchat at kumuha din ako para mag-update sa instagram. Masaya ako at kahit saan dito sa resort ay may wifi. May lumapit sa aming waiter at kinuha ang aming order.
Hindi ko pinalagpas ang iced coffee nila. I have to try it! If the other foods were amazing, ano pa kaya ang kanilang kape? Kung pwede ko lamang orderin ang buong menu nila at kung kaya lamang ng tiyan ko, bakit hindi? Gustong gusto ko ang mga pagkain nila sa puntong gusto kong dito nalang kumain araw-araw.
Matapos umalis ang waiter ay kinantahan agad namin si Jackie ng happy birthday. Sinasabayan pa kami ng ibang kumakain dito kaya mas nahiya si Jackie. Naibsan ang hiya ni Jackie ng sunod namang kinantahan ang isa pang nagbi-birthday. Hindi namin iyon kilala ngunit nakisabay na din kami. 'Cis' ata ang pangalan nun, hindi ko masyadong maintindihan.
Hindi din naman nakakapagtaka kung bakit ang sasarap ng mga pagkain nila. I bet mga 5 star chefs ang hawak ng resort na ito. Sa laki nito at sa dami ng taong dumadayo, kaya ata nitong pa sweldohan ang isang bansa. Sa tingin ko ang mga gamit dito ay naghahalaga ng hundred thousands o baka nga milyon kada isa! Sa mga desinyo palang nitong halatang customized.
Ilang sandali pa ay nilapag na sa harapan ko ang plato na may hash brown, eggs, bacons, bread, at salad. Nilapag din ang aking iced coffee at agad ko iyong kinuha upang tikman. Halos mapapikit ako sa sarap. Oh I think I need another glass! Saktong sakto ang timpla nito!
"You shouldn't be drinking cold drinks in the morning..." nilingon ko si Ziki na may ngiti sa labi. Bahagya akong natawa ng maalala ang unang beses niyang sinabi iyon. Ang bilis ng panahon. Noong unang beses niyang sinabi iyan sa akin ay halos hindi pa kami magkakilala. Mas makapal pa mukha niya noon.
"I've been drinking cold drinks every morning all my life." siya naman ang tumawa at umiling sa aking sagot. Kinuha ko ang hash brown at kumagat doon.
Matapos naming kumain ay pumunta na kami sa malaking pool. Inokyupa namin ang isang cottage at nilagay ang mga snacks namin doon. Dala-dala ni Ziki ang kanyang laptop at mukhang hindi siya maliligo. Nilingon ko ang malaking pool kung saan ay maraming naliligo ngunit bahagya lamang napuno ang pool. Sa laki nito ay kaya nitong paliguin ang isang lungsod.
"Hindi ka maliligo?" naramdaman kong tumingin sa akin si Ziki ngunit nanatili lamang ang titig ko sa pool. Masayang tumalon sina Brian sa pool habang sina Bia naman ay nagtutulakan. Si Clarc ay yumayakap kay Geoff na naiinis. Tawa ng tawa sina Jackie sa inis na mukha ni Geoff.
"I have work to do. Mamaya na..." tumango ako at kumuha ng snack.
"Hindi ka maliligo?" tanong ni Ziki. Nilingon ko siya na nakatingin sa akin, sa kanyang harapan ay ang kanyang laptop. Itinaas niya ang shades niya sa kanyang buhok at napaiwas ako tingin. He is a living temptation!
"Mamaya na," kumuha ako ng can of coke at saka nilagay iyon sa tabi niya. Kumuha ulit ako ng isa para sa akin. Hindi ko pa ramdam maligo.
"Okay..." sabi niya ng may ngiting mapang-asar sa labi. Kumunot ang noo ko at tinignan siya ng masama kaya siya tumawa, "what?"
BINABASA MO ANG
Love Me Instead
RomanceThere are things that are just not for us, but there are people we wish they loved us instead. | tagalog |