Twenty-seven

3.2K 60 7
                                    

"Kumain ka muna." Sabi ni Ziki at tinulak sa akin ang bacon at rice. Nagtitimpla siya ng kape namin habang ako naman ay nakapangumbaba sa mesa, pinipilit na huwag mahulog ang mata. 4am pa lamang ngunit kailangan na naming tumulak dahil sobrang excited na sila at para daw hindi sayang ang oras.

"Papunta na sila." Sabi ko, hindi pa din gumagalaw. Lumapit si Ziki sa akin at nilagay ang kape ko sa harapan ko.

"You'll get plenty of sleep in the van." Sumipsip siya sa kanyang kape habang nakatingin parin sa akin. He doesn't know just how hot he is. Napapatingin ako sa kanyang adam's apple sa bawat pag galaw nito tuwing lumulunok siya. Oh good Lord. Para siyang artista kung maka-inom ng kape. Ngumuso ako at nagsimula ng kumain.

Nakaligo at nakabihis na ako ngunit inaantok parin ako. Si Ziki ay sobrang agang tumawag, 2am pa ata iyon, sinasabing nasa labas na siya ng unit ko. Siya ata ang pinaka-excited sa lahat! Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang naka-itim na jeans, puting sapatos, puting t-shirt, at itim na leather jacket habang ako ay naka pajama lamang.

Bumalik pa ako sa kama dahil inaantok pa talaga ako ngunit kinarga na niya ako papuntang banyo. Kung hindi niya lang sinimulang hubarin ang aking damit ay siguro makakatulog ako sa banyo. Buti nalang hindi niya pa natataas ang aking shirt ng magising ako sa realidad. Agad ko tuloy siyang nabato ng shampoo bottle.

Matapos kong kumain ay sinakbit ko na ang aking backpack at sabay kaming bumaba ni Ziki. Sobrang aga pa na wala pang tao maliban sa guard. Matutulog talaga ako sa buong byahe! Ugh another uncomfortable sleep.

Pagbaba namin ay may nakaparada ng dalawang van. Ang isang van ay nakasara habang ang isa naman ay nakabukas. Lumabas si Jackie sa nakabukas na van upang salubungin kami. Sa pangalawang araw pa namin sa resort ang birthday ni Jackie.

"Good morning, lovebirds! Dito kayo sasakay," naningkit ang mga mata ko sa tinawag niya sa amin ngunit sumunod din sa van. Anduon na si Liam, Aeacus, at Bia sa likuran. Si Jackie naman ay sa passenger's seat umupo. Umupo kami ni Ziki sa dalawang magkatabing upuan.

Hindi pa nag-iisang oras sa byahe ay nahuhulog na ang ulo ko sa antok. Alam kong nakikita iyon ni Ziki dahil naririnig ko ang mumunti niyang tawa. Pinilit kong ibuka ang aking mga mata upang hindi ako makatulog. Namumula na ang aking pisngi sa hiya. Kasalanan niya ito! Ang aga niya akong ginising tapos tatawanan niya lang ako. Hindi ba siya inaantok? Bahala na nga siya.

Sinandal ko ang ulo ko sa salamin ngunit naalog iyon minsan. Wow! Galing, makakabawi talaga ako sa tulog nito e no. Naramdaman ko ang paglapit ni Ziki at paglagay niya sa kanyang kamay sa aking likod. I stilled, but my heart is far from being static. It went wild. Ganyan palagi ang nararamdaman ko pag hinahawakan niya ako, it's almost natural.

Nilagay niya ang ulo ko sa kanyang balikat bago bumaba ang kanyang kamay sa aking bewang. Sa kanyang bango pa lamang ay parang inaantok na ako. I feel safe in his arms. Maingay ang Up We Go ng LIGHTS sa car stereo ngunit pakiramdam ko ay ang payapa.

"Ris...love..." umungol ako sa ingay at bahagyang pagyugyog sa akin. Stop, please.

"Ris, we're here." dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Napaatras ako sa lapit namin ni Ziki kaya tumama ang ulo ko sa bintana ng sasakyan. Napahawak ako dun habang kinukunutan ng noo si Ziki na ngayon ay may ngiti na sa labi. Ugh.

Hinihimas-himas ko parin ang aking ulo ng makalabas kami. Napansin iyon ni Ziki kaya siya lumapit sa akin at hinalikan ang aking ulo. Halik-halik pang nalalaman e siya naman may kasalanan. Kung bakit kasi ang lapit-lapit. Alam niya namang iba ang impact niya sa akin...

Namangha agad ako sa desinyo ng hotel sa resort na ito. Pinaghalong modern at medieval ang tema nito. Itim at puti ang reception desk, sa ilalim nito ay may ilaw, habang sa likuran naman nito ay pader na gawa sa stone bricks. May mga nagsisitayuang faux-painted pillars at kayumangging rugs. Naglakad kami sa lobby kung saan may mga sofa loungers na kulay gray habang si Jackie at Bia ay nagputang reception. Sa gitna ay may malaking bilog na nilagyan nila ng tubig at mga sakto lang sa laki na bato.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon