Forty-two

4.3K 62 1
                                    

LAST CHAPTER BEFORE THE EPILOGUE!

~

"Ziki!" I gasped. Niyakap ako ni Ziki ng mahigpit. "May trabaho pa tayo."

"Take a leave." bulong niya.

"I can't. Hindi ko na nga napagtutuonan ng pansin ang kompanya dahil kay daddy, tapos magli-leave pa ako? No." pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa akin.

I successfully untangled his hands from my waist. Agad akong tumayo para hindi niya na ako mahila. Dumiretso na ako sa banyo upang makaligo na.

Bumalik sa akin lahat ng pinagdaanan namin ni Ziki. Hindi pa kami umaabot ng taon ngunit ang dami ko ng alaala kasama siya. Masaya ako na andito kaming dalawa sa puntong ito ng relsyon namin. Napagtagumpayan namin ang isa sa mga mabibigat na pagsubok sa aming relasyon.

Kung hindi ka marunong magpatawad, maaring mawala sa iyo ang isang bagay na malaki ang halaga sa buhay mo. Dahil lang sa isang pagkakamali. Lagi nating hinahanap ang 'right one', ngunit hindi man lang natin inisip na baka si right one ay nagkamali lang at nasayang na natin. Na baka dumaan na saatin pero iniwan na natin dahil nagkamali siya. We fail to remember that the 'right one' is not always perfect.

Matapos kong maligo ay napahawak ako sa noo ko. I forgot to bring my dress. Huminga akong malalim. It's just Ziki, Ris. He already saw half of your soul. He even tasted it for Godness' sake. Namula ako sa iniisip ko at agad na binalot ang aking katawan ng towel.

Binuksan ko ang pinto ng banyo at agad namang nag-angat ng tingin si Ziki. Lalo akong namula ng natigil siya sa pagsi-cellphone. Tumikhim ako at dahan-dahang lumabas. He shamelessly gaped at me kaya mabilis akong naglakad papuntang walk-in-closet.

"Beautiful!" natatawang sigaw ni Ziki. Padabog kong sinara ang pinto at sumandal doon. What a naughty guy...

Nang kumalma ang puso ko ay naghanap na ako ng maisusuot. Isang loose grey shirt ang sinuot ko, white pants na ripped sa tuhod, at black strap sandals. Paglabas ko ng closet ay nakadapa na si Ziki at naglalaro ng racing sa kanyang cellphone. Lumapit ako sa salamin at nagsimulang maglagay ng light make up.

"Di ka papasok sa trabaho?" tanong ko habang nagkikilay.

"Mamaya. I'll drop you to your office, tapos punta akong condo para magbihis." sabi niya ng hindi ako nililingon.

Matapos kong mag make up ay nag-blower ako ng buhok. Nakita ko si Ziki sa salamin na tumayo at naglakad palapit sa akin. Hinalikan niya ang labi ko bago hinawakan ang blower at suklay, "I'll do it."

Tumaas ang kilay ko ngunit hinayaan siyang i-blower ang buhok ko. I thought mahihirapan siya, ngunit he did well. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-check ng messages habang sinusuklayan ako ni Ziki.

Matapos kong mag-ayos ay hinatid na ako ni Ziki sa work. Hinalikan ko ang pisngi niya kahit nahihiya ako at madaling lumabas ng sasakyan niya. Pulang-pula ang pisngi ko ngunit hindi ko maalis ang ngiti sa aking labi.

"Good morning," bati ko sa mga guard. Masaya ang simula ng araw ko at halos nginingitian ko ang lahat ng emplyedo na nakakasalubong ko.

"Ma'am ang blooming niyo po," lumaki ang ngisi ko sa komento ni Alyssa. I feel so light and carefree. Parang lahat ng mabibigay na dala ko ay naiangat sa akin. Okay na kami ng family ko, at okay na din kami ni Ziki.

Tumunog ang cellphone ko habang nag a-approve ako ng mga designs. Agad ko iyong sinagot ng makitang si Ziki iyon.

"Babe," salubong niya. Tumaas ang kilay ko, ngunit nabuhay ang paru-paro sa aking tiyan ng marinig ko ang kanyang boses. I'll never get tired of hearing that voice.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon