Nine

3.4K 83 3
                                    

Inayos ko ang aking kulay blue na dress na hanggang sa kalahati ng aking hita. Pinaresan ko iyon ng puting flats at ang aking buhok ay tinali ko.

"Arisse!" mabilis akong nagtungo sa pinto ng marinig ang boses ni mommy. Binuksan ko ang pinto at sinalubong agad ako ng naka-kunot noo na si mommy. "Bilisan mo na nga!"

Tumalikod si mommy at umalis na. Huminga akong malalim bago sumunod kay mommy.

Pagdating ko sa baba ay naroon na ang mga Singson. Ngumiti ako kina tita at tito, hindi ko tinapunan ng tingin si Sam. Hindi ko alam kung bakit pero nahihiya ako. Humalik ako sa pisngi ni tita at tito bago tinignan si Sam. Nakatitig lang siya sa akin kaya ngumiti nalang ako. Sinuklian niya rin ako ng ngiti at halos mangatog ang tuhod ko.

"Beautiful as always..." Puri ni tita. Ngumisi ako at uminit ang pisngi lalo na nung tumango si Sam.

Iginiya kami ni mommy sa dining room matapos nilang mag-kamustahan. Tahimik lang si Sam at ganoon din ako.

"Si Arisse na ang nagha-handle ng Arden." Sabi ni daddy. Ngumiti ako ng tinignan ako nila tita ngunit di ako nagsalita.

"That's good! Kamusta naman ang pagpapatakbo mo dun, sweety?" Tanong ni tita Janice.

"My team's awesome kaya napapadali ang trabaho. I could say that we are doing good. Actually, may iilang malalaking kompanya at tao na din kaming naka-trabaho. We just need more machineries and people..." Sagot ko. I really enjoy my work. Siguro ganun talaga kapag passion mo iyong trabaho mo.

"Perfect! May negosyo kaming pagawaan ng furniture, Arisse. And we were planning about collaboration, diba Carlo?" Sabi ni tito Rodrigo at bumaling kay daddy. Tumango si daddy at ngumisi. That's what he wants.

"That's great to hear, tito! Kayo po ba ang nagma-manage ng negosyong iyon?" Tanong ko.

"Oh no, no," sabi ni tito at umiling-iling. Agad akong kinabahan. "Sam's managing it."

That means i'll have to work with Sam! Uminom ako sa tubig ko at sinulyapan si Sam. Tahimik lang siyang kumakain sa tabi ko.

Nag-usap sila sa collaboration na mangyayari. Minsan ay nakikisali kami ni Sam ngunit hindi na ako masyadong nagsasalit kasi naiihi ako. Ng hindi ko na nakaya ay tumayo ako. Tumingin silang lahat sa akin.

"Excuse me, CR lang." Ngumiti ako sa kanila at umalis na sa lamesa.

Matapos kong umihi ay nagulat ako ng makita si Sam sa labas ng CR. Dinalaw ako ng kaba sa mga posibleng rason kung bakit nasa labas siya ng CR.

"Mag c-CR ka?" Tanong ko kay Sam. Nakatingin lang ako sa chinito niyang mata.

"H-how did we end up on Blaine's room? Did you carry me all the way there?" Kumunot ang noo ko sa mga tanong niya. Nung una ay hindi ko na gets ngunit kalaunan ay naalala ko iyong birthday party ni Blaine. Kinabahan agad baka naalala niya iyong halikan namin.

Tumawa ako ng peke upang hindi mahalata ang kaba ko, "That was weeks ago, Sam! Kalimutan mo na iyon."

"I just wanna know." Lumunok ako sa seryoso niyang tinig.

"Oo, pero okay lang hind--"

"I'm sorry." Kinagat ko ang labi ko.

"You don't have to apologize..." Ngumiti ako sa kanya. Pumikit siya ng mariin.

"Did we kiss?" Nanigas ako sa tanong niya. Hindi kayang habulin ng hininga ko ang pintig ng aking puso.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon