Everything changed in a blink of an eye. The things I became fond of was taken away from me without even warning me. It all happened without caution. It was a big shock that shook my world. I didn't even saw it coming. Everything felt like a lie. We came to an end when we haven't even started yet.
But life goes on.
I have a company to look out for, and people to lead. I have my friends who will show me, if not the same, almost the same level of affection. I have people I need to stay strong for. I have myself. And self-worth is everything.
Sabi nga nila, sisikat din ang araw pagkatapos ng ulan. Hindi ko maipapangakong mawawala agad ang sakit dahil hindi ko alam kailan maghihilom ang mga sugat, ngunit susubukan ko hanggang sa makakaya ko. Hindi ito isang sulat lamang na maaring burahin, ito ay sugat na kailangang hintayin. Hihintayin ko ang paghilom ng mga sugat na ito at hindi ko ito mamadaliin. Minsan gusto ko na lamang mag lasing at magpakariwara, budburan pa ng asin ang sugat. Ngunit sarili ko na lamang ang natitira sa akin. I will not self-destruct. Hindi ibang tao ang makakasira sa atin, tayo.
"Ma'am sigurado ka po?" tanong ni Alyssa. I have been barking orders since the sun rose, and I can see the tiredness in my employees eyes. Hindi pa kailanman naging ganito kabigat ang trabaho ngunit kailangan ko ng distraction. I need a distraction to avoid destruction.
"Yes, Alyssa." mariin kong sabi. Kinakabahan na umalis si Alyssa upang ibalita sa ibang employees ang aking utos. I want them to submit designs tomorrow. Ang mga disenyong dapat ay sa huling araw pa ng linggong ito ipapasa.
Hindi ko alam bakit ko chini-check ang cellphone ko. Nagbabaka sakaling magti-text siya o tatawagan niya ako. Ayokong mag-isip ng ganun ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili. Baby steps, Ris.
"Arisse!" nagulat ako ng padabog na binuksan ni Bia ang pinto. Nagmartsa siya palapit sa akin at ng makalapit siya ay nameywang siya.
"What happened?" binalik ko ang atensyon ko sa trabaho ko.
"What happened?" tanong ko pabalik. They say, i'm good at pretending.
"Sabi ni Aeacus sobrang lasing ni Ziki kagabi. Alam mo ba na muntik ng makulong kasi nagwala sa bar?" natigil ako sa pagtitingin ng stats. Siya pa talaga ang may ganang mag-lasing at mag-wala? Dahil? Dahil nawala na naman si Denisse sa kanya sa pangalawang beses? funny.
"I don't know and I don't care." sa katagang iyon ay alam kong napatunayan lamang ang hinala ni Bia na may nangyaring masama sa relasyon namin.
"'Yan ang problema sa'yo. Kinikimkim mo lang. Hindi ka nagshi-share! Akala mo kaya mo lang kapag binalewala mo! Akala mo mawawala lang 'yan. Pero alam mo? Mas nakakagaan ng loob kapag nilabas mo." hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lamang ako sa ginagawa ko.
"I'm fine."
"You're not!"
"Okay, i'm not! Gusto ko siyang surpresahin kagabi, diba? Diba tumulong pa kayo. So hindi siya dumating kaya napag-desisyunan ko siyang puntahan sa unit niya. At alam mo ang narinig ko? Sigaw ni Carol, 'yung kaibigan niya. Sinabi niya na nag-cheat si Denisse at Ziki kay Sam noon! Na kaya lamang ako minahal ni Ziki dahil kamukha ko si Denisse at naaalala ni Ziki si Denisse sa akin. Ano pa?" nagbabadya na ang luha sa aking mga mata. Kahit ang aking boses ay nangngninig na. Lahat ng sakit na binabalewala ko lang ay sumulpot ulit. Ayokong maalala ang nagyari kagabi. Ayokong makaalala. Kung pwede palang magkaroon ng amnesia, why not?
Nakabuka ang bibig ni Bia at hindi nakapag-salita sa gulat. I know, B. I know. Ganyan din ang naramdaman ko ng marinig ko iyon. Hindi ko na napigilan ang aking mga luha ng niyakap ako ni Bia. I have someone. I still have someone. May mga tao pang andyan para sa akin. Ang nangyari ay hindi ikasisira ng buhay ko. Isa lamang siya sa mga lalaking dadaan sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Me Instead
RomanceThere are things that are just not for us, but there are people we wish they loved us instead. | tagalog |