"Grabe bitin!" Reklamo ko habang tinutulak ang pinto ng cinema. Nakasunod lang si Ziki sa akin na natatawa dahil sa aking mga reklamo. "Hindi man lang ipinakita kung nagkatuluyan ba sila!"
Hinawakan ni Ziki ang aking kamay dahil nawawala na ako sa dagat ng tao. "We can't do anything about it, iyon ang gusto ng direktor."
Hindi na ako nag responde. Nang makalayo na kami sa maraming tao ay hinila ko ang kamay ko at humalukipkip. Okay! That was a nice movie but the ending was very disappointing. Dapat ay hindi nila sinasayang ang magandang istorya sa pamamagitan ng pangit na ending. Bumuntong hininga ako.
"If things were left hanging, it leaves us wanting more. It leaves us hoping for more." Sabi ni Ziki. Tinignan ko siya sa mata. Wala na akong masagot sa kanya. May point siya.
"Grocery tayo?" Yaya ko. Nandito na din naman kami sa mall, lulubusin ko nalang. Tumango lang si Ziki at sabay kaming nag lakad tungo sa supermarket.
Kumuha ako ng cart at una kaming nagpunta sa meat station. Ako ang pumipili habang si Ziki naman ang naglalagay sa cart. Sunod ay kumuha kami ng hotdog, bacon, at ham. Naglagay na din ng chicken at tocino si Ziki. Ng magtungo kami sa mga gulay at prutas ay halos punuin ni Ziki ng ganoon ang cart.
"Hoy tama na! Masyado ng madami!" Sabi ko at binabalik ang ibang mga gulay. Bibili pa ako ng mga biscuits! Mga snacks at meron pang mga seasonings. Marami pa!
"You need these," giit niya ngunit tinulak ko na ang cart.
"Tama na," banta ko. Sumimangot siya at humirit pa na lagyan ng Cabbage ang cart.
"But Arisse!" Rinig kong reklamo niya ngunit hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa pag tulak sa cart. Kumuha ako ng biscuits at iilang chocolates. Pati pancakes at brownies. Hindi naman tinutulan ni Ziki ang mga junkfoods na binili ko. Hinawakan niya ang cart at siya na ang nag tulak.
Ang ingay ingay niya habang nagsasabi na I should eat healthy foods at mag-exercise everyday. Hindi ko siya pinapansin at inaaliw ko lang ang aking sarili sa mga bilihin. Tumahimik lamang siya ng nasa alley na kami ng mga napkins. Tig da-dalawang pack ng ordinary at overnight use ang kinuha ko.
"Isang buwan ba tatagal 'yang ano niyo?" Sabi niya habang nakatingin sa mga packs na nilagay ko sa cart.
"Stock lang,"
Sumunod kami sa mga bathroom essentials. Napupuno na ang aming cart kaya napag desisyunan kong mag-bayad na. Baka ay mahirapan pa kami sa pagdala nito sa aking unit. Matapos kong bayaran ang aking pinamili ay nagpatulong kami sa salesman na dalhin iyon sa sasakyan ni Ziki.
"Gusto mo kumain muna?" lingon ni Ziki sa'kin. Gutom na ako ngunit baka may ibang lakad pa si Ziki o nakaka istorbo ako. Masyado naman ata akong nakaabala. Halos buong araw kami magkasama.
"Sa condo nalang..." sabi ko. Nilingon niya ulit ako habang nagda-drive. Gusto ko siyang sawayin! Pumikit ako.
"You sure? Kasi kakain ako, dito ka lang sa sasakyan?" sabi niya at kita kong nagpipigil siya ng ngiti. Bumuga ako ng hininga. Tumawa siya kaya hindi ko na pinansin. Nangangamba parin ako sa pasulyap-sulyap niya sa akin. Mabilis ang pagpapatakbo niya sa sasakyan kaya napapahawak ako sa aking seatbelt.
"Please slow down and focus on driving..." hindi ko na napigilan ang aking sariling umangal. I've been in a car accident and it took me years to recover from the trauma. Sumulyap uli siya sa akin kaya halos bugahan ko siya ng apoy. If only I am in the position to nag...
BINABASA MO ANG
Love Me Instead
RomanceThere are things that are just not for us, but there are people we wish they loved us instead. | tagalog |