"Natatakot ako." hinigpitan ko ang yakap ko kay Ziki habang tinatago ang aking mukha sa kanyang dibdib.
"Don't be! Andito lang ako. Tayo nalang ang hindi nakasubok. And bawal ka na mag-back out." ramdam ko na ang luha ko dahil sa takot ngunit nanatili lamang akong nakayakap kay Ziki. Ramdam ko ang pag-baba ng tubig mula sa aking bewang hanggang sa aking tuhod at nagsimula na akong manginig. Humigpit pa ang yakap ko at nakapikit lamang ako.
"Ahh!!" napatili ako ng hindi ko na maramdaman ang tubig sa aking mga paa na nakaapak sa board sa gitna ng mga paa ni Ziki.
"Open your eyes!" sigaw ni Ziki upang marinig ko siya. Sinasalubong ako ng hangin at parang naiiwan ang kaluluwa ko tuwing umaangat kami. Dahan-dahan kong binuka ang aking mga mata at lumingon sa tubig na papalayo. Inangat ko ang aking tingin at kumalma ako saglit ng makita ang nakangiting mukha ni Ziki. Ngumuso ako at lumingon sa paligid.
"I can't breathe!"natatawa niyang sabi ngunit hindi ko niluwagan ang aking yakap. Paano kung mahulog ako! Sinasabi ko na nga ba hindi magandang ideya ang sumubok ng flyboarding! Masarap sa pakiramdam na parang lumilipad pero para ding nakipag-marathon ang puso ko sa bilis ng tibok nito! Hindi ko alam kailan ako huling kinabahan ng ganito. Ang dala kong gopro ay hindi ko na maitaas.
"You don't wanna miss this moment! Dali na, take a video." umiling ako kay Ziki. Hinding-hindi ko ibibitaw ang kamay ko kay Ziki! Hinding-hindi ako bibitaw dahil ayokong magsisi sa huli.
Inabot ni Ziki ang monopad sa aking kamay kaya bahagya kaming nagalaw. Tumili ako ng gumalaw kami at akala ko ay babagsak kami, mabuti nalang at hindi. Baka hindi kayanini ng puso ko. Dahan-dahan kong ginalaw ang aking kamay at ng maibigay ko sa kanya ang monopad ay yumakap ulit ako ng mahigpit. Itinaas ni Ziki ang monopad at pinipilit ko ang aking sariling tumingin doon.
"Wooooh!" sigaw niya habang ngumingiti sa gopro. Ngumiti ako ng tipid ngunit alam kong ngiting nanginginig lamang iyon. Pinulupot ni Ziki ang isa niyang kamay sa bewang ko at humilig upang gumalaw kami. Tili lamang ako ng tili habang umiikot kami.
Naiiyak na ako. Pakiramdam ko ay hindi na talaga kakayanin ng puso ko. "Baba na tayo!"
"Pahingi munang kiss," mahina niyang sabi. Tinignan ko siya kung seryoso ba siya at nakitang nakangiti siya sa akin ngunit ang kanyang mga mata ay nagmamakaawa. Kung ito lang ang paraan para bumaba na kami, okay! A kiss won't hurt. Isa lang. Ito lang. Huli na 'to. Tumango ako at sumilay ang malaking ngisi sa kanyang bibig.
I tiptoed to reach his lips. Ang kanyang hawak sa aking bewang ay mas humigpit. Dumampi ang mainit at malambot niyang labi sa akin. Ang pakiramdam ng lumilipad at ang pakiramdam ng kanyang labi sa akin ay parang nagpalasing sa akin. Naramdaman kong umikot kami ngunit lahat ng takot ko ay dinala ng hangin at ang tanging natira na lamang ay ang saya.
Pakiramdam ko ay tumatalon sa tuwa ang buong sistema ko sa sandaling ito. Gumalaw ang kanyang labi at sumunod na parang tuta ang akin. Banayad ang halik taliwas sa bilis ng tibok ng aking puso. Lumabas ang lahat ng paru-paru mula sa aking tiyan at nilipad kami ng mas mataas. Sumasayaw ang puso ko habang kinakantahan kami ng hangin. This is just so perfect. Kung maari lang ay sana hindi na ito matapos.
Naghiwalay kami upang makahinga. Ngumiti ako sa kanya at sinuklian niya iyon. Dahan-dahan kong naramdaman ang tubig kaya nalipat doon ang atensyon ko. Naramdaman kong nasa tubig na kami kaya nakahinga na akong malalim. Lumapit kami sa speedboat at tinulungan ako ni Aeacus na makasakay. Ng makasakay na ako ay nilingon ko si Ziki na lumalayo sa amin. Mangha ko siyang tinignan na tumataas na ngayon. Umikot-ikot siya sa jet ski na nakasunod sa kanya. Napasinghap ako ng mag back tumbling siya. Narinig ko ang tawa ni Aeacus sa gilid.
"Relax! he knows what he is doing." ngumiti siya sa akin bago lumingon ulit kay Ziki. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Oh he's making me worry.
BINABASA MO ANG
Love Me Instead
RomantikThere are things that are just not for us, but there are people we wish they loved us instead. | tagalog |