Nineteen

3.1K 80 11
                                    

"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ni Ziki ng lumabas ako sa pintuan ng condo unit ko. Tinignan ko ang suot ko; white crochet short, beige khaki slip v-neck cami cropped-top, black ankle boots. Suot ko rin ang Dior watch na regalo ni JC sa akin. What's wrong with my outfit? Kakain muna kami bago pumuntang club and I think this is fine for both places.

"Wear a cardigan, it's cold." Sabi niya at bahagya akong tinulak papasok ng room ko. Umirap ako at sinunod nalang ang gusto niya upang hindi na kami matagalan.

Kumuha ako ng gray na cardigan at lumabas ng kwarto. Tinaasan niya ako ng kilay ng makitang hindi ko pa iyon sinusuot. Ugh.

Sinuot ko ang cardigan which stopped on my mid-thigh. Saktong nag-ring ang aking cellphone ng makasakay na kami sa kanyang sasakyan. Sa kanya na ako sumabay dahil nasa iisang condominium lang din naman kami.

"Net," sagot ko sa tawag. Someone's singing in the background, I think nasa grill restaurant na sila. Doon kakanta sina Ziki.

"Asan ka na?" Rinig ko ang pag-uusap ng mga kaibigan namin. "Nag-share kami ng table nila Liam!"

Kumunot ang noo ko. Sinong Liam? "Liam?"

Nakita kong sumulyap si Ziki sa akin sa aking peripheral vision. I am trying to avoid any eye contact dahil baka hindi ko kayanin. He looks dashing in his gray short, polo shirt, and brown top-sider.

"'Yung guitarist nila Ziki! Ano ba naman 'yan, si Ziki lang ata kilala mo."

"Baliw. Hindi lang ako nagkaroon ng chansang makilala sila... Probably later," excited na akong makilala sila! Finally. After ilang chansang naudlot.

"O siya siya sige na bilisan mo na ng makakain na tayo. I-text mo nalang sa akin 'yung order mo para ma orderan na kita." Saktong tumunog ang phone ni Ziki. Sabay naming nilingon iyon. Nakita kong Aeacus ang pangalan ng tumatawag. Kumunot ang noo ko, ang complicated naman ng pangalan niya!

"Okay, Net." Binaba ko na ang tawag ng magsimula siyang mag tanong kung sino ang kasama ko dahil sa cellphone na nag-ring.

Hindi parin sinagot ni Ziki ang kanyang cellphone. Sinulyapan niya muna ako bago iyon kinuha. Inabot niya iyon sa akin kaya tinignan ko siyang nagtataka. Don't tell me... "Answer it."

Nanlaki ang mga mata ko. He trusts me that much? Parang hinaplos ang aking puso. Hindi ko alam bakit ang lambot ko pagdating sa kanya. Ang bilis kong mainis, ang bilis kong masiyahan, ang bilis kong mamula. Hindi ko maiwasang kwestyunin ang nararamdaman ko. I am not naive, I can feel it. Pinipili ko lang talagang hindi iyon i-acknowledge.

"Come on, Ris. I'm driving," I snapped out of my trance. Inabot ko ang kanyang cellphone at agad iyong sinagot.

"Where are you, Hezekiah?" Iritadong bungad ng caller. Tumikhim ako. Uhm...

"Kakanta pa tayo, pare. Hindi ka talaga namin oorderan!" Sino ba 'to?

"Ano... Kasi... He's still driving," hindi rumesponda ang kabilang linya na akala ko ay binabaan na ako. Tinignan ko ang screen ngunit andun pa din naman.

"Okay, pakisabi nalang bilisan niya. At 'yung order niya." Binaba na agad ang tawag, hindi man lang ako nakapagpaalam. Ngumuso ako.

"Ano daw order mo?" Nilingon ko si Ziki na tamad na nagda-drive. Nakatukod ang kanyang braso sa bintana at nakahawak sa kanyang ulo. Siya nalang sana ang sasagot kung iisang kamay lang din naman ang gagamitin niya pag-drive!

"Parehas lang sa'yo. Hindi ako familiar sa place at mga pagkain doon..." Tumango ako at binuksan ang message sa kanyang cellphone. Wala itong passcode at ang kanyang wallpaper ay simpleng rosas lamang na kulay puti sa itim na background. Ang kanyang applications ay naka-folder lahat ayun sa type nito.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon