Thirty-seven

3.2K 68 28
                                    

"Ziki..." ungol ko. Nauubusan na ako ng lakas. Umihip ang malamig na hangin na mas nagpaigting sa kakaibang sensasyon na nararamdaman ko ngayon. Ngunit alam kong mali ito. Maling-mali. Bahagya akong lumayo at hindi naman ako pinigilan ni Ziki.

"Let's stop..." mahina kong sabi. Umiinit na ang buong mukha ko, pati leeg. Nakatingin lamang si Ziki sa aking mga mata at natutuwa akong hindi niya tinitignan ang hantad kong dibdib. Nakakahiya na nga ang mga ungol at pag tugon ko kanina, hindi ko na kayang dagdagan pa ang aking kahihiyan.

Nanlambot ang kanyang mga mata at agad akong niyakap. Siniksik niya ang kanyang ulo sa aking leeg habang ang aking hubad na dibdib ay nakatago sa yakap. "I'm sorry. Sorry. Sorry. Sorry--"

"Hey, it's okay..." mahinahon kong sabi at hinaplos ang kanyang buhok. "It's not your fault."

Alam kong nirerespeto ako ni Ziki pero gaya ko ay nadala lang din siya. Normal lamang sa edad namin ito ngunit hindi kami kaya kailangan kong guhitan ng linya. Walang kasiguraduhan kung saan kami dadalhin ng aksyong nagawa namin.

Pinagdadasal ko na sana ay hindi niya marinig ang malakas na tibok ng aking puso. Hinahagod niya ang aking buhok habang ako ay humihigpit ang kapit sa kanya dahil sa ginaw. Hindi ko na inaalala kung maymakakita ba sa amin dahil bukod sa madilim, masyadong tahimik ang paligid.

Inabot ko ang aking bra at sinuot iyon habang nakayakap parin siya saakin upang hindi niya makita. Siya na ang nag-clasp nito. Matapos kong nasuot ang bra ay lumayo ako sa kanya upang ayusin ang aking damit. Nagulat ako ng makita ang namumula niyang mata.

"Hoy! bakit ka naiiyak?" hinawakan ko ang kanyang mukha at ineksamina ang kanyang mga mata. Nag-iimagine lang siguro ako? Madilim din dito at tanging ilaw lamang na nagmumula sa sasakyan ang nagbibigay ng liwanag. Inabot ko ang cellphone ko at inilawan ang kanyang mga mata. Pumikit siya ng mariin ngunit nakita ko na ng malinaw ang kanyang mga mata. Tama nga ako, nammumula nga!

"Hindi ako naiiyak." pag-dideny niya. Iniwas niya ang kanyang mukha sa akin at tumingin sa labas. Nakaupo parin ako sa kanyang kandungan at ramdam ko parin ang kanyang alaga. This is not the time to think about his dragon, Ris! Bumuntong hininga siya, "I'm just really frustrated."

"Hindi mo nga kasalanan." Nilagay ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Pagod na ako.

"No, i'm sorry kasi nawalan ako ng control. I shouldn't have made you feel disrespected--"

"You did not make me feel disrespected!" I shoot up. Why is he blaming himself when, clearly, we both lost control? Ako ang nagsimula. At isa pa, I did not regret anything. I hope siya din.

Dahan-dahan niyang itinaas ang zipper ng aking damit habang nagsasalita, "Naiinis lang talaga ako sa sarili ko and no reassurance can take that away. I don't want this to fail. I don't wanna rush things."

He's not going to listen to me, I figured. Dinampian ko ng isang halik ang kanyang labi bago lumipat sa passenger's seat. Akala ko ay babalutin kami ng awkwardness ngunit comfort lamang ang nararamdaman ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na nag-aadjust siya ng kanyang jeans. Gusto kong matawa. My poor baby...

Ang akala ko ay sa rest-house niya kami matutulog. But Ziki drove us back to the condominium.

I had some of my 'firsts' tonight. And all of them are good 'firsts'. Sa tingin ko ay ang relasyon namin ay magiging adventure. Dito ko ata makukuha ang marami ko pang firsts. I will learn and discover new things with him. It oddly excites me, but scares me at the same time. He is going to be a big part of my life and I was never good at letting go big things.

It's pellucid now, I love him. I've fallen for him, and that is a bad news. He is a bad news. Loving is bad news. But he is the only news I want.

Masyado na akong nasasanay sa kanyang presensya. Sa bawat araw na dumaan palaging may Ziki. Lagi ko nalang siyang naiisip, lalo na kapag hindi siya nagte-text. Kasi nasasanay na ako na tini-text niya. He always check on me at tuwing may mali handa siyang tumakbo papunta sa akin upang iabot sa akin ang aking gusto. His words give me comfort, and his arms give me peace. He gives me satisfaction and contentment. He is everything.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon