Twenty-nine

3K 63 7
                                    

Malakas ang music kahit nasa gilid ng dagat. The people are wild. Kahit saan ka tumingin ay sasalubungin ka ng abs at muscles ng mga naka topless na lalaki at iba't ibang hubog ng katawan ng mga babaeng naka bikini. May platform sa harapan kung saan andun ang DJ. May mga upuan, mesa, at bar. May mga torches din sa paligid at sa gitna, kung saan may maraming tao, ay clearing na nagsisilbing dance floor. Ang mga buhangin ay sumasayaw sa bawat pag galaw ng kanilang mga paa.

Naka-upo kami sa isang booth, may mga juices sa harapan. Since kami lang mga babae napag-desisyunan naming huwag uminom ng liquor.

"I'm really sorry, Ris. Hindi namin alam." nilingon ko si Bia at namula sa alaala. Biglang naging excited ang mga kaibigan ko ng mabalik ang topic na iyon.

"I-it's not what you think--" sabi ko ngunit pinutol agad ni Clarc.

"Asus ano pala iyon! Tsaka may lovebites ka nga. Beh, seryosohan na talaga ito? We're so happy for you." umiling ako at sumipsip sa aking juice.

"Jusko, Ris, hindi na tayo mga bata! You are 24! Normal na sa atin 'yan." sabi ni Jaz. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya, alam ko namang malalaki na kami. Siguro ganito lang talaga ang reaction ko kasi virgin ako.

"Kayo na ba?" nilingon ko si Tonet na nakahilig sa mesa upang abangan ang aking sagot. Ganun din ang ginawa ng iba ko pang mga kaibigan. Umiling ako at nakita ko ang pagnguso nila.

"Nanliligaw na ba?" si Jacki na naman ang nagtanong. Umiling ulit ako.

"Ano ba 'yan! Pero kung sakaling manligaw, sasagutin mo ba?" tinignan ko si Bia. Medyo natagalan ako sa pagsagot ngunit tumango din. Tumili ang mga kaibigan ko kaya agad ko silang sinaway.

Matapos naming maubos ang aming juices ay napagdesisyunan naming sumayaw na. Hindi todo ang aking mga galaw, nakukulangan din ako dahil there's no alcohol to encourage me. I could see my friends dancing with some people I do not know. Si Clarc ay may nakakasayaw ng foreigner na ang katawan ay akala mo walang oras na hindi nagwo-work out.

Naramdaman ko ang kamay sa bewang ko at napatalon ako sa gulat. Nilingon ko ang isang gwapong moreno. Ang kanyang kilay ay makakapal at ang ilong ay matangos. His cheekbones are high and his sharp jaw moving as he chew. He is topless, his body toned and tanned.

Images of Ziki flashed in my mind as I immediately stepped backwards as if I was burnt by the stranger's touch. Ngumisi ang estranghero at mas lumapit sa akin, grinding and slightly opening his mouth. I smiled politely and put my hands on his chest to stop him from moving closer.

"Please, stop." Matigas ang boses ko. Tinignan niya ako ng nakakunot noo kaya nagpatuloy ako, "I have a boyfriend."

Nagwawala ang mga paro-paro sa aking tiyan habang naiisip si Ziki na nagagalit kapag nakitang may nagsasayaw sa akin. Na para bang boyfriend ko siya at kakapit ako sa kanyang kamay habang kinakalma siya. Tapos pipikit siya ng mariin habang hahalikan ko ang kanyang pisngi at yayakapin siya.

Umiling ako sa aking mga naiisip. As if naman gagawin iyan ni Ziki! Napaka-ambisyosa ko rin talaga minsan. Kung makapag imagine ng mga bagay-bagay...

Tumango ang estranghero sa aking harapan at natuwa ako ng nirespeto niya iyon. He squeezed my arms lightly after flashing me his gorgeous smile. Tumalikod na siya at nawala sa dagat ng tao.

Lumapit ako kina Bia at doon nagsasayaw, dinadama ang bawat kabog ng tugtug sa aking tenga. Naamoy ko ang dagat at pinaghalong pawis dito ngunit nakangisi parin ako. Nilabas ko lahat ng pagod sa trabaho at sa byahe sa pagsayaw, pinipikit ang aking mga mata.

"Sorry!" Agad kong sabi at mabilis na binuka ang aking mga mata ng makaramdam ako na may naapakan ako. Lumingon ako at ang nag-aalala kong mukha ay napalitan ng gulat at pamilyarisasyon.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon