Thirteen

3.2K 77 13
                                    

"Ziki." Mariin kong sabi. Humupa ang kanyang tawa at bahagyang lumuwag ang pagkapulupot niya sa aking bewang. Agad akong tumayo at nagtungo sa desk ko.

"Sorry, hihilain lang talaga sana kita pabalik." Rinig kong sabi niya. Tumango ako. "Tsaka nakatulog talaga ako. Kakagising ko lang."

Tumaas ang kilay ko at di na nagsalita. Tumunog ang cellphone ko at agad ko iyong kinuha upang may mapagtuonan ng pansin. I need distraction kasi mukhang hindi ko kakayanin itong pinaparamdam ni Ziki sa akin. Nakita kong may mensahe galing kay daddy at Sam. Una kong binuksan ay ang kay daddy.

Daddy:
Sa bahay ka mag-dinner mamaya. Mag-uusap tayo tungkol sa hotel na nabanggit ko.

Ni-replyan ko agad iyon.

Ako:
Okay, dad.

Samuel:
Inimbitahan ako ni tito na mag dinner sa inyo mamaya. I'll pick you up.

I hope you could also pick me up from falling for you, darn it.

Ako:
Okay. 5pm out na ako.

"I'll buy us some snacks. Don't tire yourself out, pretty." Sabi niya at lumabas na, hindi hinihintay ang aking sagot.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko. Bakit ba sila umiinit? His petty words can't be affecting me. It shouldn't. Umiling ako. Hindi ko na maintindihan. I have decided, I will fight for Sam. I will make him fall for me. I need no distraction. Hindi dapat ako pwedeng maapektuhan kay Ziki. Siguro... siguro sa ka gwapohan niya lang kaya ako naattract.

"What the hell, Ris? You're not attracted to him!" Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Napatalon ako ng bumukas ang pinto at dumungaw si Ziki doon na may ngiti sa labi. Lalo pang uminit ang pisngi ko at mabilis kong inalis ang mga kamay ko doon. I am 90% sure na hindi niya narinig ang pangungumbinsi ko sa sarili ko. That's if the door was tightly closed. I hope di niya narinig.

"Ano pala gusto mong kainin?" Tanong niya na nakangiti parin. I hate it. I hate it when he's having an inside joke about me. Ayoko 'yung natutuwa siya sa akin sa hindi ko malamang rason.

"Busog pa ako e, ikaw nalang," Sabi ko at binaling ang tingin sa aking laptop. Kahit na nagpoprotesta na ang sikmura ko. Ziki please, 'wag mo guluhin ang isipan ko.

"No, you're not." Tanging sabi niya bago sumara ang pinto. I stared at the door.

Nagpatuloy ako sa trabaho ko. Gusto ko na muna magpahinga. Kahit maka-idlip lang sandali. Binalewala ko ang aking pagod ng makatanggap ako ng email ng bagong kliyente.

Halos kalahating oras ang tinagal ni Ziki. Pagbalik niya ay may dala na siyang box ng pizza at dalawang cokefloat. Halos manlambot ako sa nakikita ko. Alam kong maliit na bagay lang ito pero i've always wanted to have moments like this with my man. 'Yung normal lang na araw tas dadalhan ka ng pagkain ng boyfriend mo dahil gutom at pagod ka na. Ngumiti siya sa akin at nilapag ang mga dala sa sahig malapit sa glass wall.

"Kain ka muna," lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay. Kinuha ko iyon at hinila niya ako patayo sa'king upuan. Tinignan ko ang kamay namin. Gusto kong isipin na kaya lang ako nakakaramdam ng kakaiba ay dahil he's practically a stranger to me. Ayoko na bigyan ng meaning. Walang-wala ito sa nararamdaman ko kay Samuel.

Umupo siya sa gilid ng pagkain at ako naman ay umupo sa harapan niya. Tinignan ko ang langit sunod ay ang mga tao sa baba. It feels nice. The view is very nice. Binuksan ni Ziki ang pizza at kumuha. Kumuha din ako ng isa. This is my favorite, Hawaiian.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon