Three

5.6K 103 16
                                    

"Arisse!" Tili ni Bia nang papalapit ako sa cubicle nila. Nasa isang bar kami na hindi pamilyar sa akin. No wild things are happening here. In fact, it is calm and people are just chitchatting with one another. This is a bar, after all. An acoustic song is playing on the background.

Sabi ni Bia madalas daw sila dito dahil may inaabangan silang banda. Parang tumalon ang aking puso ng makita ko sila. May kaonting pagbabago sa kanilang mga itsura at istilo. Sobrang saya ko na pakiramdam ko ay maiiyak ako.

Agad akong niyakap ni Brian kaya natawa nalang ako. Sa aming magbabarkada, siya talaga ang pinaka malambing. Niyakap ko siya pabalik. Ilang sandali pa ay bumitaw na kami sa yakap upang mabati ko ang iba kong mga kaibigan.

"Pumayat ka ata!" Komento ni Jackie. Tinignan ko ang aking saliri sa aking suot na fitted black dress. I am working on my abs kaya siguro nasabi ni Jackie na pumayat ako. Lumiit kasi ang bewang ko.

"Mas sexy nga!" Natatawa namang sabi ni Geoff. Inirapan ko siya. Sexy nalang lagi ang lumalabas sa bibig niyan. Lumapit sakin si Clarc at Jaz upang yakapin ako at kamustahin.

"Asan si Antonette?" Tanong ko nang mapansing wala siya.

"Di pinayagan ng boyfriend." Naka-ismid na utas ni Jackie. Naipakilala na ni Antonette sa akin ang kanyang boyfriend nang mag video call kami isang beses. Masaya ako para sa kanya, sana ay hindi siya saktan ng lalaki.

Nilibot ko ang tingin ko sa bar. Pag-pasok ko palang dito ay alam ko ng magugustuhan ko ang bar na ito. Hindi maamoy dito at sobrang ganda nang mga interiors. Pinaganda pa lalo ng mga kumakanta sa stage ang lugar.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari sa akin sa New York. Nag kwento din sila nang mga bagay bagay na nangyari dito sa Pinas habang wala ako. Habang nag-uusap ay pinagmamasdan ko sila. Marami sa kanila ang nagbago na. Sabagay, ilang taon din akong nawala. Tinanong nila ako tungkol sa aking lovelife kaya mas lalong uminit ang aming kwentuhan.

"Nakahanap ka na ba ng foreigner?" Natatawang tanong ni Jaz.

"They're too big for my liking." Napuno ng tawanan ang aming table dahil sa aking sagot.

"Mas gusto mo ba ng maliit, Ris?"

"No!" Tumawa ulit sila sa aking reaction. Pati ako ay hindi na makasagot ng maayos. We are 20 years old and higher, this is normal. "I mean, sakto lang. Kung baga yung kanila kasi enormous. Gusto ko yung big lang."

"You've seen one?" Tanong ni Bia, amused.

"Of course i've seen their biceps! Especially sa mga beach. Gusto ko 'yung tama lang ang katawan, hindi masyadong bulky." Tumawa ulit sila.

"Biceps pala a," Panunukso ni Jackie.

"Of course, what else?" Panunuya ni Bia.

"May mga Pinoy din na bulky a. And hindi lahat ng foreigner ganun ang katawan." Nagkibit-balikat ako sa sinabi ni Jaz. Well, she's right. Tho I really prefer Pinoy, my Pinoy pride speaking.

Nawala kami sa usapan ng tumili si Jackie. Nagulat ako doon ngunit ang aking mga kaibigan ay mukhang sanay na. Sina Bia ay nagsimula na ring mag si tilian kagaya ng ibang mga babae na naririto.

Lumingon ako sa kanilang pinagkakaguluhan at nakita ang tatlong lalaki na pumipwesto sa platform. Ang isa sa kanila ay nasa drum set. Ang isa naman ay may hawak na gitara. Tinignan kong mabuti ang lalaking kumuha ng microphone. Naka puting t-shirt siya at itim na jeans. Fit sa kanya ang kanyang t-shirt kaya kitang kita ang hubog ng kanyang katwan. Sakto lang ang laki ng kanyang braso. Parang tumagos ang tingin ko sa kanyang shirt at pinakiramdaman ang abs. May suot itong ball-cap na adidas kaya hindi ko maklaro ang mukha.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon