Twenty-six

3K 79 10
                                    

Itinago ko ang aking mga kamay sa aking bulsa habang kabadong naglalakad papasok ng building matapos kong magpaalam kay Sam. Hindi ko alam tungkol saan ang pag-uusapan namin ni Ziki ngunit kinakabahan ako.

Mabilis ang lakad ko papuntang elevator at halos hindi ako makangiti sa mga empleyadong bumabati sa akin doon. Dumodoble ang tibok ng aking puso ngunit hindi sa saya at kilig kundi dahil sa kaba.

Bakit ba ako napapa-paranoid? I wanna laugh at myself right now. Since when did I give Ziki this much power over me? Of course, the moment I realized I like him.

Pagbukas ko ng pinto ng office ko ay si Ziki agad ang bumungad sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang may hawak siyang box of cake at bouquet. He gives me bouquet almost everyday, kapag gusto niya akong inisin. This time, I think, may sasabihin o gagawin siyang ikagagalit ko dahil dinalhan niya talaga ako ng favorite cake ko.

Nilagay niya ang cake at bouquet sa coffee table at naglakad tungo sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at nginitian niya lamang ako. Naningkit ang mga mata ko. He's going to tell me something I won't like.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papuntang sofa. Hindi parin nawawala ang pag doble ng tibok ng puso ko, but this time, dahil sa sarap sa pakiramdam kapag malapit siya sa akin. Inupo niya ako sa sofa habang binubuksan niya ang cake. Nilagyan niya ng slice ang isang plato at inabot sa akin.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa mahinalang tono. I'm sure hindi ko ito magugustuhan. The way he's looking at me! He's using that 'manlambot ka please'. Ngumunguso siya ngunit hindi na ako magpapadala. Kinuha niya ang tinidor ko at humiwa ng cake at tinapat iyon sa bibig ko. Naniningkit parin ang mga mata ko. Kinuha ko ang tinidor at ako na mismo ang sumubo sa aking sarili.

He settled his hands on my shoulder, lightly pressing me close to him. Hinahaplos niya ang aking braso as if calming me down kahit wala pa siyang sinasabi! I'm really having a bad feeling about this.

"Zik--"

"I want to meet your parents. Formally," Halos mabilaukan ako. Agad akong inabutan ni Ziki ng bottled water. Uminom muna ako bago siya tinignan na parang nababaliw na siya.  Well hindi parang kasi baliw na nga siya!

What's with him and parents?? Mas lalo niya akong nilapit sakanya, almost hugging me. Masyado pa atang maaga ang lahat! Magsasalita na sana ako ng nilapit niya ang mukha niya sa akin. Napaatras ako sa gulat ngunit nilapit niya lang ulit ang kanyang mukha.

Nagtagpo ang aming ilong at nagwala na ang mga paro-paro sa aking tiyan. I wanna grab him and kiss him 'till we both ran out of breath. But no! I won't let him kiss me. Itutulak ko na sana siya ng bumuga siya ng hininga at siya na mismo ang lumayo. Nakahinga akong maluwag.

"I really wanna officially court you. I want it the right way. I want your parents to know and personally ask for their approval." Tinignan niya ako sa malalambot na mga mata as if he is letting me see through him. Letting me see all the emotions he feels towards me. As if letting me in to a whole new universe... Hinaplos niya ang aking pisngi, "I am not a perfectionist, but with you, I want everything in place. I want it all perfect because you deserve all the best. You are too precious."

I cannot breathe.

"Gusto ko... gusto ko na kapag mahal mo na ako nothing will ever come between us. I want everything settled before you finally give in. Ris, they're still part of you. Even though how much you disregard that fact, they will always be your parents." hinahaplos niya ang aking pisngi at paminsan-minsan ay hinahalikan iyon upang ikalma ako. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kung wala si Ziki siguro ay magbi-break down na ako habang iniisip pa lamang ang aking parents.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon