One

16K 163 20
                                    

Tumingin ako sa salamin, tinitignan ang aking sarili sa panghuling beses bago ako tumulak paalis.  This would be the last time I will look up into this mirror-- the only thing that has seen the darkest shades of me. Huminga akong malalim at sinarado na ang pouch ko.

"Arisse!" Nakadungaw si auntie Maricel sa pinto. And maybe I stared a little longer, because that's the least I could do to the people I will leave behind.

"Yep! coming." Mabilis kong hinila ang aking maleta at sumunod kay auntie. Tinulungan ako ni JC sa aking luggage ng bumaba kami ng hagdan. Bawat baitang para akong hinihila pabalik. It took all my willpower para makalabas sa bahay na iyon. Sa ilang taon kong pamamalagi dito minahal ko na ito na parang tunay kong tahanan. Dito ko nahanap ang tunay na pag-ibig at tunay na kasiyahang matagal ng ipinagkait sa'kin.  

"You're really, really leaving." Malungkot na sabi ni JC habang nilalagay sa likod ng sasakyan ang aking luggage. "Bibisitahin kita when I have time."

Tumango ako at niyakap siya. Si JC ang pinaka-close sa'kin sa lahat ng pinsan ko, and I can't believe na di ko na makakasama 'tong baliw na ito. Gusto kong pawiin ang lungkot sa kanyang mukha dahil dinadagdagan niya lang ang mga rason kung bakit dapat akong manatili dito.

"Do you really have to go, Ris? Okay naman ang buhay mo dito ah." Sabi ni JC, lumalabas ang New York accent sa kanyang pagta-tagalog.

"You know I have to. We can Skype..." if that lightens up your mood. Pinilit ko ang ngiti sa aking labi kahit alam kong malalaman niyang peke ito.

"JC, she still have a flight to catch." Paalala ni auntie Marcel. Bumuntong hininga si JC at niyakap uli ako.

"Goodbye, Ris."

"Goodbye, JC."


Manila, Philippines.


Nilibot ko ang paningin ko ngunit wala akong makitang ni anino ng parents ko. Naghintay pa ako ng 30 minutes baka sakaling na traffic lang. Hanggang sa naging isang oras na ang paghihintay ko, wala parin. Nawalan na ako ng pag-asa ng isa't kalahating oras na akong naghihintay. Naglakad ako palabas ng airport at papuntang main road. Hindi na ako masyadong familiar dito and I just hope walang mangyaring masama sa akin.

"Miss, di na siguro dadating ang sundo mo, gusto mo sumabay nalang sa'kin?" nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa paningin ko ang isang matangkad na lalaki. Mahilig ako sa mga moreno, pero ngayon... naa-attract ako sa kaputian niya. Sumisigaw ang kulay kayumanggi sa kanyang mata dahil sa liwanag; mas lalo itong pinaganda ng kanyang mahahabang pilik-mata. Sakto lang ang tangos ng kanyang ilong, at ang labing kagat-kagat niya'y buhay na buhay. Nung hindi ko pa siya nakita ay akala ko taxi driver na naghahanap ng pasahero pero looks like malayong-malayo siya dun.

He then flashed me the most alluring smile i've ever seen in my life.

Okay, that would be an exageration, but he really is a piece of art.

"No, it's okay. Thanks for asking." It took me a while to respond, because I got too caught up with his looks.

It's a tempting offer pero hindi ako madaling magtiwala sa mga taong hindi ko kakilala lalo na sa mga sitwasyon na ganito. All the possibilities of what he'll do to me swirls in my mind. What if he'll rape me? which is a stupid thought, because by his looks I can tell he doesn't need to force someone to bed him, baka nga sila pa ang lumapit at mag-makaawa sa kanya. But then, the thought of human trafficking crossed my mind. Followed by a parade of thoughts: murder for entertainment, personal slave, goon, forced to become a drug dealer, and many more. I must be crazy for even thinking about those things when he looks like a model that just jumped out of a billboard, but can he blame me? Looks can be deceiving!

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon