Four

4.9K 96 5
                                    

Tinignan ko ang mga designs na ipinasa ng design team. Tatlong linggo na ako dito at marami-rami na rin kaming clients. Maliliit pa nga lang ito... Diyan naman talaga tayo nagsisimula. I have high expectations for this company! I could see the potential of my team.

Napaangat ang tingin ko sa pinto ng may kumatok, "Pasok!"

Bumukas ang pintuan at dumungaw si Alyssa. Sininyasan ko siyang pumasok. She looks so carefree with her outfit today. Ibinalik ko ang tingin sa mga designs upang maaprobahan na ito at ma-ipresent na sa client namin.

"Ma'am nagustuhan daw po ng mga Sandoval ang ating mga furniture. Gusto daw po nilang tayo ulit ang magdesign para sa kanilang restaurant." Maligayang sabi ni Alyssa. Nag-angat ako ng tingin. Restaurant? This would be our biggest project so far. It's a good proposal. Malaki ang tsansa na mas mapansin ang aming kompanya.

"That's good! I will contact them." Tumango si Alyssa bago nagsalitang muli.

"Pero hindi po kakayanin ng pagawaan ang dami ng ating gagawin para sa project na ito." Natigilan ako. Isang katahimikan ang bumalot sa amin ni Alyssa. Ugh the making of the furniture...

Ayoko pa namang iba ang pinapagawa sa mga furniture na ni-design namin. Hindi kasi namin mai-explain ng maigi at baka hindi makuha ang saktong itsura na ni-visualize ko.

"Ako na ang bahala diyan. We'll have a meeting tomorrow." Sabi ko, iniisip si daddy. I know he can help me with this.

"Sige po, ma'am. Wala na po ba kayong kailangan ma'am?" Umiling ako at dahan dahan ng lumabas si Alyssa.

Kinuha ko ang cellphone ko at ni-dial ang numero ni daddy. Ilang rings pa bago ito sinagot. I hope i'm not interrupting something important.

"This better be important... I'm busy." Napalunok ako.

"Ah, gusto po ng mga Sandoval na kami ang mag design sa furniture ng kanilang restaurant. Hindi po sapat ang machineries at tauhan ng pagawaan natin. Kakausapin ko pa ang mga Sandoval if kailan nila gusto makuha ang furniture at ico-close ko pa itong project. It's not yet official pero gusto kong paghandaan and see if ready ba kami na tanggapin 'to." May kaonting bilis ang aking pagsasalita, natatakot na baka nakaka-istorbo ako. Dapat pala ay sa bahay ko nalang kinausap si daddy. O di kaya ay tinawagan mamaya pagkatapos working hours.

"Restaurant?" tumango ako kahit hindi naman ako nakikita ni dad. Huminga akong malalim.

"Opo,"

"Ah! Mabuti nalang at nung isang linggo napag-usapan namin ng mga Singson na mag-collab." natigilan ako sa sinabi ni daddy. Parang bomba na sumabog ang aking puso ng marinig ko iyon. Gusto kong lamunin nalang ako ng lupa. The Singsons!

"Iimbitahan ko sila sa dinner mamaya. Wear decent clothes," sabi ni daddy bago ako binabaan.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko, ang aking kamay ay nakahawak parin sa cellphone ko sa'king tenga. Hindi pa ako handang makita si Sam! Huling pagkikita namin ay nag-confess ako sa kanya and got rejected. What the hell! Nakakahiya.

Umupo ako at kinalma ang aking sarili. Hindi dapat ako magpapa-apekto. Bumalik sa akin ang sinabi niya.

"You like your... twin's fiancee? Ris, she is your twin! You can't like me. Mahal ko siya."

Parang pinipiga ang aking puso tuwing naaalala ko iyon. That was my first real heartbreak. My heart was young and vulnerable, but it still hurt until now even if my heart has grown. Siguro because i've never really loved anyone else. It has always been Sam.

May luhang nagbadya sa aking mga mata. Hindi lang dahil sa na reject ako kundi dahil na rin sa pangungulila. Pangungulila ko sa aking kababata na si Sam. Pangungulila sa aking kapatid.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon