Ngumiti ako kay Ziki ng inabot niya sa akin ang s'mores. Kahit may bonfire sa harap ay giniginaw parin ako dahil naka sundress lamang ako. Imbes na pumuntang foam party ay napag desisyunan naming dito nalang kami sa bonfire.
Isang malaking bilog ang binuo namin kasama ang iba pang mga taong gustong tumambay dito. Sa gitna ay may malaking apoy, ang iba ay nagluluto ng s'mores. Sa isang bahagi ng bilog ay may upuan at gitara at kung sino ang gustong kumanta ay maaring pumunta doon. May mikropono din doon upang marinig namin ang boses ng kakanta. May apat na stereo atang nakapalibot din sa amin.
"I'm from New York," sabi ng bago kong kaibigan. Nanlaki ang mga mata ko.
"I lived in New York for years!"
"Really? That's nice! are you planning to go back there?" nakangiti niyang sabi. Nakikipag-usap ako sa lalaking hindi ko kilala ngayon and Ziki surprisingly didn't snap. Kalmado lang siya sa tabi ko, ang kamay ay nakapulupot sa aking bewang. Maybe that's what calmed him.
"Yes! Of course, I am. I just haven't set the date yet, I am still pretty busy with work."
"Ayt! Beep me when you are there." Inilabas niya ang kanyang cellphone at pinakita iyon. Kinuha ko ang akin upang i-save ang kanyang numero.
Nilingon ko si Ziki ng kinalabit niya ako. "Kakanta muna ako," sabi niya.
Tumango at nginitian siya. Ngumiti siya pabalik bago tumayo upang umupo sa harap ng microphone. Kinuha niya ang gitara at nagsimulang tumugtog.
"This one's for my person. I love you so much, princess." napuno ng tilian at sigawan dahil sa sinabi ni Ziki. Namula ang pisngi ko. Whatever.
Uso pa ba ang harana
Nakarinig agad ako ng impit na mga tili kahit kakasimula palang ni Ziki. Napangiti ako, ganyan kalakas ang dating ng Ziki ko.
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kabaNgayon ko pa lang ata siyang narinig kumanta ng tagalog. I can say that mas maganda ang accent niya kapag english.
Mayron pang dalang mga rosas
Nagulat ako ng may rosas na tumambad sa aking harapan. Nilingon ko si Aeacus na nakangiti sa akin. Nakarinig ako ng tilian habang ang aking pisngi ay mas namula. Tumawa ako sa ka kornyhan nila ngunit hindi mapigilang mamula ang mga pisngi.
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Naka-porma naka-barong
Sa awiting daig pa ang minus one
At sing-alongTumayo si Ziki at agad kinuha ni Liam ang gitara upang ipag patuloy ang pagtutog doon. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang niya patungo sa akin. Ang wireless na microphone ay dala-dala niya.
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliwHinila niya ako patayo at halos lunurin ng mga tili ang boses ni Ziki at tugtog ng gitara. Ngunit pumaibabaw parin ang ingay ng aking puso. Ang alon ay nalikisabay sa ingay habang ang hangin ay sinusuklay ang aking buhok.
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Binubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa'yoNanlaki ang mga mata ko ng lumuhod siya sa aking harapan. Natahimik ang lahat at ganoon din ang puso ko. Pinipigilan ko ang aking hininga habang ang aking mukha ay patuloy sa pag-init. Lahat kami ay naghihintay sa kanyang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Love Me Instead
RomanceThere are things that are just not for us, but there are people we wish they loved us instead. | tagalog |