Twelve

3.3K 92 9
                                    

Sa isang restaurant ako dinala ni Ziki. The restaurant which also happened to be Denisse' favorite. I breathed in the wonderful scent of the restaurant, everything here reminds me of Denisse.

Nag-order si Ziki without looking at the menu na para bang lagi siyang pumupunta rito. Hindi ko na din tinignan ang menu at sinabi sa waiter ang aking order, ang paborito namin ni Denisse. I don't know if they still serve it but since the waiter didn't correct me, I assume they still do.

"Lagi ka rito?" Curious kong tanong kay Ziki. Pinasadahan ko ng tingin ang ibang kumakain. Maraming mga kasing-edad lang namin. May mga mas matatanda na din. Kahit maraming tao rito ay hindi parin nakakayamot dahil sa laki ng lugar.
Maluwag ito at malalayo ang mga tables sa isa't isa.

"Dito kami kumakain ng parents ko." Simple niyang sagot. Tumango ako.

"How long have you been away from the Philippines?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko. Bakit niya alam na nangibang bansa ako? Binuksan ko ang bibig ko upang mag-tanong when realization hit me. Nagkita nga pala kami sa airport the day I arrived!

The memory of that day came to me and I can't help but be amused at how far things had progressed in such small amount of time. Parang noon lang ay isa pa siyang stranger sa akin tas ngayon, ito siya naka-upo sa harap ko having lunch with me. Well, he's practically still a stranger to me.

Honestly, hindi ko ni-expect na magkikita pa kaming muli. I also didn't expect I would trust him. I won't deny the fact that I do trust him, maybe not to the extent, but I trust him. I realized that the moment I let him enter my office. The day I let him take me to a party and to his condo. I hated myself for trusting him easily. I know I shouldn't but I have this feeling he is worthy of my trust.

"Earth to Arisse?" I snapped back from my reverie. Tinignan ko si Ziki na nakangiti sa akin. I stared at it for minutes. Nawala sa isip ko ang tanong niya. Nilunod ng kanyang ngiti ang aking isipan. Ang kanyang ngiti ay napalitan ng mahinang tawa.

"You really look cute when you boldly check me out." Nanlaki ang mga mata ko at nag-iwas ng tingin.

"I wasn't! May iniisip lang ako..."

"Do you wanna talk about it?" Umiling ako. I tried to look busy with my phone habang ramdam ko ang seryosong titig niya sa akin. Tinitimbang niya ang ekspresyon at bawat galaw ko.

Hindi nag tagal ay dumating na din ang waiter upang e-serve ang aming pagkain, "Do you need anything else, Maam, Sir?"

"Wala na, salamat." Nginitian ko siya at sinuklian niya din ako ng nahihiyang ngiti. Tinignan ko si Ziki at nakitang nakatitig parin siya sa akin. Ngumuso ako.

We were unbelievably silent while eating. Inangat ko ang tingin ko kay Ziki ng matapos na akong kumain. Patapos na din siya sa kanyang pagkain. May kaonting ngiti sa kanyang labi na para bang he feel good... and happy. Hindi ko alam kung sa pagkain ba iyon o para saan.

"I really like your ate." Nag-angat siya ng tingin sa pagsisimula ko sa conversation. Iniwas ko ang tingin ko, "She was my inspiration when I was younger... She still is."

"But I think you like her brother more?" Inangat niya ang kilay niya sa panunuya.

"That's if may iba pa kayong kapatid." Panunuya ko din at ngumiti. Two can play the game, Zenniel.

He grinned in amusement. Hindi siya nagsalita at nanatili lang nakatitig sa'kin. I don't know what he is thinking but I don't like the look on his face. Tinignan ko ang relos ko at nakitang 1pm na.

"I think we should go," sabi ko at inayos ang bag. Nilabas ko din ang wallet ko ngunit pinigilan ako ni Ziki. I shrugged. Hindi ako magpapakipot.

"Tambay muna ako sa office mo." kumunot ang noo ko sa kanya. Ano namang gagawin niya doon? Isn't he busy?

Tumawag siya ng waiter para sa bill namin."Wala ka bang trabaho? Ano gagawin mo sa office?"

"Tambay nga." Tanging sagot niya at naglagay ng pera sa bill tray na inilapag ng waiter.

"Tambay?? Ziki, you're just wasting your time." Tumaas ang kilay niya at tumayo na. Tumayo na din ako.

"Okay then, dadalhin ko ang trabaho ko sa office mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kumunot ang kanyang noo,

"You're always shock..."Well that's because lagi mo akong ginugulat! Umiling ako at sumunod sa kanya palabas ng restaurant.

"You are so clingy!" Sabi ko ng pumasok kami sa kanyang sasakyan. Natigilan siya saglit at tumitig sa'kin.

"I'm just bored, Ris." Pinaandar niya ang sasakyan. Umiling ako at humalukipkip.

"Hindi ka mag-eenjoy sa office ko. Mas mabo-bore ka lang." Hindi siya nakinig sa'kin at nilakasan lang ang volume ng music.

Matapos kong batiin ang mga guard pagdating namin ay nagmartsa na ako sa elevator. Natatawang nakasunod lang si Ziki sa'kin. Hindi ko alam anong nakakatawa... must be the girls secretly waving at him. Edi siya na ang gwapo.

May ibang empleyado kaming kasama ni Ziki sa elevator. Hindi naman masikip pero ewan ko kung bakit ang lapit niya. Ayoko namang sawayin sa harap ng mga empleyado ko.

Nang dumating na kami sa floor ng office ko ay mabilis akong naglakad doon. Hindi ko na sinarado ang pinto dahil alam kong papasok si Ziki. Agad akong umupo sa'king desk at nag simulang magtrabaho. Narinig ko ang pagsarado ni Ziki sa pinto ngunit di ko inangat ang tingin ko dun.

Nagpatuloy lang ako sa aking trabaho. Naramdaman kong umupo si Ziki sa upuan sa harap ko.

"May sarili kang desinyo?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Tumango ako at kinuha ang sketchpad sa aking drawer. I have my designs pero gusto ko iyon para sa aking bahay.

Tinignan ni Ziki ang mga desinyo ko at hindi ko inalis ang titig ko sa kanya. I don't know... I wanna see his reaction.

Sumulyap siya sakin saglit ng may ngiti sa labi, "these are... perfect."

Uminit ang pisngi ko. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Hindi ko na siya pinansin hanggang sa tumayo siya. Inangat ko ang tingin ko at nakitang dala-dala niya ang sketchpad ko habang naglalakad sa couch na nasa office ko. Sana ay dinala niya nalang iyong mga kakailanganin niyang trabahuin para hindi siya ma bore. Or much better if umalis na siya rito. Kasi his presence is not helping with my work. Laging lumilipad sa kanya ang mata at isipan ko. Umiling ako at pinagpatuloy ang trabaho. I need to focus.

Halos dalawang oras na ata akong nagtatrabaho. I stretched my arms and relaxed my back. Tinignan ko ang laptop ko at ni-check ang mga bagong desinyo. Dumaan ang mata ko kay Ziki. Nakahawak parin siya sa sketchpad ko ngunit ang kanyang mga mata ay nakapikit. Kumunot ang noo ko. Don't tell me...

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Ang kanyang bibig ay bahagyang nakaawang. Oh my God he's really asleep! Lumuhod ako sa kanyang gilid upang makita ng malapitan ang kanyang mukha. He looks so peaceful.

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. Sa sobrang gulat ko ay napa-upo ako sa sahig. Umupo na siya sa kakatawa at nakahawak na siya sa kanyang tiyan habang ako ay gulat lang na nakatingin sa kanya. Nang mag sink in sakin ay agad ko siyang sinapak.

"Manloloko ka! Pare-parehas lang kayo!" Sinapak ko ulit siya at tumayo upang makaalis na doon. Tumatawa parin siya.

Mabilis niya akong hinila dahilan para mapa-upo ako sa kandungan niya. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumayo ngunit pinulupot niya ang kanyang kamay saking bewang. Uminit ang buong mukha ko sa ginawa niya. Oh my gosh! Sa kahihiyan ay tinakpan ko ang akong mukha ng aking palad.

My heartbeat skyrocket and I suddenly felt the electricity run through my whole body. I am having goosebumps! Para akong naku-kuryente, ayaw ko nito. Rinig ko parin ang kanyang tawa. His breath is fanning my neck. Ayaw ko nito.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon