Ziki didn't lie when he told me he wants to meet my parents after our vacation. Binigay niya sa akin ang bouquet of roses pagkatapos ay pumunta sa kusina. Ginising niya ako ng maaga upang maabutan namin sina mommy sa bahay. I don't wanna go there. Hindi ko pa ulit sila nakakausap at ngayong babalik ako, may dala akong lalaki? I don't know how they are going to react. Medyo kumalma lamang ako sa ideyang kasama ko si Ziki at makikita ni mommy na hindi kami nagkatuluyan ni Sam.
Kinusot ko ang aking mata at nilagay ang bouquet sa gilid. Tinignan ko ang orasan sa gilid at nakitang alas 5 palang ng umaga. Hindi ko alam paano nakapasok si Ziki sa aking apartment ngunit sa tingin ko ay kinuha niya ang card ko kagabi. Wala na akong maalala dahil halos kargahin na ako ni Ziki kagabi mula sa sasakyan patungo sa room ko. I was really exhausted from the trip. I didn't even get to say bye and thank you to my friends.
Naligo ako at nag bihis ng ripped denim jeans at kulay cream na cropped top. Paglabas ko ng kwarto ay bango ng bacon, eggs, at toast agad ang sumalubong sa akin. Naglakad ako patungo sa kitchen habang sinusuklay ang aking buhok. Sinasalinan ni Ziki ang dalawang baso sa counter top kung saan may dalawang plato ng breakfast. Ang kanyang kulay blue na polo ay nakatupi hanggang siko at nakabukas ang dalawang butones. Nakatupi din sa dulo ang cream pants niya at pinaresan niya iyon ng top-sider. Natuwa ako sa matching attire namin kaya hinila ko siya sa harap ng full body mirror.
Pinwesto ko ang aking phone sa angulong kuha ang buong katawan namin. Nilagay ni Ziki ang kanyang kamay sa aking tiyan habang ako ay sumandal sa kanya at bahagyang naka-tiptoe ang isang paa. Nakangiti ako habang si Ziki ay seryoso ang ekspresyon na nakatingin sa salamin. Ilang shot ang ginawa ko bago kinuha niya ang aking phone at inikot ako. Nilingon ko ang salamin at sinandal ang ulo ko sa dibdib ni Ziki. Ang isang kamay niya ay nakayakap sa aking bewang habang ang isa naman ay hawak ang cellphone ko. I've always wanted to take pictures like this.
"Kain ka na," bulong niya matapos kami kuhaan ng litrato. Tumango ako at bahagyang lumayo. Nabigla ako ng halikan niya ang aking pisngi kaya nasiko ko ang tiyan niya.
"Ow!" sabi niya ng nakangiti. Inirapan ko siya at pumuntang kusina upang kumain na.
"Ready ka na ba talaga? We can reschedule this." sabi ni Ziki. Tumango ako. Ngayon, o bukas, o sa ibang araw man namin to gagawin hindi pa din mababago ang pakiramdam ko. Mas mabuting gawin ng mas maaga upang mawala na ang kaba ko.
Kabado ako habang papunta kami sa bahay ng parents ko. Hawak-hawak ni Ziki ang kamay ko habang nagda-drive siya. Pilit ko itong kinukuha ngunit ayaw niya akong bitawan. His touch calms me ngunit ayaw kong ipahalatang kinakabahan ako. They are my parents, I shouldn't be nervous.
"Why do I feel like we are about to tell them a very big news? Like you are pregnant or we are getting married," natatawa niyang sabi. Ganon din ang pakiramdam ko dahil sa kaba ko ngayon.
Inabala ko nalang ang aking sarili sa aking cellphone. Binitawan din ni Ziki ang aking kamay ng pinapasa niya sa akin ang picture namin kanina sa kanyang cellphone. Binuksan ko ang airdrop namin dalawa at pinasa ang litratong nakatalikod ako, ang litratong siya ang may hawak sa phone. Inupload ko din sa instagram ang picture namin ni Ziki na nakaharap ako at nilagay sa caption, 'matchy matchy with the crazy'.
My friends have been asking me if he is my boyfriend. Lagi ko lamang sinasabi ay close friend ko siya. I can't blame them, minsan lamang ako mag upload ng picture with a guy.
"We're here." Domoble ang tibok ng puso ko ng inangat ko ang aking tingin sa gate ng aming bahay. Pinarada niya ang sasakyan niya sa tapat ng aming bahay.
"Uhm, may lagnat ata ako." Inirapan ako ni Ziki habang patuloy ako sa pagbibigay ng excuses. Okay! I thought I was ready ngunit iba pala talaga kapag nasa harapan mo na. Akala ko kaya ko na ngunit nakikita ko palang itong bahay namin bumabalik lahat ng sakit na naramdaman ko sa mismong bahay na ito. I never liked my stay here.
BINABASA MO ANG
Love Me Instead
RomanceThere are things that are just not for us, but there are people we wish they loved us instead. | tagalog |