"Let's go home." Sabi ni Ziki ng hindi ako magsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakainom ako, I don't trust myself tonight.
"I'll go home alone."
Of course, he didn't take no for answer.
Hinila niya ako patungo sa kanyang sasakyan. Pagpasok namin ay agad akong nag-text sa aking mga kaibigan na masama ang pakiramdam ko. Tanging reply lamang nila ay gumamit daw kami ng proteksyon! Hindi ko na nireplyan pa dahil sumasakit na ang ulo ko.Sinulyapan ko si Ziki na seryoso lamang sa pagda-drive. His lips are still swollen. I blush when I remembered our kiss. It was different. It felt like my first real kiss. His lips on mine felt so right.
Tahimik parin kami ni Ziki hanggang sa pag baba namin sa kanyang sasakyan at pagpasok sa building. Pagod akong sumandal sa elevator, nahihilo na ako dagdagan pa ang pakiramdam na itinataas ng elevator. Pagdating namin sa floor ko ay mabilis akong naglakad sa pinto.
Pangalawang beses kong ni swipe ang card dahil sa hindi ko ito maayos. Kinuha iyon ni Ziki sa kamay ko at siya na ang nag-swipe. I muttered a thanks when the door opened.
"Can I... come in?" Nagdadalawang isip na tanong ni Ziki. Kumunot ang noo ko. If he wants to talk, I can't talk right now. Pagod na pagod na ako at gusto ko ng matulog.
"Bakit?"
"I... I just wanna make sure you sleep comfortably." Kinamot niya ang kanyang batok at handa ko ng isarado ang pinto at tanggihan siya ng binuksan niya ito ng mas malaki. Nanlaki ang mga mata ko, "I will come in."
Nauna pa siyang pumasok sa akin. Nang makitang hindi ako sumunod ay kinuha niya ang kamay ko at hinila sa loob. Sinarado niya ang pinto at dinaluhan ulit ako.
"I'm not drunk, Zenniel. I can take care of myself," inis kong sabi kahit pinapabilis niya ang tibok ng aking puso.
Hindi siya umalis kaya hinayaan ko nalang siya. Masyado na akong nahihilo at isa pa I trust him naman. I know he won't take advantage of me o nakawan itong condo unit ko. Damn, he owns more than this. Halos takbuhin ko na ang kwarto ko. Pagod akong humiga sa kama ni hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit o tanggalin ang aking sapatos.
"See, that is how you take care of yourself?" inis na bulong ni Ziki. Na parang sinasabihan niya ang sarili niyang tama ang hinala niya. Hindi ko na siya pinansin dahil kinakain na ako ng antok.
Naramdaman kong tinanggal niya ang aking sandals ngunit wala na akong lakas upang umangal. Inayos niya ako pagkahiga at hinarap. Binuka ko ng kaonti ang aking mga mata upang tignan si Ziki na minamasahe ang aking paa. I secretly smiled at the feeling.
Bumuka ng tuluyan ang aking mga mata at halos mawala ang antok ko ng maramdaman kong hinuhubaran ako ni Ziki ng short. Umupo agad ako. What is he doing! Ngumiti siya sa akin in an innocent way. Oh don't give me that!
"Relax. Kailangan mong magpalit ng damit." Ngumuso ako at niyakap ang aking sarili. Umiling lamang si Ziki ngunit nakangiti parin. Naglakad siya papuntang walk-in closet ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya at baka kung ano pa ang gawin niya sa akin. Lumabas siyang may dalang mga damit. Binigay niya iyon sa akin at tumalikod, "5 minutes. Pag hindi ka pa tapos i'll change your clothes for you."
Nanlaki ang mga mata ko at nagmadaling magpalit. Sinuot ko ang pajama at malaking t-shirt na panda at humiga din agad sa kama. Bukas ko na liligpitin ang damit na suot ko kanina. "Okay na."
Humarap siya sa akin at inayos ang aking kumot. Nagwawala na naman ang mga paru-paru sa aking tiyan ng haplusin niya ang aking pisngi. Inaalis niya ang buhok sa mukha ko. Hindi ko maipikit ang mga mata ko ng mahanap ko ang kanya. Nilulunod ako nito at nagpapalunod lamang ako.
BINABASA MO ANG
Love Me Instead
RomanceThere are things that are just not for us, but there are people we wish they loved us instead. | tagalog |