The End

6.5K 122 36
                                    

Pagdating namin sa bar ay andoon na ang mga kaibigan namin. Halos hindi ako makahinga sa mga yakap nila. We missed each other so much. Miski si Liam at Aeacus ay yumakap sa akin. Ziki didn't like the fact that men got that close to me, though. Binigyan ko siya ng warning look at inirapan niya lang ako.

Tumagal ang titig ko kay Aeacus ng makitang clean-cut ang kanyang buhok. He look different. A good different. Mas lalo siyang gwumapo sa kanyang itsura. Naramdaman ko ang kamay ni Ziki sa akig beywang kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. Nakatingin lamang siya sa platform kung saan may mga nagpe-perform.

"Kakanta kayo tonight?" Tanong ko. Pinatong ko ang kamay ko sa kanyang kamay na nasa aking beywang at sumandal sa kanya.

"Yes. It's been a long time..." Kitang-kita ko ang admirasyon sa mga mata ni Ziki na nagpangiti sa akin. Hinila ko sa Ziki upang maupo sa table. Sobrang dami at ingay namin ngunit wala kaming pakealam. Nagtama ang mga mata namin ni Bia at kita ko ang sayandoon habang tinitignan kami ni Ziki. I offered a genuine smile.

Habang kumakain, biglang tumayo si Liam at Aeacus. Nakita kong tapos na sila sa kanilang pagkain. Nilingon ko si Ziki na ngayon ay umiinom ng tubig. Hinalikan niya ako sa pisngi bago tumayo at sabay silang naglakad papunta sa platform. Umayos akong upo. Bumalik sa akin ang ala-ala ng una naming pagkikita.

Duda na ako noon kung bakit niya ako nilapitan. I really couldn't believe it. Ang iniisip ko lang noon, bakit ako lalapitan ng ganito ka gwapong nilalang. Why would he waste his precious 5 minutes. And then it all made sense. Like a puzzle solving on it's own. He approached me because I look like my twin who happened to be his ex-girlfriend.

That thought never left my mind, but the acceptance is there. I accepted that she is a part of his past-- something I couldn't change. There are things in life that we couldn't change, but we can learn to accept. Life is not perfect, it has it's ups and downs, and the bumps from the past will sometimes trip you over. But if you just stay strong, hold each other in your journey, then you shall continue to the peak.

"Babe, for you." sabi ni Ziki. Agad na lumipat ang tingin ng mga kaibigan ko sa akin, dahilan ng pag lingon ng iba ring tao sa paligid. Naka ngiting-aso ang mga kaibigan ko as I sank further into my seat.

"You..."

Tahimik ang bar. Tahimik lamang na kumakain ang mga tao. I noticed, sobrang relaxing dito. They play acoustic songs and sometimes perform spoken words. May iilang magpapamilyang naka-upo din dito. Hindi ko masyadong ma klaro ang mga tao dahil sa light. Ang tanging maliwanag lamang ay ang platform sa harapan sa kung saan ay nagsisimula ng kumanta si Ziki. Nagsimula na ring magwala ang mga dragon sa aking tiyan.

"lift my heart up when the rest of me is down"

I've never been this sure all my life. I love Zenniel Hezekiah Villamonte, and I want to be with him 'til my heart no longer beats.

"You..."

Nagtama ang mga mata namin ni Ziki. His eyes sparkled like electricity literally traveled from my eyes to his.

"you enchant me even when you're not around"

Kinbagat niya ang kanyang labi habang dahan-dahang pinikit ang mga mata. He love this. He love singing. I can see it on his face. He sings like he mean it. It's like he really wanna convey a message.

"If there are boundaries, I will try to knock them down"

Puno ng katapatan ang kanyang boses na para bang sinasabi niya ito sa harap ng altar. Sobrang ganda niyang tignan, makes me think how lucky I am. I will never stop appreciating my man. I will always, always look up to him.

"I'm latching on, babe, now I know what I have found"

Nagulat ako ng may waiter na lumapit sa akin at inabot ang aking kamay. Hinila niya ako patayo sa aking upuan. Wala akong nagawa dahil sa gulat! Nilingon ko ang mga kaibigan ko sa nagtatanong na tingin, ngunit sinuklian lamang nila ako ng natutuwa at encouraging look. '

"I feel we're close enough
Could I lock in your love?"

Inalalayan ako ng waiter palapit sa stage. Kabado ako habang tinitignang maigi ang bawat hakbang ko. The lights aren't helping.

"If we're close enough
Could I lock in your love?"

Hindi na ako humihinga ng maka-akyat na ako sa stage. Tinanggap ako ni Ziki mula sa waiter, ang kanyang kamay ay nasa aking beywang. I stared at his eyes, full of love and adoration. Good Lord, I could get use to this. Pinakawalan ko ang hiningang kanina ko pa hinahawakan ng halikan niya ang aking noo.

"Now i've got you in my space"

Ng tumingin ako sa mga tao ay nagulat ako ng makita ang mga magulang ko doon. Hindi ako makagalaw. Nanatili lamang ang tingin ko kay mommy na nasa likod ng wheelchair ni daddy. They are seeing one of the most romantic moments of my life. They saw just how loved I am by Ziki. They knew someone is giving the thing they failed to give, love. And even if I saw regret on their eyes, I can also see pride. Mom, dad, I am a big girl now. Kung hindi ng dahil sa mga nangyari, hindi ko makikilala si Ziki. I am more than thankful for that, dahil si Ziki ang kapalit ng lahat ng sakit at lungkot na dinanas ko.

"I won't let go of you..."

Pabulong niyang kanta habang humihigpit ang hawak sa akin, almost hugging me. Kinagat ko ang labi ko sa tuwa na nararamdaman ko at pinulupot ang aking kamay sa kanyang beywang.

"Got you shackled in my embrace
I'm latching on to you,"

Sabay ng pagtigil ng tugtug ay ang pagtigil ng paligid. Napa-awang ang bibig ko ng biglang lumuhod si Ziki sa aking harapan.

"I know you've heard this line a million times, but this is exactly my thoughts right now. Ris, I don't know what I did so right to deserve you.  You are every good thing, and you are the epitome of perfection for me. You give me life, even science couldn't explain. I don't know how to describe what I feel whenever i'm with you, but one thing I am so sure of, I don't wanna stop feeling it. I want to explore the world with you, include you in my everyday life, protect you, love you, take care of you, hold you like I own every inch of you. Ris, I want you. I love all of you, everything about you. And if you'd only let me do these things to you, with the blessing of God--"

Napasinghap ako. I know what's coming. Nalasahan ko ang luha na hindi ko namalayan tumutulo pala kanina. I was so focused on his mouth, his words, and on the weird feeling I am feeling right now. I can't put words into this emotion. I can't spell it out. I don't know what this is, but it is the greatest thing i've ever felt.

Kuminang ang singsing sa loob ng velvet box na hawak niya. It's a silver crown ring with sparkling diamonds. I am in love. Para akong mahihimatay sa init na tumatakbo sa aking katawan kahit nanlalamig ang aking mga kamay. Parang sasabog na confetti ang aking puso habang sinusuntok ang aking tiyan. "Marry me?"

Hindi na ako nag-isip. Hinila ko siya sa kwelyo at siniil sa malalim na halik. Lahat ng saya at pagmamahal ko ay binuhos ko doon. Nilunod ng aming halikan ang hikbi na kumawala sa aking bibig. "Yes. Yes, of course."

Life is short , and if we think it is too early for something, your only chance might slip away.

This is only the beginning of a new chapter in our life.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon