Fifteen

3.1K 64 4
                                        

"Where are you going?" pigil ng baritonong boses ni daddy sa akin. Huminga akong malalim at hinarap sina mommy na nakaupo sa salas at umiinom ng kape. Pinasadahan ni mommy ng tingin ang mga bags ko habang si daddy naman ay seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Lilipat ho akong condo. Nakabili na ako last week at settled na ang lahat." tumaas ang kilay ni mommy ngunit hindi na nagsalita.

"Without even consulting us first? Nakalimutan mo na atang mga magulang mo kami!"singhal ni daddy. Napa-iling ako. Don't you use that to me kasi kapag ako nakapaglista ng mga pagkakataon kung kailan kayo naging magulang sa akin ay baka wala akong mailagay!

"I have to go," dinampot ko ang mga bags ko. Ayokong maging bastos pero kumg mananatili ako dito ay baka mas malala pa sa pagiging bastos ang maiipapakita ko.

Akmang tatayo si daddy ngunit pinigilan siya ni mommy, "Let her be... Huwag lang siyang lumapit sa atin kapag kailangan niya ng matatakbuhan."

Tumalikod na ako at nagmadaling lumabas ng bahay. Nag-taxi lang ako papunta sa condo. Laking pasalamat ko at andiyan si Ziki upang tulungan ako aking mga gamit. May mga iniwan ako sa bahay, siguro ay bibili nalang ako ng mga bago.

"Thanks,"nahihiya kong sabi kay Ziki ng makasakay kaming elevator. Namumula ang pisngi ko at hindi ako makatingin sa kanya. Nakita kong pigil na natatawa si Ziki kaya ngumuso ako. Nagpa salamat na nga tatawanan pa!

"Okay," sabi niya at kinagat ang labi upang pigilan ang tawa. Umirap ako. Ayan na naman siya sa kanyang inside joke. Konti nalang ay iisipin ko ng may deperensya ito sa utak.

Sinamahan ako ni Ziki sa aking unit ngunit umalis lang din. Ayaw ko din namang may lalaking pumapasok sa aking unit. Nang mag- hapon ay lumabas ako sa aking unit. Hindi ko pa naayos lahat ng aking gamit ngunit hindi ko na pwedeng ipag bukas ang aking lakad dahil magiging busy na ako. Ni-lock ko ang pinto at napalingon ng bumukas ang pinto ng unit na malapit sa akin. Lumabas si Ziki na ngayon ay naka itim na pants at itim na shirt habang ang sapatos na Airmax ay kulay puti.

"San punta mo?" tanong ni Ziki, lumalapit. Sumandal siya sa pader malapit sa aking pinto.

"Sa cemetery lang." hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Mabilis na kumalabog ang aking puso ng maharap ako sa kanyang dibdib. Ganoon lamang kami habang nakahawak parin siya sa aking kamay. Umiinit na ang aking pisngi at pilit kong binabawi ang aking kamay. Hindi naman siya nag matigas at hinayaan lang ako. Pumikit siya ng mariin bago ko nakitang huminga siyang malalalim.

"Hatid na kita." mahina niyang sabi. Ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga. Ang bango at init nito.

"Huwag na," sabi ko at bahagyang umatras. Nagkatitigan kami at samu't-saring emosyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Lungkot, sakit, at pangungulila.

"Ihahatid kita." hinilamos niya muna ang kanyang kamay sa kanyang mukha bago ako tinignan sa mapupungay na mata, "Sorry. Tara na."

Nauna siyang naglakad papunta sa elevator. Kumunot ang noo ko kung bakit siya humihingi ng tawad. Naguguluhan ko siyang sinundan sa elevator.

As always, sa huli ay napapayag niya rin akong ihatid niya ako. Dumaan muna kami sa isang flower shop bago nagpuntang sementeryo. Hindi na bumaba si Ziki at hinayaan lang ako.

"Wala ka bang lakad? Pwede namang iwan mo na ako dito. Okay na ako dito. Thank you talaga," sabi ko ngunit hindi niya lang ako pinansin imbes ay lumapit siya sa akin upang kalasin ang aking seatbelt. Uminit muli ang aking mga pisngi, "You don't have to do it."

Hinawakan ko ang seatbelt upang ako na ang kumalas nito ngunit natanggal na niya ito. Lumayo siya sa akin at saka ako tinignan.

"Wala akong lakad, i'll wait for you nalang." napatingin ulit ako sa kanyang suot.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon