"Magbibihis lang ako!" Iritado kong sabi. Ayaw niyang dumaan kami sa bahay! E kaninang umaga pa itong damit ko.
"Sa condo ko nalang ka magbihis. May mga damit si ate dun, 'tsaka malapit lang ang condo ko sa bar. Kanina pa ako hinihintay, tutugtog pa kami." Hindi ko mai-deny nga malayo ang bahay namin at kung pupunta pa kami dun ay paniguradong mas matatagalan kami.
"Hindi ko naman kasi sinabi na sunduin mo ako." Sabi ko, lumalabas ang pagiging palaban. Totoo naman. Kahit alam kong I should be thankful kasi sinundo niya ako... pero nakakabulabog pala ako.
"Please..." I huffed. Sige na nga. Kahit nakakahiya sa ate niya.
"Why are you mean to me? I'm doing you a favor." Natahimik ako. Of course he knows how to burn me.
"I'm sorry..." malumanay kong sabi. I just really find it hard to open up to new people. Especially those na medyo mahirap pagkatiwalaan. He's being extra friendly to me and I am being cautious.
Pagdating namin sa condo niya ay hindi ko na nasuri ang paligid dahil agad niya akong binigyan ng jeans at long-sleeve na off-shoulder. Ayaw kong mag reklamo at mag-demand.
Nakita kong tinignan niya ako hahang sinusuri ko ang damit na binigay niya. Sumulyap ako sa mga dress ng ate niya. Mostly ay fit at medyo revealing. Meron namang hindi pero sexy parin ang mga iyon. Hindi ko maipagkakailang maganda ang taste ng kanyang ate. Nakita kong tumaas ang kilay ni Ziki.
"These are nice..." Sabi ko at hinaplos ang mga dress ng ate niya.
"No." Mariing sabi niya at tinulak ako papuntang bathroom. "Get dressed if you don't want me to dress you."
Wala na akong nagawa kundi pumasok sa banyo. Binilisan ko ang pagbibihis ko dahil ramdam ko na ang cellphone kong nagva-vibrate. I'm sure hinahanap na ako ng mga kaibigan ko.
Nag-powder ako at nag-lipstick, since yun lang ang dala ko. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Ziki na may katawag.
"Yes, we're coming na nga. Tapos na ba 'yung ibang banda?" Naglakad ako palapit sa kanya. Nakatingin lang siya sa'kin. Lumunok ako ng nasa harap na niya ako.
"Oh okay..." Sabi niya at binaba ang tawag. "Let's go."
Hinila ako ni Ziki palabas ng condo unit niya. Sa elevator ay may nakasabay kami na couple. Hinahalikan nung lalaki ang leeg ng babae at ang babae naman ay impit na umuungol.
Jesus! We're here. Nagkatinginan kami ni Ziki at nakita kong halos matawa siya. Nakita kong pasimpleng gumapang ang kamay ng lalaki sa palda ng babae. Ang mata ng babae ay tumitirik. Nanlaki ang mga mata ko at hindi nalang sila tinignan. Binaling ko kay Ziki ang mga tingin ko at nakita kong nagpipigil siya ng tawa.
Hinila ako ni Ziki at hinarap sa kanya. Hinawakan niya ang ulo ko at sinandal ito sa dibdib niya. Natatawa siyang bumulong sa akin, "Don't look."
Kumalabog ang puso ko sa lapit namin. I tried to think of the couple nalang just to get rid of the weird feeling.
People do that like it's a normal thing. I understand that we have needs. Alam kong ginagawa talaga iyan ng mga couples pero dapat ay may limitation. Sana naman ay 'yung iba hindi masyadong public o may nakakakitang ibang tao. Mura lang naman siguro iyong lodge.
Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas na ang elevator. Agad kaming nagtungo sa sasakyan ni Ziki.
"Why not mag record kayo ng album?" Biglaan kong tanong sa kalagitnaan ng byahe. I was just wondering... kasi they have the potential naman. And if wala pang nakakita sa kanilang talent well, they have the money.
BINABASA MO ANG
Love Me Instead
RomanceThere are things that are just not for us, but there are people we wish they loved us instead. | tagalog |