Hindi na nag tagal si Ziki sa office. Ilang sandali din ng kanyang pag-alis ay nag-ligpit na ako ng mga gamit.
Nang nag alas sais na ay ni-text na ako ni Sam. Agad kong kinuha ang mga gamit ko at umalis ng firm. Nakita ko si Sam na nakasandal sa kanyang sasakyan. He's wearig a white polo shirt na nakatupi hanggang braso. Hindi ko alam bakit hindi ko kayang tignan siya sa mga mata.
Ng makalapit ako ay pinag-buksan niya ako ng pinto. I should feel giddy! Pero bakit I feel uneasy? Maybe because of the fact na maguusap kami ni mommy mamaya sa harapan ni Sam. Kinakakabahan ako ngayong iniisip niya na may something kami ni Sam. Will it affect our work?
Kabado ako habang bumabyahe kami kaya panay ang palit ko sa music. Alam kong napapansin na iyon ni Sam dahil sinusulyapan niya ako. Mabuti nalang ay hindi na siya nagtanong.
Bumaling ako kay Sam upang mapanatag ang loob ko. Nakakunot ang kanyang noo habang nagda-drive.
Am I really willing to take a risk for this man? Kakayanin ko ba? Is he worth it?
Nilipat ko ang tingin ko sa daan. Hindi ko maintindihan anong wala sa akin na meron kay Denise.
Pagdating namin sa bahay ay wala pa sila daddy. Kumain muna kami ng merienda ni Sam, maybe this is our time to catch up.
"How was New York?" nagpasalamat ako at si Sam na ang nagsimula ng conversation.
"It was great. In fact, I had a hard time leaving kung hindi lang talaga dahil sa negosyo hindi na ako uuwi rito." nakita ko ang pagkainis ni Sam sa sinabi ko ngunit agad ding nawala. Tumikhim ako at umayos ng upo. Nasa terrace kami sa likod ng bahay, umiinom siya ng kape habang ako ay kumakain ng cake. Tumango lang siya at binalot kami ng katahimikan.
"Ikaw? Kamusta?" tumigin siya sa malayo, sa mga bulaklak sa aking bakuran.
"Okay lang. Doing great," ngumiti siya, sumisilip ang kanyang dimple.
"Lovelife?" Maliit na boses na tanong ko. I don't wanna look interested but I really wanna know. What if may girlfriend na pala siya? And he kissed me. Seryoso ang titig niya sa akin, I had to look away.
"I can't get myself to replace Denisse." Tapat niya. My heart broke as the silence crept in. Huminga akong malalim at tinignan ang mga paru-paru na napadpad malapit sa amin.
"Moving on is a choice, Sam. Magagawa mo kung pursigido ka talaga." Sabi ko ng hindi pa din siya tinitignan.
Alam na alam ko na choice ito. Kasi ako? I chose. Hindi nga lang mag move on ang pinili ko. I chose to stay. I chose to stay in love.
"I know," sabi niya at ginulo ang buhok, "it's just ang hirap. I miss her everyday."
"I miss her everyday, too, pero kinaya ko. Kinakaya ko. We can't bring her back." Lumingon ako sa kanya at nakita siyang umiiling-iling.
"Ang hirap." sabi niya. Uminom siya ng kape at hindi na ako muling tinignan.
"Sam, tell me honestly," binaba niya ang kape niya ngunit hindi pa din siya tumitingin sa akin, "sinisisi mo pa rin ba ako?"
Kitang-kita ko ang pigil hininga niya bago yumuko. Gusto kong umiyak. Hindi siya nagsalita ngunit alam ko na ang sagot. Ayoko. Ayoko ng magpaliwanag pa ulit. Nanlabo ang aking paningin dahil sa mga luhang nagbabadya. The person I love the most don't even trust me. He still blames me and he's the only person who can easily pass through my wall and hurt me over and over again.
"It's okay." Basag ang boses ko kaya tumikhim ako.
"You want me to be honest and I am no saint, Ris." Tumango ako. Kung ako ang nasa posisyon nila sisisihin ko din naman ang kasama ni Denisse sa insidente. Kasi kung walang sisisihin, nakakabaliw. What happened was a big blow. It was very unexpected... and heart-breaking. Denisse was almost everything to some people. Some depended on her already, gaya ni Sam. Kung wala silang sisisihin ay mababaliw sila sa kakaisip na sobrang careless ni Denisse.
"But I don't hate you, please do keep that in mind. I can never hate you, Ris." But you can't love me either.
"Ma'am, andito na po ang parents ninyo." Tumango ako at agad na tumayo. Pag talikod ko ay inayos ko ang aking sarili. Hindi ko na hinintay si Sam, pumasok na ako agad. I don't wanna be rude but I don't wanna break down either. Besides, he knows the way in.
"Mom, dad," bati ko sa kanila ng makapasok sa dining area. Nakahanda na ang mga pagkain at naka-upo na sila daddy. Sinubukan kong halikan si mommy sa pisngi ngunit umiwas siya. Hilaw akong ngumiti at umupo na sa harapan niya.
Pumasok na si Sam at umupo sa aking tabi. Matulis agad ang tingin ni mommy sa akin. Hindi ko na iyon inalintana imbes ay kumuha na lang ng pagkain. If she doesn't want us together bakit niya pa kami inatasang mag trabaho ng magkasama?
"I'll be checking from time to time kung maganda ba ang trabaho ninyo. Malaking project ko ito, I hope both of you won't disappoint me." Sabi ni mommy ngunit sakin lamang nanatili ang kanyang matutulis na titig.
"We won't, tita." Ngiting matamis ni Sam. Hindi na ako kumibo at nagpatuloy lang sa pag-kain.
"I want it homey, as much as possible brown, white, and gold ang mga kulay na gamitin ninyo..."
Ganoon lamang ang laman ng aming dinner. Walang usapang personal kaya naibsan naman ang kaba sa'king dibdib. Pagkatapos ng dinner ay umalis na si Sam. Si daddy naman ay nagpunta ng library niya habang si mommy ay tila hinihintay pa akong ma solo.
"Don't think I am giving you a favor. You watch and see..." Sabi ni mommy bago ako iwan. Umiling ako. How did she turn to a monster.
Umakyat na akong kwarto ko at ang una kong ginawa ay ang mag impake. I am leaving this house. Hindi pa ako nakahanap ng malilipatan ngunit may naiisip na ako.
Matapos mag impake ay kinuha ko ang cellphone ko at tumawag. May ipon ako at sa tingin ko ay sapat na iyon. If mom can't stand me, so do I.
"Ziki, san pwede mag inquire sa condominium na tinitirhan mo?"
BINABASA MO ANG
Love Me Instead
RomanceThere are things that are just not for us, but there are people we wish they loved us instead. | tagalog |