"Bye, Ris!" Niyakap ko si Janine at ang kanyang husband bago tuluyang lumabas kasama sina Clarc. 10pm na at ngayon pa namin napag-desisyunang umuwi. Hindi ko na nitext si Ziki, sasabay nalang ako kina Clarc. Baka kasi maisturbo ko pa siya. Baka natutulog na 'yun.
"Ayan na pala ang sundo mo," mabilis akong bumaling sa tinuro ni Clarc. Nanlaki ang aking mata ng makita si Ziki na seryosong nakatingin sa amin habang nakasandal sa kanyang itim na Mustang.
May iilang bisitang papauwi na din na tumigil pa talaga upang tignan ang Mustang ni Ziki o si Ziki mismo na naka Nike slippers, kulay gray na short, at itim na jacket. Magulo ang kanyang buhok ngunit hindi pa din nababawasan ang kanyang ka gwapohan.
"Go na girl! Bye!" hinalikan ako ni Jackie at Clarc atsaka nagmamadaling umalis. What? Sa kanila ako sasabay! Bubuksan ko sana ang aking bibig ng makitang malayo na sila Clarc. Guess I have no choice. Hindi din naman pwedeng sayangin ko ang effort ni Ziki sa pagpunta dito. Lumunok ako at dahang-dahang naglakad.
Hinahangin ang aking buhok habang dinadama ko ang paglalakad ko patungo kay Ziki. Ito na ata ang pinaka mabagal na lakad ko. Nakatingin lamang ako sa aking mga paa habang pilit na inaayos ang paghinga. He still came kahit hindi ko siya sinabihan. He came and waited kahit na hindi niya alam kung anong oras kaming uuwi.
"Kanina ka pa?" mahina ang boses ko ng huminto ako sa tapat niya. Inangat ko ang tingin ko at sinalubong ako ng kanyang mga matang kulay kayumanggi. Medyo dark iyon dahil gabi na ngunit kumikislap din dahil sa mga ilaw sa paligid.
"You did not text me." mariin niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko.
"A-akala ko tulog ka na." tumikhim ako upang alising ang panginginig sa boses ko. His perfect face is really distracting.
"Hindi ako makatulog hangga't hindi ko nasisiguradong nakauwi ka na safe." umayos siya ng tayo. I looked down as he towered over me.
"Malaki na ako. I can take care of myself. I've been taking care of myself even before--" I clenched my jaw.
"That's not what I meant..." lumambot ang kanyang boses at inabot ang aking kamay. I'll be honest, ang kanyang hawak ay nagbibigay ng kuryenteng hindi ko pa naramdaman kahit kanino. Kahit kay Sam. I was so sure I loved Sam ngunit sa pinaparamdam ni Ziki sa akin ngayon, hindi ko na alam ano ba talaga ang pakiramdam ng mag-mahal.
Hinila ako ni Ziki at niyakap. Ramdam ko ang paghalik niya sa aking buhok bago bumaba ang kanyang mukha sa aking tenga, "Let's go."
Binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan at agad akong pumasok dahil sa ginaw na aking naramdaman ng mawala ako sa kamay ni Ziki. Gabi na at ang suot ko ay bahagya lamang nakakatakip sa'kin. Nag-relax ako ng binalot ako ng amoy ni Ziki sa kanyang sasakyan. Mabilis siyang umikot papuntang driver's seat.
Tahimik lamang kami sa byahe. Pagod na din ako at gusto kong magpahinga muna. Pikit na ang mga mata ko hanggang naramdaman kong tumigil ang sasakyan. Bumaba na ako bago pa ako mapagbuksan ni Ziki. Sabay kaming pumasok sa elevator dito sa parking lot. Si Ziki na ang pumindot sa aming floor.
"Kanina ka pa naghintay na lumabas kami?" Nilingon ako ni Ziki. He's looking at me gently na parang gusto niyang pawiin ang pagod ko.
"Mga isang oras lang. Tagal mo kasi mag-text. Ayaw ko din sabihin na pupunta na ako dahil baka ma-istoro kita o umuwi ka ng maaga dahil andun na ako." nagulat ako sa kanyang sinabi. He's been there for an hour!
"I'm really sorry..." hinawakan ko ang kanyang kamay. He's right tho, kung alam ko lang na andun na siya ay uuwi na ako. Tumango lamang siya at di na nagsalita. I can see that he's not mad, but he's not happy either.
BINABASA MO ANG
Love Me Instead
RomansaThere are things that are just not for us, but there are people we wish they loved us instead. | tagalog |