Twenty

3.3K 86 2
                                    

I can hear the music blaring as we entered the club. Inadjust ko ang aking mata sa dilim at sa multicolored flashing lights. Hindi masyadong crowded ang club but I could see the bodies grinding, rubbing against each other like there's no more space.

Some clubs in New York were worse. 'Yung mga tao doon ay naglalampungan shamelessly. Minsan ay nakakakita ako doon ng mga nag da-dry humping. I don't wanna generalize tho, after all JC only brings me to the 'wild stuff'. According to him, I needed to experience the cruelty the world has to offer with him so I can do good on my own.

Umupo kami sa isang booth at nag-order agad sila ng inumin. I wanna drink tonight. Gusto ko lang i-relax ang aking sarili dahil sa trabaho at malalaking projects na hawak ko ngayon. I wanna enjoy this night and I hope I will.

Tumabi ako kay Bia. She's currently scanning the crowd. Si Ziki ay tumabi din sa akin. Tinanggal ko na ang aking cardigan dahil ang pangit naman pag nag ganoon pa ako dito. Hanggang ngayon ay hindi parin humuhupa ang panunukso ng barkada sa amin.

"Come on, Ris and Zik! We're grown ups na. Why so pabebe?" Natatawang sabi ni Jaz. Umiling lamang ako. If we are leading somewhere, I wanna take it slow. I'm not even sure about my feelings. Ni hindi ko alam san ko ilulugar ang nararamdaman ko kay Sam. Isa pa, ayokong mag-assume! What if it was just nothing to Ziki?

"You're all too excited." Natatawang sabi ni Ziki. Ano ba ang ibig niyang sabihin? He is giving our friends false hopes... and well, me too.

Hindi ko na sila pinansin. I won't say anything about us, for now. Kahit ako nga hindi ko pa masigurado kung ano talaga. I probably need that private talk with Bia, asap.

Dumating ang waiter dala ang mga inumin. They ordered hard liquors ngunit may mga juices lang din. Inabot ni Ziki sa akin ang isang juice. Naglaway agad ako sa appetizers na inorder nila. May mga light liquors din namang inorder ang girls. Siguro ay para sa mga magda-drive pa. Kumuha si Ziki ng juice lang din. Is he not drinking? Kahit light lang?

Binalik ko ang juice at kumuha ng Vodka. Sumandal si Ziki sa upuan at tinitignan lamang ako. Mabuti at hindi na siya umangal. I took a sip of my Vodka. It travels down my throat at napa ismid ako. I'll never get used to the taste of alcohol.

Kumuha ako ng Nachos habang nakikinig sa usapan ng aking mga kaibigan kahit ang ingay rito. Mabuti na rin itong nakapag-club kami ngayon dahil for sure magiging busy na ako sa susunod na mga araw.

Uminom ulit ako ng Vodka at napapikit sa init na bumaba sa aking lalamunan. It felt nice and it relaxed me. Naramdaman ko ang kamay ni Ziki sa aking likuran. Mas lalo akong nag-init. He is drawing small circles on my back. Mas lalong nag-relax ang aking katawan.

"Parang gusto na talagang sumayaw ni Geoff!" Natatawang sabi ni Jaz. Geoff is shifting uncomfortably on his chair. Kanina ko pa siya napapansin at parehas ng inisip kay Jaz ngunit iba ang sinasabi ng kanyang mukha. Nakalukot iyon na parang anytime ay masusuka na siya.

"Kanina pa iyan gustong mag CR!" Sabi naman ni Bryan. Napangiti ako habang tumatawa ang aking mga kaibigan sa panunukso nila. Sinasabihan nila si Geoff na mag-CR na lamang sa club ngunit ayaw nitong mag-CR doon dahil nahihiya siya sa susunod na gagamit. At baka matagalan daw siya nakakahiya sa mga maghihintay.

"Wag ka sanang uminom ng sobra..." Bulong ni Ziki sa aking tenga. I like that he is not forcing me to do it. Pero why would he force me not to drink naman diba? We're not even together.

"I don't wanna carry you all the way to your unit," dagdag niya. Umirap ako.

"Okay..." Nilagay ko ang aking buhok sa isang bahagi ng aking balikat. Tumatayo na sila Antonette upang sumayaw. Hinihila na din ako ni Bia ngunit umiling ako. Mamaya na ako sasayaw dahil ayaw kong mapagod ng maaga.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon