Seven

3.6K 74 5
                                    

Matapos kong mag-ayos ay hindi ako dumiritso sa opisina ko. Binuksan ko ang pinto ng Krispy Kreme at pumasok. Sinalubong ako ng amoy na kay sarap sa ilong. I've always loved how these kind of shops smell.

Sinuyod ko ang tingin ko sa kabuoan ng shop. May mga umaalis na. Natigil ang titig ko kay Ziki na umiinom ng hot coffee. Mabilis akong nag-order ng hot coffee at doughnut.

There are vacant seats! Should I sit with him? Ugh. Hindi na dapat ako nagdadalawang isip! Bakit naman ako uupo kasama siya? We're friends siguro pero I think hindi kami ganun ka close. Now I consider him as a friend?! Parang days ago I was convinced na hindi ako connected sa kanya in any way.

Siguro his texts that showed concern changed my mind a little bit. I mean, i'll be honest, I liked it. Bilang lang ang mga taong totoong concern sa akin kaya I appreciate them, really.

I shook my head. Kinuha ko ang tray ko at naglakad patungo sa labas. I will eat outside. Feeling ko din naman kailangan ko ng fresh air.

Nadismaya ako ng makitang wala ng vacant sa labas. Pumasok ulit ako at naghanap ng table. May vacant malapit kay Ziki.

Naghanap pa ako. I can't sit near him! Baka isiping papansin ako. I admit na masyado akong paranoid over this. I am overthinking.

Mayroon namang vacant seats pero may ka share ako. Ayoko nun. Feeling ko kailangan kong kausapin 'yung ka-share ko. Hindi pa naman ako magaling magdala ng conversation.

Huminga akong malalim at naglakad papunta sa seat na malapit kay Ziki. Nag-angat siya ng tingin ng maramdamang may uupo sa kabilang table. He looks so damn hot kahit na naka-puting t-shirt lang siya.

Nag-tama ang aming mga mata ngunit blanko lang ang ekspresyon niya. Kumunot ang noo ko ng binaba niya ang tingin niya sa kanyang coffee. No greetings? Hindi niya ba ako iinisin? Kasalanan ko din naman siguro dahil sa trato ko sa kanya.

Ipinag-kibit balikat ko iyon at umupo na. Can't he see my hot coffee and doughnut? Pumikit ako to clear my thoughts. Hindi ko na alam san iyon patungo. One thing's clear, I don't like where it is going. Kumagat ako sa doughnut ko at sumulyap kay Ziki.

"Hi! Pwedeng maki-share?" Sabay kaming napabaling sa babaeng nasa harapan ni Ziki. May dala siyang tray na ang laman ay chiller at cake. Naka-sports bra lang siya at sobrang iksing short. I could see the camel toe waving at everyone!

Tinanggal ni Ziki ang kanyang earphone at nginitian ang babae tsaka tumango. Hindi ko na sila pinansin. Kinagat ko ulit ang doughnut ko kahit na busog na ako dahil nag-breakfast na ako. Luto pa ni Sam! Pinag-luto ako ni Adam Samuel Singson! I wanna shout that to the world, especially sa mukha ni Ziki. For I don't know what reason ha.

"You shouldn't be drinking cold drinks in the morning..." Agad akong napabaling sa table nila Ziki dahil sa pamilyar na pangungusap. Humagikhik ang babae. Woah?

"Can I have your hot coffee, then?" pabirong sabi nung babae. Halos matawa ako. Oh God this is ridiculous.

Tinignan ko ang relos ko at mabilis na tumayo. May mga tatapusin pa pala ako sa opisina. Hindi ko na sila binalingan at mabilis na naglakad palabas.

"Morning, guard." bati ko sa mga guard. Bumati sila pabalik sa akin. Nagmadali na akong sumakay sa elevator. Pagsarado ng elevator ay tsaka palang ako huminga.

Pagdating ko sa opisina ay ilang minuto pa akong nakatunganga saking swivel chair bago ko napag desisyonang magtrabaho na. Hindi ko mapigilan isipin ang halikan namin ni Samuel kagabi.

Hinawakan ko ang aking labi. I've dreamt of it for so long. Hindi ko naisip na sa ganung paraan matutupad ang aking pangarap. Hindi ko naisip na matutupad iyon ng dahil kay Denisse. Dahil inakala niyang ako si Denisse.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon