Twenty-eight

3K 67 9
                                    

Paglabas ko ng bathroom matapos kong magbihis ng romper ay wala na sina Clarc at Bia, tanging si Ziki nalang na ang polo at nakatupi hanggang braso, naka-puting knee-length short, at gray na ralph lauren shoes. Ang kanyang kulay silver na relo ay lumiwanag dahil sa ilaw mula sa bintana. Umiinom siya ng shake at nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at kinuha ang aking gladiators.

Sinasabi ko na nga ba dapat hindi ko iniiwan ng tingin sina Clarc dahil paniguradong iiwan ako ng mga 'yun! Umupo ako sa kama at sinuot ang gladiators ko. Sorry Ziki, mukhang ikaw ang magiging photographer ko ngayon.

"You ready?" nilingon ko si Ziki at tumango. Nilapag niya ang baso sa coffee table atsaka kinuha ang shades sa kanyang bag.

Pagbaba namin sa first floor ay may mga bumati sa amin. Masaya akong bumati pabalik at ganoon din si Ziki. The people here are very welcoming. They all have warm smiles on their faces, which is very contagious. Dumaan kami ni Ziki sa likuran kung saan ang kanilang plaza. Papalabas palang kami ng may nag-abot sa akin ng flower crown.

"Thank you," nginitian ko ang staff na naglagay ng flower crown sa aking ulo. Mabuti nalang at kinulot ko ang aking buhok, bumagay ito sa flower crown.

"De nada," hindi ko naintindihan ang sagot ng staff kaya nginitian ko na lamang siya. Nakuha niya ata ang hindi ko pag intindi dahil inulit niya iyon sa english, "You're welcome, senora."

Ngumiti ako sa panghuling beses bago kami tumulak ni Ziki. Paglabas namin ay sinalubong agad kami ng malaking fountain. Sa gitna ng fountain ay may statue ni Eros, the god of love in the greek mythology. Sa gilid ay may mga upuan at lamesa kung saan may mga kumakain. Sa gilid naman nito ay may barbecue at mga drinks na paninda. May buko din doon at burgers.

"I'll take a picture of you there," nilingon ko si Ziki at tumango bago binigay ang aking phone. Naglakad ako palapit sa fountain at humarap kay Ziki. Hindi awkward ang aking ngiti dahil tunay akong masaya. This feels like paradise, fresh na fresh ang hangin at napapalibutan kami ng green grass at palm trees sa gilid ng mga stone paths.

"Okay, ikaw naman!" sabi ko at kinuha ang aking cellphone. Umiling pa siya ngunit tinulak ko siya palapit sa fountain. Kinamot niya ang kanyang batok. "Dali na! Pose!"

Ginaya niya ang pose ni kupido, nagkunwari siyang may hawak na pana at ang isang paa ay nakataas. Tumawa ako sa itsura niya, ginaya niya pa talaga ang facial expression at kung saan nakatingin si kupido!

Matapos ay sa isang statue naman kami nagpunta, nasa dulo lamang ito ng isang path kung saan sa gilid ay may mga naka-lined up na palm trees. Sa tingin ko ay patungo ito sa garden dahil sa naaninag kong archway na kung saan ay may mga bulaklak na kumakatay.

"Senora, i'll take a picture of you both." sabi ng isa pang staff na lumapit sa amin. Tumango ako at binigay sa kanya ang cellphone ko.

Hinila ko si Ziki palapit sa statue ni Eros at Psyche. Tinaasan niya ako ng kilay ng lumuhod ako sa kanyang harap. Tinaasan ko din siya ng kilay at ngumiti. Yumuko siya at inabot ko ang kanyang leeg habang siya naman ay nilagay ang kamay sa aking likuran, ginagaya namin ang pose nila Eros at Psyche. Nakangiti ako habang si Ziki ay seryoso lamang nakatitig sa aking mga mata. Tinititigan niya ako na parang sa akin lang ang atensyon niya. Ako lang.

Nagpasalamat kami sa staff bago tinignan ang aming litrato. Sobrang ganda nito. Nagaya namin ang pose nila Eros at Psyche kahit hindi ganoon ka perpekto. Ang ganda ng pagkakuha, nakiha ang aming anggulo.

"Gusto mo kumain muna?" tanong ni Ziki at nilingon ang kainan.

"Fries lang." hinila ako ni Ziki papunta sa stand ng fries at burger. Habang bumibili siya ng fries namin ay bumili nalang din ako ng slush sa booth ng Thirsty.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon