Emma Black on the side! :)
****
"Heels! Hoy heels, maghintay ka naman."
"Ang bagal mo. Bilisan mo kaya."
Inirapan ako ni Emma, ang best frenemy ko.
By the way, ako nga pala si Regina Hills. Dahil siguro sa apelyido ko kaya tinawag akong 'heels' ni Emma. Pero siguro pwede na rin na mahilig akong magsuot ng heels. O baka dahil sa nangyari dati? Hay naku! Basta nickname niya ang heels para sa akin at wala na akong pakialam sa reason niya behind it.
Another thing about me, isa akong hopeless romantic na babae. Pero ayaw nilang paniwalaan iyon dahil sabi ng iba, paano daw akong magiging romantic kung hindi daw ako marunong magmahal?
Ang maisasagot ko lang sa kanila ay hindi lang talaga nila ako kilala at wala lang silang ideya sa mga pinagdaanan ko.
"Bakit ba kasi kailangan nating pumunta doon?"
"Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa'yo?"
"I just don't see the point," feeling dumb blond na pagpapakaignorante ni Emma.
"Okay, kung kailangan kong iexplain ng paulit-ulit sa'yo, then I'll do it."
Actually, papunta kasi kami sa isang eskwelahan, ang dati kong school dahil plano ko na hanapin ang Mr. Right ko.
Paano?
Babalikan ko lahat ng lalaking nakaencounter ko. Well, hindi naman lahat. Lahat lang ng naging special sa'kin.
Naniniwala kasi ako ngayon na isa sa kanila ang Mr. Right ko.
"Paano ka naman nakasisiguro na isa doon ang Mr.Right mo?" Follow-up question ni Emma.
Good question. Paano nga ba ako nakasisiguro na nakita ko na ang Mr. Right ko?
Ang sagot ay dahil sa sinabi ni mama, ang kanyang huling habilin sa'kin.
~*~
"Regina, alam nating ilang minuto o segundo na lang ay mawawala na ako sa mundong 'to," sabi ni mama habang pinipigilan niya ako sa pag-alis.
Ngayon ko lang siya dinalaw magmula nang mahospital siya. Nadiagnose kasi siya ng stage 4 lung cancer at may taning na ang buhay niya.
Pero kahit mamamatay na siya, hindi ko pa rin magawang maawa sa kanya. Isang babaeng kinamumuhian ko lang ang nakikita ko ngayon. At kahit alam kong masamang isipin 'to, pero masasabi kong ito ang karma niya.
She finally got a taste of the pain that she gave to the people around her especially me.
"Regina, please, just hear me out." Pagmamakaawa niya sa'kin.
Hindi ako umalis pero hindi ko rin siya hinarap. Nanatili lang ako sa pwesto ko na parang statwa.
Nang maramdaman niyang makikinig na ako sa kanya, nagsimula na siyang magsalita uli.
"Gusto kong humingi ng tawad sa'yo, anak. Alam kong hindi sapat ang mga katagang 'to para mapatawad mo ko. Pero gusto kong malaman mo na nagsisisi na ako. Kahit ako ay galit na galit sa sarili ko dahil sa paghihirap at pasakit na ipinaranas ko sa'yo para lang masunod ang mga makasarili kong kagustuhan."
"Anak, mamamatay na ako. Tanggap ko na 'yon at matatanggap ko rin kung hindi mo pa rin ako mapapatawad habang may hininga pa ako. Pero ang hindi ko matatanggap ay ang maiiwan kitang nag-iisa at walang katuwang sa buhay. Ayokong palibutan ka ng kalungkutan sa panghabambuhay dahil lang sa ipinagkait ko sa'yo ang pagiging masaya habang nabubuhay pa ako."
"Kaya, anak, gusto kong balikan mo siya. Balikan mo ang taong inilaan para sa'yo na ipinagkait ko sa'yo."
"Paano ka nakakasiguro na nakita ko na siya? Paano ka nakakasiguro na meron ngang nakalaan na tao para sa'kin kung ginawa mo rin akong isang katulad mo na magiging malungkot habambuhay dahil sa itim ng budhi? At kung kilala mo siya, sino siya? Sino ang gusto mong balikan ko na sinasabi mong nakalaan para sa'kin." Hinarap ko siya at nilabas ko lahat ng tanong na nasa isip ko.
"N-Nahihirapan na akong h-huminga, anak. Pero ang m-masasabi ko lang, kailangan mo siyang balikan at hanapin. Hindi mo kailangang maging k-katulad ko. Marami ka pang panahon k-kaya gamitin mo 'to p-para hanapin si-"
"Ma!"
Hindi pa niya nasasabi ang pangalan ng taong tinutukoy niya ay nalagutan na siya ng hininga
~*~
"Nandito na tayo." Sabi ko, hindi ko na pinansin pa ang tanong niya.
Nakakairita kaya! Ang daming tanong, hindi na lang maki-go with the flow.
"Dito ka nagpreschool?" Tanong na naman ni Emma.
"Yep," matipid na sagot ko.
Tinitigan ko ang dati at una kong naging paaralan at parang isang pelikula na nagflashback sa akin ang lahat.
BINABASA MO ANG
Nineteen Mr. Right
HumorNakita mo na ba ang Mr. Right mo? Pwes, si Regina Hills hindi pa. Pero nagkamali siya. Akala lang niya iyon. Dahil nakita na niya ang taong para sa kanya.
