Chapter 38 "Just Dance Part 2"

127 10 1
                                        

Tinotoo nga ni Teal ang sinabi niya. Sumabay siya sa'min na maglunch.

Pagdating namin doon ay mukhang gulat na gulat si Violet na kasama ko si Teal. Nandoon din si Raphael na mukhang nagtataka rin.

"Raph, you're also her friend? How come you didn't tell me?" sabi ni Teal kay Raphael habang papaupo ito sa tabi nito.

Ako naman, umupo lang sa tabi ni Violet na may mapanuksong ngiti.

"Anong nangyari sa inyo, hm?" bulong niya sa'kin habang busy na nag-uusap ang dalawang lalaki.

"Sa pagkakaalam ko, ikaw naman 'tong may pakana kung bakit magkasama kaming dalawa. So, I bet alam mo ang sagot dyan sa tanong mo." sagot ko sa kanya.

At kahit hindi ko pa tignan si Violet, alam kong nakapout na siya na parang bata.

"Ito naman. Syempre, gusto ko sa'yo manggaling. Eh ang pagkakaalam ko magpapractice lang kayo eh. Hindi ko naman alam na mag-eextend pala ang pagsasama niyo." sabi niya na para bang may gustong iparating.

"Kung ano man 'yang iniisip mo, Violet, tigilan mo na." sabi ko with my eyebrows raised.

"Sige na, sige na. Titigil na po." sabi ni Violet habang nakataas ang mga kamay na parang sumusuko.

"Bibili lang ako ng pagkain." sabi ko pagkatayo ko.

"Sasama na ko." sabi naman ni Teal na tumayo rin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay, hoping that he'll get my message.

Sinagot naman niya ako by raising both of his eyebrows.

"Gutom na ko. 'Lika, Queen." sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

Queen?! Who the hell is he to call me queen?

Pero sa bagay, mukha naman siyang commoner para sa'kin. *evil laugh*

Inalis ko naman ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Nakakailan na 'to ah! Tss. Feeling close.

Nakita ko namang napangiti siya nang alisin ko ang kamay niya.

Ang abnormal talaga nitong Teal na 'to.

Nakarating na kami sa isang restaurant at doon namin napagdesisyunang umorder.

"One order of ebi tempura please. Take out." sabay naming sabi ni Teal.

Sabay naman kaming napatingin sa isa't isa nang marinig na parehas kami ng sinabi. Ako ay nanlilisik ang mata samantalang siya ay parang masayang masaya.

Tss, gaya gaya.

Nagpatuloy lang kami sa pagtitigan habang hinihintay na may isa sa'min ang magbago ng order.

"Uh, ma'am and sir, 'yon pa din po ba ang order niyo?" tanong ng tao sa may cashier.

"Yes!" sabay naming sabi ni Teal.

"Okay, ma'am and sir. But can you wait for 15 minutes?" tanong niya sa'min.

Tumango lang kaming parehas ni Teal bilang sagot.

Nang matapos na kaming umorder ay humanap muna kami ng pwesto kung saan kami maghihintay. Good thing, mayroon pang iilan-ilang bakanteng pwesto.

Pagkaupo namin ay pinalibutan kami ng isang nakakabinging katahimikan. Pero katulad kanina, si Teal uli ang bumasag nito.

"Akala mo siguro matitinag mo ko?" sabi niya.

"Well, the game's not over yet."

Tumawa naman siya.

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon