Chapter 4 "King David"

234 24 14
                                    

 “Bahala ka sa buhay mo!” sabi ko at bumalik na ako sa upuan ko.

Kami lang ang nandoon.

Tinitigan ko si David habang nakatalikod siya.

Hmp! Akala ba niya maaawa ako sa kanya? NO WAY! 'Yan ang sinasabi ko sa sarili ko.

Walang kinakaawaan ang isang reynang katulad ko.

Nilihis ko ang tingin ko at tumingin na lang ako sa may bintana.

Baka lumingon kasi siya eh. Baka ano pang isipin niya.

Ang tahimik ng paligid.

Baka umalis na iyon dahil sa pagkabored.

Lumingon ako.

Wrong move.

Nasa tabi ko na pala iyong bwisit na si David.

Tinitigan lang niya ako at parang inoobserbahan.

Ano naman kayang ginagawa nito?

*RIIIIINGGG!*

Break Time na!

Tumayo agad ako at kinuha ang baon ko tsaka pumunta sa labas.

Bawal kasing kumain sa loob ng classroom eh.

Pumunta ako sa usual place ko.

Papalapit pa lang ako ay nagsialisan na ang mga nakaupo doon o kahit iyong mga malapit sa pwestong iyon.

Takot sila eh.

Kinuha ko na ang pagkain ko at nagsimula ng lantakan ito.

Munch, munch, munch.

Pwe! Hindi masarap.

Binuga ko iyong kinain ko. Kadiri!

Bwisit talaga iyong bago naming yaya. Hindi marunong magluto!

Buti na lang at may nilagay na yogurt.

Mango ang flavor nito. Yay! My favorite.

Masaya kong kinain ito.

“You smiled.”

Nagulat ako nang may nagsalita mula sa tabi ko.

No one ever sits beside me!

“Don’t you know where you are sitting?”

“Of course I do.”

“Don’t you know that I’m the queen here? And no commoner gets to sit beside me.”

Tumawa lang siya.

Nagsisimula na naman akong mairita sa kanya.

“But I’m not a commoner. I’m a king. King David by the way.”

Ha! King daw siya. Paano naman siya naging king?

“How did you became a king?” tanong ko sa kanya

“They call me that.” sabi niya habang nakangiti ng malapad.

Tss. I hate that smile.

“Whatever.”

Nanatili lang kami sa pwestong iyon hanggang matapos ang break.

Pagkatapos noon ay lagi na siyang lumalapit sa akin.

Kahit ilang beses ko siyang sungitan ay hindi siya natinag.

Hanggang sa isang araw I finally gave up.

“Hey.” sabi ko kay David habang ibinibigay sa kanya ang isang bracelet.

“What is this?”

“Bracelet, duh.”

“I know. But what is this for?”

“I broke yours and I thought it’s important to you. But if it isn’t then I’ll be willing to take it back.”

Akmang babawiin ko na iyon nang hinawakan niya at kinuha ito.

“Thank you.” sabi niya with his signature wide smile

And for the first time, ngumiti ako nang dahil sa isang tao.

Pagkatapos noon ay naging magkaibigan na kami.

Kasabay na rin noon ang unti-unting pagbabago ko.

Hindi naman ako naging sobrang bait pero hindi rin naman akong naging masama.

Hindi na ako palaging mag-isa at natuto na akong makipagkaibigan sa mga kaklase ko ng dahil sa kanya.

Dahil sa lalaking may apelyidong nunal pero walang nunal sa mukha.

Dahil sa lalaking hindi sumuko sa akin.

Pero not all good things last.

Dumating ang graduation namin sa preschool.

Si David Mole ang naging top 1. At dahil doon ay nagspeech siya ng konti.

“I will miss you all!” iyon ang speech niya.

At tinanggap na namin ang kanya kanya naming diploma.

Back then, wala pa kaming care sa diploma na yan.

Parang hindi nga namin feel na graduation eh. Basta ang alam namin maraming picture taking.

At doon natapos ang preschool life ko.

~

“Iyon na yun?!” sabi Emma pagkatapos ng aking kwento

“Bakit? Anong ineexpect mo?”

“Anong nangyari kay David bebe?”

“Sa pagkatatanda ko ay nagmigrate sila eh.”

“WHAAAT?!” sigaw ni Emma.

“Aray ha!”

“So hanggang doon lang ang love story niyo? Wala na talaga?”

“Duh, kindergarden palang ako noon. Natural hindi pa hasa ang landi skills ko.”

“Sa bagay.” agree ni Emma

“Paano natin makikita iyong lalaki na iyon? Ang gagawin lang naman pala natin dito ay magreminisce.” –Emma

“Pag-aaksayahan ko ba ng panahon ang pagpunta dito kung magrereminisce lang ako?”

“Eh bakit nga tayo nandito?”

“Dahil nandito siya.” sabi ko habang nakatingin sa isang pintuan.  

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon