-Have 3 errands from Mrs. Quizon.
-Have 5 errands from Mr. Manuel.
-Have 4 errands from Principal Santiago.
Nang sumapit na ang lunch break namin ay pinuntahan ko na agad ang mga tao sa listahan ko.
I better do this (or the jejemon guy) fast. Ayoko ngang mapatawag pa ang parents ko. Ika nga, prevention is better than cure. And the cure is my parents being called.
Una kong pinuntahan si Mrs. Quizon. Siya pala 'yong nakahuli sa'kin kanina.
Tss, baka kaya niya ako isinumbong para magkaroon siya ng alipin.
Pagkalapit ko sa kanya ay may binigay siya sa aking notebook na mukhang class record.
Ano 'to? First day pa lang may grades agad?
"Sulatan mo 'yan ng seatwork, homework, quizzes at test sa itaas. Lahat ng pages ah."
Tss, hindi ba pwedeng magprint na lang?
Nang makuha ko na 'yong class record ay akmang aalis na ako.
"Wait, dito mo na isulat 'yan. Baka iba pa gumawa niyan." sabi ni Mrs. Quizon.
Iirap na sana ako pero pinigilan ko. Baka madagdagan pa ang parusa ko eh.
"Pero ma'am, hindi pa po ako kumakain ng lunch. 'Wag po kayong mag-alala, ako po ang gagawa nito. Kung gusto niyo po, pagkatapos kong kumain ibibigay ko na po eh." sagot ko with my paawa face and everything.
'Yan ang nakukuha ko kakasama kay Margaret eh.
"Okay. Balik ka na lang dito para sa pangalawang gagawin mo." sabi niya at kumain na rin siya.
Agad naman akong lumabas ng faculty at dumiretso doon sa pangalawang teacher.
Buti na lang at mas madaling kausap 'yong si Mr. Manuel. Ibinigay niya na agad sa'kin 'yong 2 tasks eh.
Huli kong pinuntahan ay ang principal. Sekretarya lang niya ang nakausap ko at ito rin ang nagbigay ng mga gagawin.
Hay, 'yang si Mrs. Quizon lang talaga ang pahirap eh. Gusto pa pabalik-balik ako sa 3 tasks niya. Bwiset!
Kapag ako yumaman uli, ipapatalsik ko 'yan dito.
Agad naman akong pumunta sa cafeteria.
Pwede naman na akong umuwi dahil half-day lang kami (araw araw 6 hours lang ang klase! woo) pero dahil wala na rin kaming maids (I'm so poor na talaga) walang magluluto ng food ko. As if naman marunong akong magluto diba? At ayoko ngang mapagod ang beauty ko.
Umupo na ako sa isang bakanteng pwesto at doon na kumain.
Napatingin ako sa pagkain ko.
Adobong manok na 'yong manok ay parang kinagatan na ng bata at lumalangoy sa mantikang nabahiran lang ng onting toyo.
'Yong totoo? Pagkain ba 'to ng tao? Hay.
Susubo pa lang ako nang biglang nagkaearthquake sa mesa ko.
Tinignan ko naman ng masama 'yong taong walang utak na pinalo 'yong fragile na mesa na naging dahilan ng earthquake.
Buti na lang at hindi tumilapon lahat ng pagkain ko kung hindi uutusan ko 'tong bilhan ako ng bagong pagkain.
"Anong kailangan mo? Hindi mo ba nakikitang kumakain ako?" sabi ko kay jejemon guy.
"Tss, tutulungan na nga kita, susungitan mo pa ko." sagot naman niya.
BINABASA MO ANG
Nineteen Mr. Right
HumorNakita mo na ba ang Mr. Right mo? Pwes, si Regina Hills hindi pa. Pero nagkamali siya. Akala lang niya iyon. Dahil nakita na niya ang taong para sa kanya.