Chapter 37 "Just Dance Part 1"

105 9 0
                                    

Teal Cassidy on the side, guys! :)

*****

"Uuwi ka na lang, magdadala ka pa ng problema!"

Narinig ko ang malakas na sigaw ni mama pagkagising ko.

Wow, great way to start the day.

Imbes na alamin ang pinag-aawayan nila, pumunta na lang ako sa banyo at inayos ang sarili ko.

Kung noon, isinasabay ko ang mga luha ko sa pag-agos ng tubig sa mukha ko, ngayon wala nang luha ang lumalabas sa aking mga mata para sumabay sa agos.

Nakakasanayan na lang talaga ang mga problemang katulad ng ganito. Minsan, nakakasanayan na lang natin ang sakit.

Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ako at kumain ng agahan.

Pagkababa ko ay naabutan kong nagliligpit ang isa sa mga maid namin ng mukhang hindi nagalaw na pagkain. Umalis siya at dinala ang mga ito sa kitchen.

Mukhang nag-away na naman sila sa hapagkainan.

Ilang minuto lang ay bumalik na rin ang maid ko na may dalang pagkain para sa'kin. Inilagay niya ito sa tapat ko at kinuha ko na ang kubyertos para makapagsimula na sa pagkain.

Pero hindi pa ako nakakasubo ay may narinig na naman akong sigaw.

"Sige, umalis ka na lang. Dyan ka naman magaling eh." sigaw ni mama.

Here they go again.

"I am and I won't go back anymore." sagot ni papa at padabog niyang sinara ang pinto.

Just like the old times. Sabi ko sa isip ko.

He's always like that. Sasabihin niya na hindi na siya babalik pero heto pa rin siya, balik ng balik.

Naalala ko pa nga dati, noong unang beses niyang sinabi 'yan, halos makaladkad na niya ako hanggang sa highway kakahabol ko sa kanya.

Pero ngayon, wala na itong epekto sa'kin. Alam ko namang babalik din siya.

Nadistract lang ako sa thoughts ko nang nakita ko si mama na papalapit sa'kin.

"Why haven't you started? You're going to be late!" sabi ni mama.

Inurong ko na lang ang upuan ko at tumayo.

"Wala po akong gana. Alis na ko, I'm going to be late." sagot ko.

Wala nang sinagot pa si mama kaya naglakad na ako paalis ng dining room. Kinuha ko na ang gamit ko at dumiretso na sa kotse.

Bakit kaya ang malas ko sa pamilya ko? 'Yong tatay ko, masaya sanang kasama kaya lang isang beses sa isang taon ko lang siya makita, minsan wala pa. Pero noong bata ako, mas madalas ko siyang makapiling. 'Yon pa 'yong mga araw na uuwi siya na may dalang laruan para sa'kin at sasamahan niya akong maglaro. Hindi naman sa'kin importante ang laruan eh, ang mas mahalaga para sa'kin ay ang presensya niya.

'Yong nanay ko naman, mas nakikita ko kaysa sa tatay ko pero magkatulad lang din sila na laging wala, idagdag mo pa na mahilig siyang magmanipula. She would always tell me to do this and do that. Pero ako, wala namang magawa dahil dependent pa ako sa kanya. Pinapaaral ay pinapakain pa rin niya ako.

Hay naku, umagang umaga napapaemote ako.

**

Nakarating naman ako sa school on time for my class. Pero bago pa ako dumiretso sa classroom ay sinadya ko muna ang locker ko.

Pagkabukas ko nito ay may bumulaga sa'king note.

Friend!

Puntahan mo ako sa auditorium after your class. I've got some news to tell!

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon