PRESENT
After ng ilang araw na pagmumukmok at pagbababad sa sarili ko sa sala watching sappy and cheesy romantic movies, napag-isipan ko nang ilock muna ang car/house ko at hanapin na ang runaway frenemy ko na si Emma.
Naku! Kapag 'yon nakita ko, babatukan ko talaga 'yon. Pero syempre, lalambingin *vomit* ko muna siya para bumalik na siya sa'kin.
Naglakad ako sa bayan na katabi ng beach. Siguro naman dito lang siya pwedeng makarating. Pwera na lang kung yumaman siya at nakabili siya ng jet plane papunta sa antartica.
Habang naglalakad ay tinanong-tanong ko ang mga taong nakakasalubong ko. Ipinakita ko pa sa kanila ang picture na pinrint ko para mas madaling malaman kung nakita nila ang bruhildang 'yon.
But to my disappointment, walang nakakita sa kanya.
Tss, pasalamat 'yong mga tao at hindi ko sila namura at nahambalos ng takong ko.
Ang init init kaya. Palibhasa tanghaling tapat ko naisipang maghanap eh.
Kaya pasalamat sila at hindi pa ako nabbv sa mga nangyayari sa'kin ngayon. Hindi PA.
Nang tuluyan na akong mainitan ay tumungo ako sa isang manong na naglalako ng gulaman.
Bumili ako ng isang cup ng gulaman at pinawi ang uhaw ko.
AHHH!
Pwede na akong ihire na model sa isang commercial ng gulaman. Syempre, maganda kaya ako! *no offense sa mga hindi*
Napagdesisyunan ko munang umupo sa silyang nakalagay sa tapat ng tindahan ni manong at doon muna nagpahinga.
"Manong, hindi ka ba napapagod?" tanong ko kay manong gulaman.
"Hindi, ineng. Bakit?"
"Eh kasi kahit tirik na tirik ang araw nagtatrabaho kayo dito sa labas. Mukha pa naman kayong retired na, manong."
Mukhang naoffend ng onti si manong nang sabihin kong mukha siyang retired. Pero binawi niya 'yon nang naisip niyang tama naman ako.
Honest lang naman ako sa kanya eh. Ayoko ngang sabihin na mukha siyang bata. Baka umasa pa eh. Mahirap na.
"Eh bakit ikaw? Parang pagod na pagod ka rin. Nakikita nga kita kanina na paikot-ikot kahit tirik ang araw." sagot niya.
"Baka po kasi mawala na 'yong kai- kasama ko kung hindi ko bibilisan ang paghahanap eh."
"Ganoon din ang sagot ko sa tanong mo, hija. Ayokong mawalan ng kinabukasan 'yong mga apo ko dahil lang sa hindi ako umaksyon para sa kanila."
Ang weird naman nitong matandang 'to. Parang wala namang connect ang sinabi ko sa sinabi niya eh.
Mukhang nakita niya na nagtataka ako at iniba na lang ang topic.
"Ano bang itsura niyang hinahanap mo?" tanong ni manong.
"Pangit, mukhang clown dahil sa make-up at mukhang mangkukulam sa pananamit." sagot ko.
"Ah, eh. Ano pa? May litrato ka ba dyan?"
Pagkasabi niya noon ay kinuha ko mula sa mamahalin kong Hermes bag ang printed kong picture ni Emma.
Nang makita ni manong 'yon ay napakunot ang noo niya.
"Bakit po, manong? May problema ba?"
"Wala ka na bang ibang litrato niya? 'Yong mas kita ang mukha niya?" tanong niya.
Kinuha ko uli ang litrato at tinignan ito.
Bakit may mali ba? Narerecognize ko nga si Emma sa picture na 'to eh.
BINABASA MO ANG
Nineteen Mr. Right
HumorNakita mo na ba ang Mr. Right mo? Pwes, si Regina Hills hindi pa. Pero nagkamali siya. Akala lang niya iyon. Dahil nakita na niya ang taong para sa kanya.
