Chapter 40 "Mending Relationships"

110 9 0
                                    

Cracked. All I can hear is my heart breaking.

Bakit ba ako umasa? Bakit ba inakala ko ay parehas kami ng nararamdaman?

Nakakainis! Bakit kung kailan natutunan ko ng magmahal, tsaka naman ako sinaktan ng ganito?

Karma ko ba 'to sa mga pinaggagawa ko noon? Bakit kailangan ganito ang maging parusa sa'kin?

Ang sakit sakit pala. Ang sakit na makita na masaya siya pero hindi dahil sa'yo, kung hindi dahil sa kaibigan mo.

"Congratulations!"

Nagising ang diwa ko nang may bumati sa'kin at yumakap mula sa likod ko.

"P-Papa, bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ko.

"Well, I heard that you are joining a pageant so I came to watch you. Ikaw ha, nakakatampo ka. Hindi mo man lang nakwento sa'kin ang tungkol dito." sagot ni papa.

Nakwento? Natural hindi ko maikukwento dahil wala ka.

Nang hindi ako sumagot ay inakbayan na lang niya ako at siya na muli ang nagsalita.

"But don't worry, nakalimutan ko na ang tampo ko nang nakita kita sa stage. You are so beautiful, lady. You even won the first runner-up! Dahil dyan, I'll treat you."

First runner-up? Is that even worth celebrating?

Kung ako kaya ang nanalo, ako kaya ang liligawan ni Teal?

Napabuntung-hininga na lang ako sa isip.

I still can't get him off my head.

"Hey, lady. Are you listening?" sabi ni papa nang hindi na naman ako sumagot.

"Hm, yeah. You're going to treat me?" sabi ko.

"Yes. Don't worry, it's gonna be what you like most."

**

Dad's right. He did treat me with the things I like most, clothes and shoes!

Kahit nga si papa ay namili rin ng mga damit na gusto niya and I have to admit it, he's got a good sense of style.

Ngayon ko lang nalaman na kay papa pala ako nagmana sa pagiging mahilig sa shopping. Biruin mo, kailangan pa naming tawagin ang 3 maids namin para lang may tagabitbit kami ng binili namin.

Napapangiti na lang ako habang tinititigan si papa.

He is indeed a wonderful man.

Sana from now on ay makapagbigay na siya ng time niya sa'kin katulad ng ganito. Sana lagi na lang siyang nandyan.

"Lady, is something wrong?" nagtatakang tanong ni papa sa'kin.

Umiling lang ako bilang sagot.

"Good. Aren't you hungry? 'Cause my tummy's growling now." pagpapatuloy niya.

"Kinda. Let's eat?"

**

Hanggang sa gustong pagkain pala ay parehas kami ni papa. Kaya heto kami ngayon, kumakain sa isang japanese restaurant.

"Their sushi's tasty. Try it." sabi ni papa at naglagay siya ng sushi sa plate ko.

Kinuha ko naman 'yon gamit ang chopsticks at tsaka kinain.

"Hm, masarap nga." sagot ko nang nakangiti.

"Buti ka pa, kaparehas ko ng gusto. Naku! ang mommy mo? Laging nakakontra sa'kin."

Nakinig lang ako kay papa as he rants about my mom's actions.

Natutuwa na lang ako kasi parang iritang irita siya pero hindi naman niya magawang iwanan.

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon