"Teal!" sigaw ko nang mahimatay si Teal.
Matapos niya kasing masabi na gusto niya ako ay bigla na lang siya nawalan ng malay.
Inalog-alog ko siya para magising siya pero walang nangyari.
"Teal, ano ba?! Gumising ka na!" sabi ko hoping that this is just a joke.
Pero nang hindi na talaga siya nagising ay naisipan kong tawagan si Raph.
"Sh-!"
Bakit nakalimutan kong kuhanin ang number ni Raph?
Dahil wala akong paraan para macontact si Raph, nanghingi na lang ako ng tulong sa mga taong dumadaan.
Buti na lang at may mga good samaritans na nagawang tulungan ako.
Ang isa ay bumuhat kay Teal, ang isa ay tumawag ng medics at ang isa ay nagperform ng first aid kay Teal who turns out to be a nurse.
Buti na lang nang buhatin ng isang good samaritan si Teal ay nahulog ang cellphone niya. Dahil doon, nahanap ko sa contacts niya ang number ni Raph at natawagan siya para sabihing dumiretso na sa hospital.
Ilang minuto lang ay may dumating nang ambulansya at sumakay na kami roon.
Habang nasa loob ng sasakyan ay nasa tabi lang ako ni Teal at hawak hawak ang kamay niya.
"Nandito lang ako, Teal." sabi ko hoping that somehow he's listening to me.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa hospital at idinala sa Emergency Room si Teal.
It turns out that it isn't his first time or second time to be confined here.
"Ano po bang nangyayari sa kanya? May sakit po ba siya?" tanong ko sa doktara nang lumabas na siya.
Huminga muna ng malalim ang doktora bago niya ako sinagot.
"Mas okay kung si Raph o Daire na lang ang magsabi sa'yo. Or even better if Teal would be the one." sabi niya at umalis na siya.
Paasa rin 'tong doktor na 'to. May nalalaman pang paghinga ng malalim pero hindi naman pala magsasalita. Tss!
Sakto namang pagkaalis ni doktora paasa ay dumating na si Raph.
"Raph, matinong tanong para sa matinong sagot. Anong meron kay Teal?" sabi ko habang tinititigan ng maigi si Raph at parang sinasabi na I need an answer right away.
"Well, I was really gonna say this to you. Wala naman akong rason para ilihim pa sa'yo 'to. May malalang sakit si Teal. Unti-unti nang namamatay ang loob ng katawan niya. Ito ang dahilan kaya lagi siyang hinihimatay. Hindi na kaya ng katawan niya nang kahit anong nakakapagod na gawain. May taning na nga rin ang buhay niya. Pero mas pinipili niyang tumakas at gawin ang gusto niya kaysa sa manatili sa hospital at magpagaling. Tinanggap na niya kasi na mamatay na rin siya at gusto na lang niyang ienjoy ang nalalabi niyang araw. Pero these days, mas napapadalas ang mga pagkahimatay niya. Kaya sabi ng doctor, maaaring malapit na ang araw na-" pagpapaliwanag ni Raph.
"Na mamamatay siya?" pagpapatuloy ko sa sinasabi niya.
At matapos kong masabi 'yon, hindi ko na napigilang mapaluhod sa pwesto ko at humagulgol roon.
"Bakit? Bakit si Teal pa?" sabi ko in between my sobs.
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.
At ilang sandali lang, naramdaman ko ang mga braso ni Raph na nakayakap sa'kin.
"Shh, shh. Tahan na, Regina. Nobody wants this to happen especially Teal. But all we can do now is accept. Accept and expect for the worse to appreciate the best chance we have in the present."
BINABASA MO ANG
Nineteen Mr. Right
HumorNakita mo na ba ang Mr. Right mo? Pwes, si Regina Hills hindi pa. Pero nagkamali siya. Akala lang niya iyon. Dahil nakita na niya ang taong para sa kanya.