Pagkakita ko ng tweet ni Teal na iyon, dali-dali kong inutusan si Emma (na nilalandi that time si Graham, as usual) na magmaneho na patungo sa Fornia City.
Agad-agad naman niyang sinunod ang utos ko.
Aber, ilang araw na kaming nagpapahinga at maraming araw na ang masayang. (at maraming araw na akong naumay sa sweet-sweetan nilang dalawa)
"Bakit ba kasi patay na patay ka sa Teal na 'yan?" tanong ni Emma habang nagdadrive.
"Ano bang pake mo?"
"Tss, nagtatanong lang eh. Para kasing ngayon lang kita nakita na ganito kadesperada."
Desperada? Well, for Teal I can be one.
I'm going to do everything. Kahit ngayon man lang, magawa ko ang mga bagay na hindi ko nagawa noon.
"Huwag mo nang subukang magtanong pa uli dahil hindi ko sasagutin 'yan. Duh, hindi pa ito ang time para ipakilala ko siya sa'yo."
"Fine." sabi ni Emma at mas nagfocus na siya sa pagmamaneho.
Hindi naman masyadong malayo ang Fornia City sa Libuma Beach at after 30 minutes ay nakarating na kami roon.
Iminungkahi ko na ako na lang ang pumunta sa Warsal Studios para makita si Teal. Syempre, alam ko namang gustong magkaroon ng another alone time ng dalawang kasamkotse ko.
Habang naglalakad ako ay inobserbahan ko ang lugar.
Maraming gusali at halatang sibilisado. Halos lahat ng taong nakakasalubong ko ay mukhang abala at may patutunguhan.
Malayong malayo ito sa scenario sa Libuma.
Pero habang nag-oobserba ako ay may nakita akong kataga.
Warsal Studios
"Where stars shine bright like a diamond"
This is it!
Agad-agad akong pumasok ng building na iyon pero pinigilan ako ng guard.
Hay Regina, bakit ba hindi ka pa natuto sa naranasan mo noon?
Hindi na ako nakipaglaban pa sa guard at kusa nang umalis.
Pero hindi ibig sabihin noon ay susuko na ko.
Duh, Regina and giving up? That doesn't fit in one sentence.
So, I just roamed the streets of Fornia City and hoped that I think of or find a way to get near Teal.
**
It's scorching hot out here yet I'm still walking and looking for a solution for my problem. Buti na lang I wore my Chanel sunglasses to protect my eyes from the sun.
UGH! What to do?
Habang hirap na hirap na akong nag-iisip ay narinig ko ang malakas na ugong ng tiyan ko.
Okay, I better eat.
Naghanap ako ng restaurant na mukhang nagseserve ng masarap na pagkain. And in the end, I decided to eat Japanese food.
Pumasok na ako sa restaurant na hindi ko maipronounce ang pangalan at naghanap ng isang bakenteng pwesto.
Buti na lang at nakuha ko pa ang huling pwesto na iyon. Ayoko kayang maghintay.
Ibinigay sa'kin ng waiter ang menu at mabilis ko namang sinabi ang order ko.
Ebi tempura. My favorite.
Habang naghihintay sa order ko ay kinalikot ko muna ang phone ko.
I have 3 days para makalapit at makausap si Teal.
Ang daming tanong ang pumasok sa utak ko.
Paano kaya ako makakalapit sa kanya? Makikilala niya kaya ako? Matatandaan niya ba ako? At higit sa lahat, siya na kaya ang hinahanap kong Mr.Right?
Napatigil ako sa pag-iisip nang may random stranger na umupo sa harapan ko.
Nakacap siya at nakashades na itim kaya hindi ko makita ang kumpletong itsura niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
Aba! Sino ba naman kasing bastos ang makikiupo na lang basta basta ng walang paalam?
"Paupo lang, miss." bigla niyang sabi.
"Eh paano kung ayaw ko?" sagot ko.
Mukhang nagulat naman siya sa sagot ko.
Anong akala niya sa'kin? Basta basta lang?
"Saglit lang naman miss eh."
"Kahit na. Ako nauna dito eh. Maghanap ka ng ibang pwesto." pagmamataray ko.
Tignan natin kung sino ang mas matatag sa'tin.
"Tss, baka kapag nalaman mo kung sino ako, kulang nalang ay itapon mo ang sarili mo sa'kin."
Aba! Ang yabang nito ah. Sino ba 'to?
Pagkasabi niya noon ay itinanggal na niya ang shades at cap niya.
Napanganga ako sa gulat at napatanggal din ng salamin para makita kung totoo ba ang nakikita ko.
"I-Ikaw ba 'yan?" sabay naming sabi.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Siya talaga 'to.
Ilang taong ko rin siyang nakasama kaya hindi ko maaaring makalimutan ang mukha niya.
Pero bago ko pa masabi ang pangalan niya ay natakpan na niya ang bibig ko. Binalik naman niya ang cap at shades niya gamit ang isa niyang kamay.
"Sshh, artista 'tong kaharap mo."
"Artista ka man o hindi, ikaw pa rin si Stephen. Stephen Ashford."
BINABASA MO ANG
Nineteen Mr. Right
Hài hướcNakita mo na ba ang Mr. Right mo? Pwes, si Regina Hills hindi pa. Pero nagkamali siya. Akala lang niya iyon. Dahil nakita na niya ang taong para sa kanya.