Chapter 2 "Mr. Right 1: David Mole"

322 27 18
                                    

Young Regina on the side!

*****

"Nunal! Nunal!"

Nakita ko ang isang batang lalaking kasing edad ko na umiiyak sa harapan ng mga nanunuksong kaklase namin.

"Hoy! Tumigil nga kayo dyan. Ang iingay niyo." sigaw ko doon sa mga nang-aasar.

"Ang lakas ng loob mo ha. Kilala mo ba kami?" sabi ng pinakamalaki sa kanila.

Tinignan ko ang mga name tags nila.

"Stephen, Josh at Luke." pamimilosopo ko

Akmang susuntukin na sana ako nung isa nang umiyak ako ng napakalakas.

"TEAAACHHEEER! UWAAA!"

Agad namang to the rescue ang teacher namin.

"What have you done, kids? You don't bully your classmates. You have to love them, okay." sabi nung teacher namin doon sa tatlong bugok.

"We're sorry ma'am." nakayukong sabi nilang tatlo

Nang medyo tumango na si Stephen (yung pinakamalaki at leader nila) ay dinilaan ko siya.

As in yung belat ng mga bata.

"Ma'am si Regina po oh!" sabi ni Stephen kay teacher

Nang lumingon si ma'am ay finlash ko ang angelic pose ko at nagbeautiful eyes.

"Regina's not doing anything to you. You should say sorry to her." sabi ni teacher

"NO!" sigaw ni Stephen

"Stephen, you know what I do to kids who don't obey me, right?"

Nagsigh si Stephen at lumapit sa akin.

"Sorry." sabi niya habang nakatingin sa ibang direksyon

"You should say sorry while looking to the person you're talking to. So that they will feel that you are sincere."

"Sorry." sabi niya and this time nakatingin na siya sa akin.

"Very good! Now go back to your seats."

Nang tumalikod na si ma'am ay ipinakita sa akin ni Stephen ang galit niyang mukha.

Parang gusto na niya akong suntukin.

Pero nginitian ko lang siya ng aking signature smile. The maldita and mapang-asar smile.

~

PRESENT TIME

"Grabe ka heels! Bata pa lang napakamaldita mo na." sabi ni Emma nang magpahinga muna ako sa pagkukwento

"What do you expect diba?" sagot ko sa kanya

"Sa bagay. It's the ever famous Regina Hills we're talking about." -Emma

Finlip ko naman ang hair ko. This is one of my actions whenever my ego is fed up.

"So, what happened after that? After you rescued David Mole."

"Huh? What are you talking about? I haven't even mentioned him."

"But who is the lampa and bullied kid you've talked about. The one they teased as nunal."

"He's not a part of my story, okay? I'd only talked about how maldita I am back in those days. But now, I'm really gonna talk about David."

~

Naging reyna ako ng mga kaklase ko. Isang reyna na kinatatakutan. Simula noong incident kay Stephen ay nagsunod sunod na ang paggawa ko ng kamalditahan.

Pinutol ko yung pinakamamahal na crayola ng seatmate ko at noong umiyak siya ay sinabi kong "Bakit ka umiiyak dyan? Wala ka ng pambili?"

Inaagawan ko ng stuff toy yung isang kaklase kong babae tuwing oras na ng paglalaro. Sabi niya kasi favorite niya iyon eh.

Sinumbong ko lahat ng kaklase kong umiihi sa shorts. Eew kaya!

Marami pa akong nagawa noon. Pero syempre hindi sapat 'tong chapter na 'to kung sasabihin ko lahat.

Lahat ng kaklase ko ay napaiyak ko. Pero kahit kailan ay hindi ako napagalitan ng teacher. It's either kasi tama naman talaga yung ginawa ko kaso nga lang napahiya ko sila or sadyang hindi lang nakikita ng teacher ang mga pinaggagagawa ko. Madalas 'yong pangalawa ang nangyayari.

Hanggang sa dumating ang isang batang lalaki na hindi ko aakalain na magkakaroon ng marka sa buhay ko.

Si David Mole.

Naalala ko noon, ang palaging description sa kanya ay gwapo, pogi, handsome at cute.

Pero dahil sa ako ay malditang bata, hindi ko nakita iyon sa kanya.

Para sa akin ay isa siyang napakapangit na monster na sisirain ang mundo.

Well hindi naman mundo as in Earth. Kung hindi ang mundo ko.

a TINY note:

Preschool Regina on right ;)

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon