I’ve decided.
Kapag break time na, pupuntahan ko si Maggie at iaabort ko na ang mission na ito.
I can’t take it anymore! After ng nangyari kahapon, napagdesisyunan ko na that I will treat him like a contagious disease.
“Good morning, class.” masayang bati ng homeroom adviser namin
What’s so good about this morning? Tsk.
Nasa harapan ko ngayon ang pinakanakakainis na lalaki sa sanlibutan at katabi niya ang katandem niyang bruha.
Oo, nagpaawa effect na naman ang gaga para makuha ang gusto niya, ang makatabi si Jack.
“Okay, class. we’ll have a getting to know each other. You’ll have to find your partner, as much as possible ‘yong hindi niyo kaclose, okay? Then after 30 minutes,you’ll have to come here in front with your partner to pick a question that the two of you will answer about other.”
Mabilis namang rumonda ang mga kaklase ko para maghanap ng partner. Syempre, ‘yong iba play safe, ‘yong mga best friend nila ang partner nila kahit sinabi ni ma’am na ‘yong di kaclose ang kuhanin nila.
Eto namang nasa harap ko, dinudumog na ng mga babae. At ‘yong demonyitang obsessed kay Jack ay ginegera na ‘yong mga malalantod na babae.
Hay naku! Bakit ba kasi sila nagkakandarapa ng ganyan kay Jack? Ano bang nakita nila dito?
Biglang tumayo si Jack at hinawi ang mga babae sa paligid niya.
“Cup A minus!” sabi niya habang nakatingin sa’kin
May malaking question mark sa noo ko.
“Anong cup A minus?” pagtataka ko
“Ayan.” sabi niya at itinuro niya gamit ang nguso niya ang dibdib ko
Nang marealize ko ang sinabi niya, inilabas ko ang kamao ko at akmang susuntukin na siya nang mapigilan niya ang kamay ko.
“Ngayon lang ako nakakita ng babaeng nanununtok imbis na nananampal.” sabi niya at ngumiti pa siya ng nakakaloko
Inirapan ko siya.
“Be my partner.”
Ano daw?
At bago pa niya masagot ang tanong sa isip ko at iniharap na niya ang upuan niya sa’kin.
“What’s your full name?” tanong niya
Tinignan ko ang paligid ko. Tumumbad sa’kin ang masasamang tingin ng mga may gusto sa kanya lalo na si Margaret.
Napangisi tuloy ako.
“I don’t usually talk to strangers but well, I’m Regina Queen Hills. You?” sabi ko ignoring all of their evil glares
Mamatay kayo sa inggit lalo ka na Margaret.
“Just Jack Bean.”
“Talaga?” sabi niya at natawa ako
“Seriously, Jack?” sambat ni Margaret
Hindi siya pinansin ni Jack na siyang ikinagalit niya.
Parang umusok na ‘yong ilong at tainga niya nang pairap siyang umalis.
“Okay, tama na ang pagiging plastik. Anong trip mo at pinagtitripan mo ako ngayon?” prankang sabi ko sa kanya
“Wala akong makapartner eh.”
“Wow, wala ka pang makapartner sa lagay na ‘yan. Eh kulang na lang ay sumampa sila sa’yo at lumuhod sa monggo para lang maging partner mo eh.”
Natawa naman siya.
“’Yon nga eh. Ayoko sa ganoong babae. Buti ka pa nga eh, kahit brutal, hindi nagkakandarapa sa’kin.”
“Syempre, hindi naman ako tanga para magkandarapa sa isang tao lalo na sa’yo.” sabi ko
“Wow, sa gwapo kong ‘to, hindi ka man lang naattract sa’kin?” mayabang na sabi niya
“Naku! Kung gwapo ka, edi wala na palang pangit?” sagot ko sa kanya
At sa buong 30 minutes ay nagbabangayan lang kami na parang pusa’t aso.
“Time’s up. Go back to your seats now.”
Sinunod nila si ma’am at bumalik na sila sa respective seats nila.
“Okay, who wants to go first?”
Walang nagtangkang magvolunteer.
“Okay then, let’s just start at the back. Ms. Hills, kindly go here in front with your partner.”
Holy sheet of paper!
Nang hindi pa ako tumatayo ay hinila na ako ni Jack papunta sa harap.
Tsk!
Bumunot na siya ng isang papel mula sa box na nasa teacher’s table.
“Who is the person who you’re most angry with?” binanggit niya ang tanong.
Parehas kaming ngumiti.
“You.” sabay naming sabi
**
“Maggie, I want to quit.” agad na sabi ko pagkapunta ko sa HQ
“Huh?” pagtataka ni Maggie
“Kung hindi ka makaintindi ng English, then I’ll translate it for you. Ayoko ng ituloy ang misyon na ‘to.” sabi ko
“Why? After you’ve made this far?” tanong niya
“Nakakastep 2 pa lang naman ako. Marami namang iba dyan na mas magagawa ang misyon na ‘yan ng maayos.”
“Huh? Wait, sumama ka sa’kin and you’ll see why you shouldn’t quit.”
Hinila niya ako papunta sa quadrangle. At doon ko nakita ang sinasabi niya.
Naging pula ang buong campus. May mga pulang lobo na may hugis na heart at mga pulang rosas. Aakalain mo na Valentine’s day na.
Sa gitna ay may isang stage at may isang pamilyar na tao akong nakita doon.
“This song’s for you, Regina Queen Hills.” sabi ni Jack sa mic
“Beautiful girls all over the world
I could be chasing, but my time would be wasted
They got nothing on you, baby
Nothing on you, baby”
Bakit niya ako kinakantahan ng ganito?
“They might say hi, and I might say hey
But you shouldn't worry about what they say
'Cause they got nothing on you, baby
Nothing on you, baby”
Napansin ko na naghalo ang kinikilig at masasamang tingin sa paligid.
“Hands down, there will never be another one
I been around, and I never seen another one
Look at your style, they ain't really got nothing on
And you out, and you ain't got nothing on
Baby, you the whole package, plus you pay your taxes
And you keep it real while them other stay plastic
You're my Wonder Woman, call me Mr. Fantastic
Stop, now think about it”
Matapos ang kanta, lumapit sa’kin si Jack habang may hawak na banner na “Will you be my girlfriend?”
“So, what’s your answer?” tanong niya sa’kin
Naghanap ako sa lupon ng taong nakapaligid sa’kin.
And then I saw her, Margaret.
“Yes.” sabi ko at ngumiti ako ng malapad
BINABASA MO ANG
Nineteen Mr. Right
HumorNakita mo na ba ang Mr. Right mo? Pwes, si Regina Hills hindi pa. Pero nagkamali siya. Akala lang niya iyon. Dahil nakita na niya ang taong para sa kanya.