“Hey, hindi mo pa rin ineexplain sa’kin ‘yong walk out slash layas effect mo.” sabi ko
Ayoko sa lahat ‘yong wala akong alam sa nangyayari eh.
Pero ‘wag na ‘wag niyo akong matatawag na chismosa. Baka batuhin ko kayo ng suklay, sige kayo.
“E-Eh k-kasi a-ano...”
Isa pa sa ayaw ko ay ‘yong napakabagal magsalita. Time is gold nga diba? Leche flan!
“Alam mo, Graham, hindi naman si pinepressure kita na ikwento mo na agad lahat at huwag ka ng magpatumpik tumpik pa pero dito sa sasakyang ‘to talaga, bawal ang mabagal magsalita. Dapat kung may sasabihin ka sabihin mo agad. Sayang ang oras!” panenermon ko
“Sorry.” sabi ni Graham habang nakayuko
“Sinabing wala ng patumpik tumpik pa eh. Magkwento ka na!” sabi ko
“Hoy Heels! ‘Wag mo ngang ganyanin si Grahambells, kung ayaw magkwento, edi ‘wag magkwento. Eto naman masyadong atat sa balita. Ang chismosa mo!” sambulat ni Emma
At hindi pa man din niya nabibigyan ng emosyon ‘yong exclamation point sa dulo ng sentence niya ay nakakuha na ako ng suklay at naibato sa pagmumukha niya.
Binalaan ko na kayo ah. Kung ayaw niyong magaya kay Emma, ‘wag niyo na siyang tularan. Asahan niyo na lagi akong tumutupad sa sinasabi ko.
“Tsk. Kung ayaw mo munang magsalita, ako na lang ang magsasalita. May mga house rules dito kahit hindi naman talaga ‘to house. “ sabi ko
“Rule #1: Bawal ang makupad. Time is gold, silver, platinum at diamond. Nasabi ko na ‘to kaya dapat tumatak na ‘yan sa utak mo.”
“Rule #2: Kapag nanggising ako, bawal ang snooze. Bangon kung bangon. Related ‘to sa rule #1.”
“Rule #3: Bawal ang batugan. Kung anong matutulong mo dito, gawin mo.”
“I-I can cook!” sabi ni Graham
“Yeeeeey!” parang bata na sabi ni Emma
Nangiti naman si Graham.
“Rule #4: Bawal ang tatanga tanga. Kahit hindi mo alamkung ano ang mga pinaggagagawa at pinagsasabi namin, ‘wag ka na lang sumabat. Ayoko sa lahat ay ‘yong umeepal na wala namang alam.”
“Rule #5: Bawal ang sumagot sa’kin. Okay, eto ang rule na laging nilalabag ng bruhildang malapit sa’yo.”
“Hahahaha! So sinasagot mo na ang sarili mo?” banat ni Emma
“Gaga! Hindi ako bruhilda, demonyita ako. Tatanga tanga! Makinig ka nga din sa rules ko, ang dami mo ng nilalabag eh.” sabi ko
“ At ang ultimate commandment ay ako ang boss dito, ako ang masusunod at ako ang magdedesisyon. Kung sa tingin mo mali ang pinaggagagawa ko, magbalot-balot ka na.”
“Oh, anim lang yan. Hindi naman ‘to 10 commandaments kaya konti lang. ‘Yong ibang rules malalaman mo habang nandito ka. Tinatamad akong ienumerate kaya ‘yon na lang muna. Siguro naman tatatak ‘yan sa utak mo dahil konti lang ‘yan.” pagpapatuloy ko
Tumango siya.
Nabalot ng katahimikan ang kotse ko.
“Hoy! Anong tinatanga tanga niyo dyan? Kumilos na kayo!”
Si Emma ay pumunta sa driver’s seat at nagmaneho na.
Samantalang si Graham ay nagpunta sa kitchen ko at nagsimula ng magluto.
At ako? Eto prenteng prenteng nakaupo. Bakit boss ako diba?
Kinuha ko na lang ‘yong dyaryo na nasa lamesa.
Teal Cassidy: Umaarangkada ang karera
Napatayo ako sa kinauupuan ko.
Si Teal? Umaarangkada ang karera?
Ano siya kabayo?
HAHAHAHA!
Hindi ko alam na malakas pala ‘yong tawa ko at napansin ako ng dalawa kong trabahador.
“Bakit?” mataray na tanong ko
Bumalik naman sila sa pinaggagawa nila.
“Emma! Kilala mo ba si Teal Cassidy?” tanong ko
“Oo naman! Sino pa ba ang hindi siya kilala? Baka alien ‘yon. Sikat na sikat kaya siya. Crush ko nga ‘yon eh.”
Grabe, yes or no lang ang hinahanap kong sagot ay kung ano ano na ang pinagsasabi ng bruhildang ‘to.
“Saan ko kaya siya makikita?” tanong ko uli
“Naku! Panigurado may mga mall shows, tapings at guestings ‘yon. Mahirap hagilapin ‘yon unless fangirl ka talaga. “
Maging fangirl pala ah. Pwes.
“Bakit mo ka ba tanong ng tanong about kay Teal?” tanong ni Emma
Hindi muna ako sumagot at hinayaan ko siyang hintayin ang sagot ko.
Para may dramatic effect diba?
“Kasi kasama siya.”
“Whaaaaat?” sabi ni Emma at gulat na gulat siyang tumingin sa akin.
“Hoy gaga! ‘Wag kang tumingin sa’kin. Baka mabangga ta- May tao!” nagpapanic na sabi ko
*BAM!*
Agad kaming lumabas at tinignan kung sino ang nabangga namin.
Naku! Hindi pa ako ready na makulong.
Oo, masama ako pero ayokong makulong. Eew at boring kaya sa selda.
Naunang nakarating si Graham doon sa tao.
“Buhay pa siya!” sabi niya at binuhat niya ‘yong lalaki na nabangga namin
Malapit na kami sa kotse nang sikuhin ng lalaki si Graham.
Natumba si Graham.
Papasok na ‘yong lalaki sa kotse ko nang abutin siya ng heels na binato ko sa kanya.
Expert na ko sa pambabato kaya ‘wag na kayong magtaka. Asintado ‘to pre.
Napaupo naman ‘yong lalaki.
Bago pa siya makatayo ay nakapalipot na ang braso namin ni Emma sa kanya.
“Akala mo ba maiisahan mo kami?” sabi ni Emma
Buti na lang at may pulis na palibot libot at hinuli siya.
“Sumama po kayo sa presinto.” sabi nung pulis sa amin
Sumunod naman kami sa kanya.
**
“Talamak na magnanakaw po talaga ‘tong lalaki na ‘to. Marami na nga ang nagreklamo sa kanya dito eh. Pero kayo ang unang nakahuli sa kanya.” sabi noong pulis
Hmm, all thanks to me!
Nakita kong inis na inis ‘yong lalaki kanina habang nasa selda na siya.
“Paano ba ‘yan? Kulong ka na ngayon for the very first time. Sana magtanda ka na. Hindi lahat ng tao kasinghina ng iniisip mo.” sabi ko sa kanya
At alam mo ang sagot sa’kin? Dura. Duraan ba naman daw ako? Eeew!
“Bastos ka ah!”
Kung wala lang rehas na nakaharang sa’min ay nasapak ko na ‘to eh.
“Hoy Jack! Umayos ka dyan. ‘Wag kang magtanim ng beanstalk dyan para makatakas.” sabi noong pulis sa kanya
Palabiro din ‘tong pulis na ‘to eh. Jack in the Beanstalk lang ang peg.
Wait.
“Ano bang pangalan nitong loko na ‘to?” tanong ko sa pulis
“Jack Bean.”
BINABASA MO ANG
Nineteen Mr. Right
HumorNakita mo na ba ang Mr. Right mo? Pwes, si Regina Hills hindi pa. Pero nagkamali siya. Akala lang niya iyon. Dahil nakita na niya ang taong para sa kanya.