Chapter 42 "Mr. Right 8 & 9: Raphael Daniel & Teal Cassidy"

97 9 0
                                    

Matapos kong maikwento ang masaklap kong first love ay nakarating na kami sa destinasyon namin, ang Evans Hospital.

"Ready ka na ba?" tanong ni Emma pagkababa namin.

"Matagal na." sagot ko at pumasok na ako sa hospital.

"Kung kinakabahan ka, 'wag kang mag-alala, nandito lang ako at gagawan kita ng kape." sabi naman ni Graham.

"Baliw! Lalo mo akong papakabahin niyan eh." sabi ko at binatukan ko si Graham.

Pero wait, ano naman kaya ang ginagawa ni Teal sa hospital na 'to? May taping kaya siya dito?

Naglakad pa ako sa loob ng hospital nang may isang pamilyar na mukha akong nakita.

Mukhang nakilala rin niya ako at nagulat sa nakita niya.

"Regina?" tanong ni Raph nang lumapit ako sa kanya.

"Hi Raph, miss me?" sagot ko.

**

Naglibot muna ang magjowang si Emma at Graham sa labas ng hospital habang ako naman ay sumama kay Raph.

Ngayon, nakaupo lang kaming dalawa sa isang gazebo sa garden ng hospital.

"It's been years since I last saw you." sabi ni Raph.

"Yeah, I know."

"When did you come back?" tanong niya.

"5 taon na kong nandito."

"Ang tagal na pala. Bakit hindi ka man lang nagpakita sa'min?"

"I have a different life now. At alam kong kayo rin." sagot ko.

Natahimik naman siya sa sagot ko.

Ganoon ba talaga kapag matagal na hindi nagkita? May question and answer portion dapat?

"Bakit ngayon ka lang?" biglang tanong niya.

"Bakit? Marami na ba akong namiss?" sagot ko.

"Oo. Kasal na kami ni Daire."

Napanganga ako.

Ano daw? Kasal na sila ni Violet?

"P-Paano? Eh diba sila ni Teal noon?"

Natawa naman si Raph sa tanong ko.

"Wow ha. Napakatagal na noon. Ni hindi nga sila nagtagal ng isang buwan eh. Maraming nagbago matapos kang umalis." paliwanag niya.

"Ano pa ba ang nagbago? Bukod sa sinalo mo si Daire mula sa best friend mo?"

"Excuse me, hindi naman ako ganoon kabilis magmove-on at ma-in love. Grumaduate muna kami ng college bago ko narealize na siya talaga ang mahal ko."

"Hay salamat. Buti naman at maitatanggal na kita sa listahan ko." sabi ko.

"Anong listahan?" pagtataka niya.

"Wala ka na doon. Oo nga pala, nasaan si Teal?"

"Si Teal? Siya ba ang pinunta mo dito?"

Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Halika, sasamahan kita sa kanya." sabi ni Raph at inilahad niya ang kamay niya para alalayan akong tumayo.

"Ano ako senior citizen?" pagtataray ko.

Natawa naman siya sa inasta ko.

"Tss, ikaw talaga si Regina."

**

Bumalik kami sa loob ng hospital at naglakad papunta sa kwarto ni Teal.

It turns out na hindi pala taping ang dahilan kung bakit siya nandito.

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon