Chapter 24 "Mr. Right 5: Archie Hoppins"

122 9 1
                                    

Tinulungan ako ng lalaking sumagip sa'kin na mapaupo.

Tinitigan ko siya at inobserbahan.

Something's weird about this guy. Well, bukod sa kuhang kuha niya ang itsura ng ideal lifeguard, meron pa. But I just can't figure it out.

"Do I know you?" tanong ko sa kanya

Nagkibit-balikat lang siya.

Hindi tinigilan ang pagtitig sa kanya.

Sino ba talaga siya?

"Archie! Sabi ko naman kasi sa'yo, suotin mo 'tong uniform mo eh."

"Tss. Hassle kaya." sabi niya doon sa parang boss niya

"Miss, okay ka na ba?" tanong niya sa'kin habang isinusuot ang damit niya

Patuloy ko lang siyang pinanood na masuot ang uniform niya.

Nang nailagay na niya ito ay napansin ko ang name tag niya na nakatahi sa damit niya.

A. Hoppins.

A. Hoppins? Archie Hoppins?

"Oh my! Ikaw nga 'yon."

*~*

SUMMER 2012

Summer. The best 2 months of my life. Biruin mo, 2 months without schoolworks. That's heaven! Dapat 10 months na lang ang bakasyon at 2 months ang pasok.

But bukod doon, this is also the time for me to relax and be with water again.

Tinitigan ko ang dagat na nasa harap ko ngayon and just by looking at it, I feel so relaxed.

I was starting to daydream while standing nang may mabigat na kamay na pumatong sa balikat ko.

"It's a good thing you're back!"

Oh, andito nga pala si Archie. One more reason why I love summer.

Hindi pa ako nakakapagsalita ay nabuhat na niya ako. 'Yong buhat na pang bride.

"Archie! Put me down."

Tumigil siya at tumingin sa'kin.

"What if I don't want?" sabi niya at humarurot uli siya ng takbo papunta sa dagat.

"Hey! I'm still not on my swimsuit." sabi ko sa kanya

Malapit na kami sa tubig nang tumigil siya.

"I'm sorry. I just miss you, mermaid."

Mermaid, right.

Napangiti na lang ako nang marinig ko 'yon.

*~*

SUMMER 2010

"Regina, you have to stay here this summer."

Okay, heto na naman. Iniiwan na naman niya ako sa somewhere unknown to me to go on with her business.

Kakalabas lang namin ng sasakyan pero etong si mama ay nagtatatakbo na agad papunta sa amiga niya.

Palakad ko siyang hinabol. Syempre, ayoko namang pagurin ang sarili ko sa pagtakbo.

"Monica! This is my one and only daughter, Regina." pagpapakilala sa'kin ni mama

"Hi!" bati niya sa'kin at inilahad pa niya ang kamay niya sa'kin.

Hindi ko sana siya papansinin kaso pinanlilisikan ako ng mata ng nanay ko.

Ibinigay ko ang kamay ko sa kanya at nakipagshake hands.

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon