Chapter 17 "Mr. Right 4: Jack Bean"

143 10 0
                                    

"Jack Bean ang pangalan mo?" sabi ko at nilapitan ko ang kriminal na nasa selda

"Anong paki mo? Papakawalan ba nila ako dito kung sasagutin ko ang tanong mo?" sabi ni Jack

"Hindi. Pero binabalaan kita, hindi mo gugustuhin ang gagawin ko kapag hindi mo ako sinagot." sabi ko

"Sige nga, ano bang kaya mong gawin? Suntukin ako?" mayabang na sagot niya

Hah! Hinahamon pala ako ng lalaking 'to ah. Pwes, tignan natin.

Ngumisi ako at nanatili siya sa mayabang na posisyon niya.

Bigla kong pinasok ang kamay ko makitid na pagitan ng rehas at inabot ang mga tuhod niya at tsaka ko siya kiniliti.

Buti na lang at payat ako.

Isang hawak pa lang ay napaupo na siya at para siyang naging kiti-kiti.

"Oh, ano? Sasagot ka o hindi?" mataray na sabi ko habang nakaabang ang kamay ko

"S-Sino ka ba?" takot na tanong niya

"Sino pa ba ang taong nakakaalam ng katangi-tangi mong kiliti?" sagot ko

~**

June 2011

Expectation:

First day ko ng pagiging isang high school student. New school, new friends and new teachers! Lahat bago. I just can't contain my excitement!

Reality:

First day ko ng pagiging isang high school student. Same school, no friends and still bias teachers. I'm going to go through hell again. I just can't wait for summer to come!

Grabe, wala na bang ibang eskwelahan at kailangan dito pa rin ako maghahigh school?

Sawang sawa na 'ko dito eh. At isa pa, nandito pa rin si Margaret kaya mas lalong isinusuka ko itong school na 'to.

Bakit ba naman kasi tumatanggap sila ng mga ganoong estudyante? Pangmayaman 'to diba? Eh bakit may ugaling squatters?

Hay naku! Kung pwede lang na 'wag na lang mag-aral eh. Kung pwede lang na magbulakbol ako. Pero hindi eh. Hindi ko kayang suwayin si mama. After all, siya na lang ang meron ako.

Naistorbo ang pagdadrama ko nang biglang lumipad ang mga dala kong libro. (Kung nagtataka kayo kung bakit ako may dalang libro sa first day ng klase, pwes mag-isip kayo. Hindi lang textbooks ang considered na libro, may tinatawag din tayong mga novel.)

Kung bakit? Eh dahil lang naman sa lalaking bumunggo sa'kin.

Expectation:

Tutulungan ng lalaki ang babae na kuhanin ang kanyang mga libro. Sa pag-abot nito ay mahahawakan niya ang malambot na kamay ng dalaga. Madrama at mabagal silang titingin sa isa't isa at tatagal ang tinginan nila ng anim na segundo. Iistorbohin sila ng tunog ng bell na siyang hudyat na kailangan na nilang pumunta sa kanilang klase. Maghihiwalay ang dalawa ngunit habang sila ay papalayo sa isa't isa ay lilingon sila at bibigyan ng huling sulyap ang isa't isa.

Reality:

Napakashunga naman nung lalaking 'yon. Hindi marunong tumingin sa daan!

Akala ko ay magsosorry siya. Pero hindi, matigas ata ang bungo nito eh.

Sinundan ko siya. Hindi ako makapapayag na ginaganito ako.

Nang nasa likod na niya ako ay hinawakan ko siya sa balikat at iniharap sa'kin.

Tumumbad sa akin ang nagtatanong expression niya.

Pero bago pa siya makareact ay nasipa ko na siya sa tuho.

At sa hindi ko malamang dahilan ay biglang napaupo ang lalaking ito at biglang gumulong-gulong sa sahig na parang bagong silang na kitikiti.

Ano ba 'tong nilalang na 'to? Alien ba 'to? O may sakit?

Naku! Baka mamaya mahawaan niya ako, hindi pwedeng mangyari 'yon! I need to go to the clinic.

Mabilis akong tumakbo habang iniwan ang lalaking kitikiti na tawa ng tawa at habang maraming tao ang nakapaligid sa kanya.

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon