Chapter 27 "Bhoxsz L3ow"

120 9 0
                                    

A Tiny Note:

I don't intend to discriminate anyone or anything in this chapter. All the things I've put here are pure fiction. Sana maintindihan niyo 'yon.

~*~*~*~*~*~*

Babalik 'yon. Sus, si Emma pa. Kilala ko 'yang babaeng 'yan. Ilang oras lang 'yang maghahanap at mapapagod din 'yan. And eventually, she'll be running up to me again saying she regret all that she've said.

**

1 week later

She's not coming back!

Ito ako ngayon, nakahilata sa couch nagmomovie marathon mag-isa. Nakailang popcorn na ata ang naubos ko.

Aaminin ko, hindi ako sanay na hindi ko kasama si Emma. Ilang taon ko na 'yang kasama eh. Simula nang maging frenemies kami, hindi na kami naghiwalay. And somehow, I kind of miss her.

~*~

"Miss, anong number mo?"

"Pakiss naman, 'te!"

Lord, saan niyo po ba ako dinala? Akala ko ba eskwelahan 'to? Eh bakit parang dinala niyo naman ako sa isang manyak academy?

Nakakaasar kasi eh! Sino ba naman ang mag-aakalang nagkakaroon pala kami ng financial problem?

So here I am, stuck in a public school. Sabi naman ni mama saglit lang ako dito. But still! UGH, can I survive this world?

But there's one thing that I like here. Iyon ay nganga sa akin ang mga tao dito. First time siguro nilang makakita ng maganda. *evil yet gorgeous laugh*

At dahil nganga sila sa beauty ko, parang automatic na sa kanila na umalis sa dinaraanan ko. Kaya ayon, madali akong nakarating sa klase ko.

Oh my gosh! How can they stand this crowd? Kulang na lang magkapalitan sila ng mukha dahil sa sobrang dami nila sa loob.

I took a good look at almost all of them. Naku! Kawawa naman ang face ko kapag napalit sa kanila.

At dahil nga maganda ako, nganga na naman sila sa'kin. Hay, mamaya magkakadengue na ang mga tao dito dahil papasukan sila ng lamok sa bibig.

Nakahanap din naman ako ng mauupuan ko. Buti na lang at walang nakaupo sa isang side ko at bintana na ang katabi ko sa isang side.

I'm safe!

NOT.

May isang freak na tumabi sa'kin. Nakaschool uniform siya pero sobrang dami ng modifications ang ginawa niya pero hindi naman maganda.

May cap siya na neon ang kulay ng designs. Nakapolo siya pero makikita mo 'yong tshirt na suot niya sa loob na may nakalagay na "Never Give Up". Tapos may bandana or whatever pa siya sa katawan.

What do you call this kind of person? Alien, no. Weird, slight. Alam ko narinig ko na ang tawag sa kanya eh.

*TING!*

Jejemon, that's it! Naalala ko 'yong tawag kasi nakita ko 'yong sulat niya sa notebook.

Bhoxsz L3ow

What the hell diba?! Tinuruan ba 'to ng alphabet ng magulang niya?

"Hi." sabi noong jejemon

Hindi ko siya pinansin. Bakit diba bilin sa atin ng mga magulang natin na don't talk to ugly people- este, strangers?

Nilabas ko lang 'yong iPhone ko na syempre ay latest edition.

Napanganga ko na naman ang mga kaklase ko.

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon