"Deal." sabi ko at inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
Liligawan lang naman pala eh. At least hindi niya hiniling na maging boyfriend ko. I've got enough of that.
Malapad namang nakangiti si Stephen nang kinuha ang kamay ko.
Matagal kaming nanatili sa ganoong posisyon.
Mukhang feel na feel niya ang paghawak sa kamay ko ah.
"AHEM!" pagpaparinig ko sa kanya.
Mukhang nakaramdam naman siya at binitawan na niya ang kamay ko.
"So kailan ang next taping niyo?" tanong ko.
"The day after tomorrow."
"Eh bakit sabi ni Teal sa isang tweet niya simula ngayon ang taping niyo?" pagtataka ko.
"Mukha bang may taping kami?" pamimilosopo niya.
"Tss."
"So ano, mukha namang wala kang ginagawa ngayon eh. Want to extend this and finally call it a date?" sabi ni Stephen flashing his pagwapo smile.
As if that would have an effect on me. *mentally flips hair*
**
"Two tickets please." sabi ni Stephen sa ticket agent at nagbigay siya rito ng bayad.
Nang makuha na niya ang ticket ay itinuon na uli niya ang atensyon niya sa'kin.
"Sigurado ka bang maganda 'tong palabas na 'to?" sabi ko habang inaabot niya sa'kin ang ticket.
"Oo naman. Naging cast na ko ng isang adaptation nito eh." sabi niya at kinindatan niya ko.
What is he doing? Is he trying to seduce me or impress me?
Malamang, Regina. Eh nililigawan ka nga eh. Tss!
Pumasok na kami sa teatro at hinanap namin ang upuan na dapat naming upuan. May nakaassign na kasi kung saang seat ka eh.
Nang makaupo na kami, inilabas ni Stephen ang cellphone niyang paniguradong pagfifiestahan ng mga magnanakaw.
May pinindot lang siya dito at itinaas niya ang phone niya.
Wow, ipagmayabang daw ba 'yong cellphone? Tss, meron din naman ako niyan.
"Tingin ka sa camera." sabi niya sa'kin.
"Ha? Bakit?" tanong ko.
Parang tanga lang 'yong tanong ko noh?
"Natural kukuha ako ng litrato nating dalawa. Hindi mo ba alam 'yong selfie?" sabi niya.
"Alam ko. Kaso alam ko kasi 'yong selfie pang isang tao lang eh. Kaya nga SELFie eh." sagot ko.
HAHA! I feel so intellectual.
Sinunod ko pa rin naman ang sinabi niya at ngumiti na ako.
"Hay naku! Wala ka pa ring pinagbago." sabi ni Stephen matapos niyang makakuha ng litrato naming dalawa.
Sasagot na sana ako nang sumabat na naman siya.
"Kaya pati feelings ko sa'yo hindi nagbabago eh. Try mo kayang magbago, baka mabago din 'yong feelings ko." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko but still with his unexplainable smile.
"Ang drama mo talaga. Kaya ka artista eh!"
Natigil lang kami sa pagdidiskusyon nang may narinig kaming isang announcement.
"Please turn off your phones or any gadget to prevent problems with our technical and communication system. Also, kindly minimize your voice for a better watching experience. The show will start in 5 minutes."
BINABASA MO ANG
Nineteen Mr. Right
HumorNakita mo na ba ang Mr. Right mo? Pwes, si Regina Hills hindi pa. Pero nagkamali siya. Akala lang niya iyon. Dahil nakita na niya ang taong para sa kanya.