Mukhang natuwa naman silang lahat sa naging sagot ko.
"Kung gusto mo, ngayon na!" sabi ni Ms. Leader
"Wait, ano nga palang pangalan mo?"
"Margie, which I hate the most, pero ang tunay na pangalan ko ay Maggie."
"Bakit naman napalitan?"
"Eh eto kasing si Margaret, gusto malapit sa pangalan niya ang pangalan ko. Kaya ayan, pinapalitan ng mga magulang namin ang pangalan ko sa birth certificate."
The hell?! Pati ba naman pangalan minamanipula niya?"
"Wait uli, may isa pa akong tanong."
Tinignan nila ako at ipinakitang nakikinig sila.
"Bakit ako?" tanong ko
"Well, bukod sa ikaw ang nag-iisang hindi nagpapatalo kay Margaret, ikaw palang nakakaekwentro sa man of her dreams niya."
"Really? Sino naman 'yon?"
"Si Jack Bean!" sabay sabay na sabi nila
Ahh, 'yong nilalandi niya kanina. Hindi na 'ko magtataka.
"Eh hindi ko pa nga nakakausap o nakikita man lang ang mukha niya eh. Kaklase ko lang siya at nasa harap ko lang siya sa seating arrangement. That's it."
Mukha namang nagtaka sila kaya nagbulungan sila.
"Hindi kami pwedeng magkamali." sabi ni Maggie
"Ilabas mo nga ang picture niya." pagpapatuloy niya at may isang naglabas ng isang litrato
Kinuha ito ni Maggie at ipinakita sa akin.
"Kilala mo ba 'to?"
"S-Siya 'yong bwisit na lalaking walang galang na bumangga sa'kin na mukhang kitikiti!" sagot ko
Napangiti naman silang lahat.
"Siya si Jack Bean." sabay sabay nilang sabi
And at that moment, I want to collapse.
**
Hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag ako sa isang kasunduan na ganoon.
Biruin mo, 'yong lalaking iseseduce ko at paiibigin ko ay ang parehas na tao na pinakaiirita ko ngayon (pinakagalit ako kay Margaret). At nasa harapan ko pa siya tuwing homeroom!
Kay malas na buhay nga naman.
Pero at least, nalagpasan ko na ang first stage.
Ang problema ko na lang ay kung paano ako uusad.
Duh, ayoko ngang makita siya o lumapit man lang siya sa'kin (baka mahawa na talaga ako sa sakit niya), tapos ako pa mismo ang kailangang gumawa ng first move? The hell!
Gustuhin ko mang magquit sa operation na 'to, palagi namang nananaig sa'kin ang paghihiganti kay Margaret.
Hindi naman 'to magiging seryoso diba? Kailangan ko lang masaktan si Margaret at pagkatapos ay maaari na uli akong mamuhay ng malaya.
Dapat nga maging masaya pa ako eh. At least ngayon, may alas na 'ko laban kay Margaret.
HAH! Akala mo-
"What the?!" biglang may bumangga sa'kin, hawak hawak niya ang isang tray kung nasaan ang lunch niya at dahil sa katangahan niya ay tumilapon ito sa'kin.
What is wrong with this day and everyone keeps on bumping me?
I know I was spacing out, pero bakit hindi man lang niya naisip na lumihis sa dinaraanan ko? Hello, ang laki laki kaya ng corridor. Para saan pa ang tuition fee na ibinabayad niya para sa facilities kung hindi niya gagamitin ng maayos 'tong daan?
Isip isip din kuya!
Pero syempre, nasa isip ko lang lahat ng iyon. Mabait kaya ako.
At dahil nga isa akong mabuting mamamayan, pinagpag ko ang pasta na nakapalibot sa blouse ko, pati na rin ang sauce. Kinuha ko 'yong chicken na nahulog at tsaka isinampal ito sa mukhaniya. Pinahid ko din ang sauce na nasa kamay ko, at kinulayan ang buong mukha niya.
"Perfect! Masarap ba?" masayang sabi ko at bago ako umalis ay inirapan ko siya
Matapos noon ay nagpatuloy ako sa pagkalakad.
Nganga ang lahat ng tao sa ginawa ko. At dahil mabait ako, napigilan ko ang sarili ko na ishoot sa mga bunganga nila ang meatballs.
"Grabe siya, hindi man lang siya naawa kay Stephen."
"Oo nga eh. And to think na matagal na silang magkaklase ah."
"I know right. Wala talagang sinasanto si Regina."
Nag-init ang ulo ko at lalo akong naging mabait.
Kinuha ko 'yong mga cans na nakakalat sa floor at tinapon sa basurahan, sa bibig ng mga chismosang hindi nawawala sa tuwing gagawa ako ng kasamaan-este, kabutihan.
Ang bait ko diba? I helped the environment. Mother Earth should thank me.
At dahil madungis na 'tong pang-itaas ko, pumunta pa tuloy ako sa locker room.
Nakakabwisit! Ang hassle tuloy. Imbes na magtutunaw lang ako ng kinain ko, kailangan ko pang pumunta dito.
Pagkapasok ko ay pumunta agad ako sa locker ko. Girl's locker lang iyon. At dahil girl's locker nga, walang boys. Nililinaw ko lang, baka kasi shunga shunga kayo. Wala namang ibang taong nandoon kaya sa tapat na ako ng locker naghubad at nagpunas ng sarsang napunta sa balat ko.
*BAM!*
Narinig kong sumara ang pinto at may isang taong pumasok.
"What are you doing here?!" high pitched na tanong ko sa lalaking pumasok.
Oo, lalaki siya. At hindi lang siya basta bastang lalaki, si Jack Bean iyon.
Napansin kong hindi siya nakatingin at nakatulala siya sa dibdib ko.
Nang marealize ko ang sitwasyon namin ay agad kong binato sa mukha niya ang marumi kong damit.
"Bastos ka! Lumabas ka nga dito."
Binato uli niya sa'kin ang damit ko.
"Uso kasi ang CR at paglalock eh." sabi niya at ngumisi pa siya bago siya lumabas
ARGH! Gusto kong banggitin lahat ng mura sa kanya. Gusto ko siyang sabihan ng "duh, uso ring magbasa." kaso ang bilis niyang nakaalis.
Bwisit talaga siya! Ngayon, alam ko na kung bakit siya ang nagustuhan ni Margaret. Palibhas parehas sila eh, parehas nanggaling sa ilalim ng lupa.
50-50 na naman tuloy ako sa mission ko. Dapat ko bang ituloy o hindi?
UGH! Bakit kasi of all people, si Jack Bean pa?
BINABASA MO ANG
Nineteen Mr. Right
HumorNakita mo na ba ang Mr. Right mo? Pwes, si Regina Hills hindi pa. Pero nagkamali siya. Akala lang niya iyon. Dahil nakita na niya ang taong para sa kanya.