Happy 3K Reads, Nineteen Mr.Right! And as promised, here's the update!
Btw, Colin on the side! :)
~*~*~
"Colin! Sino 'tong babaeng 'to? Kailan ka pa nagkaroon ng nobya? Nabuntis mo ba 'to? Hay nakung bata ka talaga!" sunud-sunod na tanong ng nanay ni Mr. Nice Guy a.k.a Colin.
Napakamot na lang kami ng ulo ni Colin.
Grabe, ang dami na agad conclusions ng mommy niya?
"Ma, hindi ko siya girlfriend at lalong hindi ko siya nabuntis. Nakita ko lang siya sa kalsada-"
"Nakita mo lang sa kalsada? Bakit? Pulubi ba 'to?" singit ng mommy ni Colin.
Mukhang naiirita na si Colin sa mga pinagsasabi ng nanay niya kaya sumingit na ako sa usapan nila.
"Good evening po. Ako po si Re- Queenie. Hindi po ako criminal o pulubi. Napalayo lang ako sa tinitirhan ko at tuluyang naligaw. Wala naman po akong balak na magtagal dito."
Ano? Pwede na ba akong maging mabait?
Parang biglang nag-iba ang aura ng nanay ni Colin dahil sa sinabi ko.
"Ay! Napakagalang mo naman pala, hija. Naku, kahit magtagal ka dito ay ayos lang. Feel at home, hija!" masayang sabi niya.
Nagkatinginan naman kami ni Colin at parehas kaming may pagtataka sa mukha.
Seriously, bipolar ba 'tong nanay niya?
**
"This will be your room." sabi ni Colin nang makarating kami sa isang kwarto.
Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto. Hindi ito gaanong malaki, baka nga kalahati lang 'to ng kwarto ko sa mansyon. Pero mapagtitiyagaan na 'to lalo na ngayong wala akong matutuluyan.
Buti na nga lang at mabait 'tong lalaking nakakita sa'kin. Biruin mo, tutulungan na niya akong maging mabait, pinatuloy pa niya ako sa bahay nila.
Iba talaga ang kamandag ng isang Regina- este Queenie Hills.
"Okay lang ba sa'yo kung damit na lang ni ate ang suotin mo? Wala naman siya dito, nasa abroad." sabi niya pagkasara niya ng isang two-door closet.
Tss, ano pa bang magagawa ko?
"May kailangan ka pa ba? 'Pag may kailangan ka pa, tawagin mo lang ako."
"Okay." matipid na sagot ko.
Matapos niyang ihanda lahat ng kailangan ko, lumabas na siya ng kwarto.
Pagkaalis niya, agad naman akong lumapit sa aparador at binuksan ito para tignan ang mga damit dito.
Woah. Hindi man lang sinabi sa'kin ni Colin na balyena pala ang ate niya. Dalawang ako na ang kasya sa mga dito!
Hinalughog ko ang damitan ng ate ni Colin at naghanap ng mapagtitiyagaang suotin. Sa huli, nadesisyon na lang akong isuot ang isang t-shirt na nakita ko at ginawa itong mini dress.
Tinupi ko na lang ang manggas hanggang sa maging hapit na ito sa mga braso ko para hindi makita ang bra ko.
Matapos kong magbihis, nakarinig ako ng katok.
"Pasok!" sabi ko.
Pumasok naman si Colin na mukhang nagulat sa suot ko. Mukhang pigil na pigil siya sa pagtawa sa nakita niya.
Nang macompose na niya ang sarili niya, kinausap na niya ako.
"Mukhang komportable ka naman pala sa damit ni ate. 'Lika na, kain na tayo!"
BINABASA MO ANG
Nineteen Mr. Right
HumorNakita mo na ba ang Mr. Right mo? Pwes, si Regina Hills hindi pa. Pero nagkamali siya. Akala lang niya iyon. Dahil nakita na niya ang taong para sa kanya.