Chapter 29 "Ms.Heels vs. Ms.Bastos"

121 9 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas simula nang maging kami ni Gilmore.

Hay, hindi ko alam kung paano ko siya napagtiisan ng ganoon ka tagal.

Pagkagising ko ay may nareceive ako agad na text.

From: Gilmore Babe <3

Happy weeksary, babe! :*

Kung nagtataka kayo kung bakit Gilmore Babe <3 ang pangalan ni Gilmore sa phone ko, pwes sisihin niyo si Gilmore. Ilang beses ko ng pinalitan 'yan pero ilang beses na rin niyang binalik.

Weeksary? Cinecelebrate pala 'yon? Akala ko anniversary lang ang meron eh.

Hindi ko nireplyan ang text niya at naghanda na lang ako para pumasok sa school.

Pagkabukas ko ng pinto para umalis ay sumulpot ang isang Gilmore Leo na may hawak na bouquet of flowers sa harapan ko.

"Happy Weeksary Babe! Alam kong hindi ka magrereply kaya pinuntahan na kita dito." sabi niya at ibinigay niya sa'kin ang flowers.

Kinuha ko naman ito at inilagay sa loob ng bahay.

Ayoko ngang may makakitang ibang tao na may dala akong flowers.

Sabay kaming pumasok sa eskwelahan ni Gilmore.

Hay, kailan kaya ako lulubayan nitong lalaking 'to?

Pagkarating namin sa school, halos lahat ng mata ay nakatingin sa'min.

It couple na ba kami sa school na 'to? Hay, iba talaga ang ganda mo, Regina.

"Uh, babe. Una na ako ah." sabi ni Gilmore at agad siyang umalis.

Aba, himala ata ah. Hindi kami sabay na pupunta sa classroom.

Hoy, hindi ko siya namimiss ah.

Naglakad na ako at dumiretso sa classroom.

Sakto namang papasok na ako sa classroom ay nakasalubong ko 'yong babaeng bastos.

Siya 'yong pinukpok ko ng heel ko na naging dahilan ng pagiging alipin ko (ni Gilmore)

Wait, parang ngayon ko na lang siya nakita ah. Isang linggo ba siyang absent?

Tuluyan na akong pumasok ng classroom at umupo sa usual seat ko.

Ang nakakapagtaka lang, hindi tumabi sa'kin si Gilmore.

Ano kayang problema niya?

At guess who kung sino ang katabi niya. Si Ms.Bastos.

Ipinagpatuloy ko lang ang buhay ko at hindi ko na pinakialamanan si Gilmore.

Dapat nga maging masaya pa ako ngayon dahil kahit papaano ay naghihinay-hinay si Gilmore.

Natapos ang boring na klase at lumabas ako para bumili ng pagkain.

Naglakad lang ako papunta sa canteen hanggang sa palibutan ako ng maraming babae.

Tinignan ko ang mga itsura nila.

Hindi naman sila kagandahan pero kung makapagtaray akala mo dyosa.

"Ang kapal din naman ng mukha mo." sabi ng isang babaeng espasol. (grabe, ang foundation eh)

"Ang lakas din ng loob mo."

"Tsk, transferee ka pa man din."

Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nila.

"Ano bang problema niyo sa'kin? Wala akong ginagawang masama sa inyo." sagot ko sa kanila.

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon