Chapter 47 "Mona Regina"

123 6 5
                                    

Ang bilis talaga ng panahon. Isang linggo na naman ang lumipas. Sabado ngayon at bukas na ang uwi ng ate ni Colin kaya naman naggegeneral cleaning kami ngayon.

"Naku! Bakit ka naglilinis, Queenie?" gulat na sabi ni Tita Carmen sa'kin.

"Okay lang po. Gusto ko po talagang tumulong. Nakakabagot naman kung papanoorin ko lang kayo." sabi ko habang nag-aalis ng agiw.

"Basta mag-ingat ka- HIJA!" parang nagdilang anghel si Tita Carmen at nagkamali ako ng tapak kaya naman nahulog ako.

Buti na lang at umastang Edward Cullen 'tong si Colin at nasalo ako.

"Tsk, tsk. Kakasabi lang ni mama na mag-ingat." sabi ni Colin habang buhat-buhat niya ako.

"Sorry na po. But do you mind bringing me down?" sagot ko.

Sinunod naman niya ang sinabi ko at ibinaba ako ng maayos.

"Oh siya, ako na ang magtatapos nito. Ilagay niyo na lang 'yong box na nasa sala sa bodega." utos ni Tita Carmen.

Agad naman naming ginawa ang utos niya at tumungo na sa sala para kuhanin ang mga kahon. Buti na lang at saktong dalawang kahon lang ang nandoon kaya tag-isa kami ni Colin.

Parehas munang binuhat ni Colin ang dalawang kahon at saka lang binigay sa'kin ang isa.

"Mas magaan 'yan. 'Yan na lang ang dalhin mo." sabi niya.

Ngumiti lang ako at nagpasalamat saka ko kinuha ang kahon.

Nauna siyang naglakad papunta sa bodega dahil siya ang may alam kung saan 'yon. Hindi pa kasi ako nakakapunta doon dahil ngayon lang naman may inutos si tita na pumunta doon.

Pagkapasok namin doon ay sinalubong kami ng limpak-limpak na alikabok.

Parang ilang taon na 'tong hindi nabibisita.

Sinundan ko lang si Colin pero habang naglalakad kami ay inoobserbahan ko ang paligid.

May nakita akong mga medalya na nakalagay sa frames at diploma.

"Akin na 'yong box mo. Ilalagay ko na dito." sabi ni Colin.

Inabot ko naman ang kahon sa kanya. Habang nilalagay niya ito kasama ng iba pang kahon, nilapitan ko ang mga gamit ni Colin at tinignan ang mga ito.

Una kong nakita ang ID niya. Sa picture niya unang natuon ang atensyon ko.

In fairness, may itsura talaga siya noon. Kaya lang nakashades siya dito kaya hindi ko masyadong marecognize.

Baka naman gwapo lang siya kapag nakashades.

Sunod ko namang nakita ay ang pangalan ng school niya.

Edgestone University

Wait, dito ako nag-aral noong nasa States pa ako! So schoolmates kami?

"Bakit nandito ang mga medalya at diploma mo? Hindi ba dapat nakadisplay 'yan?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ang iba pa niyang school stuff.

"Ayaw kasi nila mama na maalala ko pa ang buhay ko doon sa States kaya itinago nila ang lahat ng bagay na magpapaalala sa'kin nito." sagot niya.

"But then, why do you always talk about your blind experiences with me? Hindi ka ba inaatake ng trauma?" tanong ko

"Hm, no. I have this feeling that I can trust you. Besides, you're really comfortable to talk to. Para bang kahit na may pagkabitch ka, handa kang makinig sa mga sasabihin ko. Well anyway, matagal naman na rin kasi 'yon." sabi niya at naglakad na siya palabas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon