PRESENT TIME
"So you left to be a lifeguard?" tanong ko kay Archie.
Nasa isang nipa hut na stall kami ngayon.
It's weird. Kahit na ilang taon na kaming hindi nagkikita, feeling ko walang nagbago. He's still the guy who loves the sea and calls me-
"Yes, mermaid." sagot niya with his perfect D smile.
"But why? Mayaman ka naman ah. You have all you want. Eh anong napapala mo ngayon sa pagiging simpleng lifeguard."
"Hey, don't say it like that. Marangal na trabaho 'to. I get to save lives and be a hero to anybody. That feeling is worth all of my efforts at kahit gaano pa karaming pera ang maiwaldas ay hindi ito mararamdaman."
"Wow, ang lalim ah. Ganyan ba kapag nakainom na ng maraming tubig sa dagat?"
Natawa naman siya. Clown talaga ang turing niya sa'kin.
Nagpatuloy kami sa paghigop ng shake na binili namin.
Ang sarap talaga ng ganito sa napakainit na panahon tulad ngayon.
"So, when are you coming back?" bigla kong natanong.
"Hindi mo ba naintindihan na wala na talaga akong balak na umuwi doon?" sagot niya.
"Pero bakit? I still can't understand."
"Pagod na ako. Hindi ko na kaya ang pagmamanipula na ginagawa sa'kin noon ni mama. Alam mo ba kung ano 'yong sinabi niya sa'kin na naging dahilan ng pag-alis ko? Sinabi niya sa'kin dapat kitang pakasalan. Inaarrange na nila tayo kahit na ang babata pa natin noon. Anong klaseng magulang siya diba?"
Natahimik ako.
Kami? Inarranged marriage kami?
"But I respect you, Regina. Ayokong mamanipula ka rin katulad ng ginagawa ng mga magulang ko sa'kin. Marriage is a very sacred event. At karapatan mong pakasalan ang taong gusto mong pakasalan, ang taong mahal mo."
Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko dito sa loob ko. Para bang natutuwa ako na nafaflatter dahil may isang lalaki na may mataas na respeto sa'kin.
I didn't reply to him with a thank you. But instead, I just hugged him to show my gratitude.
**
It was nice meeting Archie again. Kahit kailan talaga ay masaya lang siyang kasama. He taught me how to surf and I think I can already compete with my skills now. *evil laugh*
But all days come to an end. When the sky began to darken, we finally say goodbye to each other.
I went back to my cozy car/house and get my list of Mr. Right.
I crossed out the name Archie Hoppins in it.
4 down, 14 more to go.
Sayang, hindi ko na kasi naabutan si Teal eh. Masyado akong nawili dahil kay Archie.
Komportable na akong nakaupo nang bigla biglang pumasok si Emma na hingal na hingal.
"Oh, hinga muna. Baka makalimutan mo at ako pa ang pag-asikasuhin mo ng libing mo." sabi ko sa kanya.
"Baliw ka talaga! May problema tayo."
"Oh, ano naman 'yon?" tanong ko.
"Nawawala si Graham." takot na takot niyang sabi.
"Tss, 'yon lang naman pala. Eh baka naman umuwi na 'yon. Nahomesick agad." sagot ko.
"No, I know he got lost when you are busy looking for YOUR Teal."
"Ano bang problema mo? Hayaan mo siya, malaki na 'yon. 'Wag ka ngang mag-alala sa kanya." sabi ko with matching flip ng hair.
"Buong araw na siyang wala. Who knows kung nakakain ba 'yon or what diba? Alam mo, kung wala kang kahit konting konsensya, fine! Ako na lang ang maghahanap sa kanya tutal wala ka naman talagang pakialam sa kanya. Kasi kahit na anong gawin niya para lang ipakita na mahal ka niya, hindi mo nakikita at sa halip, pinagmumukha mo pa siyang tanga."
Aray ah, paano napunta ang usapan na 'to sa ganito?
Bago pa ako nakapagsalita ay kinuha na niya ang gamit niya.
"Kung ikaw wala kang puso, pwes ako meron."
At hindi ko pa nagagawang iproseso ang nangyayari ay iniwan na ako ni Emma.
Heto na naman ako, nag-iisa.
BINABASA MO ANG
Nineteen Mr. Right
HumorNakita mo na ba ang Mr. Right mo? Pwes, si Regina Hills hindi pa. Pero nagkamali siya. Akala lang niya iyon. Dahil nakita na niya ang taong para sa kanya.